Hindi madali ang maging house wife
Sino ang nagsasabi na madali lang maging nanay? Na madali lang dahil nasa bahay kalang at walang gagawain kundi mag alaga ng anak mag hapon? Akala ng ilan na masarap maging housewife lang! Na napakadali ng buhay para sayo kasi sasahod ka nalang ng pera sa asawa mo. Opo masarap ang nasa bahay lang pero hindi madali. Nakakabagot paulit ulit lang ang sistema ng buhay mo. Madalas wala kang kausap meron nga ding nagkakaroon ng depresyon sa mga may bahay ohh ilaw ng tahanan dahil sa stressed din. Paulit ulit ang sistema gigising mag aalaga ng anak maglalaba magluluto mag huhugas ng pinggan repeat in 365 days. Tapos makakarinig ka pa ng ang sarap ng buhay mo at nasa bahay kalang nakakainggit ka! Opo thankful kami na naalagaan namin ng maayos ang anak namin na naasikaso namin ang asawa namin pero sana naman kamustahin nyo rin kami. Katulad ng kamusta ang maghapon mo? Anong ginawa mo? May gusto ka ba? Mga simpleng bagay na malaking tulong upang mabawasan ang stress namin sa buong araw. Hindi madali mag isip ng iluluto tatlong beses sa isang araw lalo na kung hindi naman super dami ng inyong pera. Na maghapon anak mo lang ang kausap mo. Na hindi mo magawa na gumamit ng banyo ng maayos dahil ultimo sa pagbanyo nasama ang anak mo na matagal mo ng ligo ang limang minuto dahil mayat maya kinakatok ka ng anak mo. Na gigising ka ng maaga para ulitin uli yung mga bagay na ginagawa mo na ng ilang taon. Minsan sana bigyan nyo rin kami ng panahon para maintindi namin ang sarili namin. Na makapag relax yun simpleng pagtulong ng asawa sa pag alaga ng anak ay malaking bagay na sana. Yung mahaba habang kwentuhan nyong mag asawa about sa work nya at sa maghapon mo malaking tulong makaalis ng stress. Na pasalamatan din sana kami sa mga effort namin at hindi yung asa bahay kana nga lang palpak pa mga nagagawa mo. Hindi madali ang maging taong bahay lang wala kaming pinag iba sa katulong na yaya pa ng bata so anong madali don? At katulad namin sila na pag minsan may maling nagawa eh napapagalitan or nasisisi pa. Sana maappreciate din ng lahat na hindi lang kami basta nasa bahay lang. Na nakatunganga lang sa bahay umaga palang kumikilos na ang isang ina at huling natutulog sa gabi dahil sa mga tinatapos pa na gawain. Kaya appreciate din po sana natin ang ating mga butihing may bahay. Opo masarap maging taong bahay pero hindi po madali.
Tama pu kayo, indi pu madali ang maging housewife. Pero minsan napapadali pu sa tulong ng house maid na magaling pu sa house keeping. Siguro pu kailangan ninyo ng house blessing para pu gumanda ang pasok ng swerte. Ahihihi!
Ammhhh ok naman po ako so far majority po ang post ko , medyo hirap pero kaya naman po sa tulong ng pamilya at ni hubby ..