Gaano ba Kahalaga sa iyo ang Pera?

in #life7 years ago

Money is the root of all evil?

Maraming gamit ang PERA at kung gusto ng taong gamitin ito sa kasamaan o kabutihan ay nasa sa kanya na ‘yun at hindi natin maaring isisi ang pagiging masama ng isang tao dahil sa PERA. Bakit? Wala naman itong utak at isip ‘di tulad nating mga tao.

20180406_170758.jpg

May mga taong pera ang kailangan para mapunan ang ibang kalungkutan sa buhay, may mga taong sa pera nanggagaling ang panadaliang kasiyahan, may mga taong nag-iiba ang ugali kung walang pera sa bulsa. Nakaka stress naman talaga d ba? Buti pa ang PERA may tao, ang tao walang PERA

PERA, hindi natin kayang mamuhay ng wala nito, totoong halos ito na lang ang nagpapaikot sa mundo, totoong marami ang pinagbabago ang ugali dahil dito.

Hindi lang pera ang nagpapaligaya sa tao…pwede rin kasing latest na CELLPHONE, TABLET, bagong KOTSE, trip to Hong kong o pagkain sa isang magandang restaurant, ALAHAS, DAMIT o kahit simpleng EMOJI lang sa taong mahalaga na iyo napapangiti ka na.

Ang kaso nakalulungkot na maraming tao ang nakadepende ang kasiyahan sa dami ng PERA sa bulsa, sa ganda ng gadget at kasangkapan, sa gara ng suot na damit o sa dami ng pinamimili sa mall. Kunsabagay, sino ba naman ang magkakaroon ng matamis na ngiti kung ikaw ay baon sa pagkakautang o wala kang maihaing ulam sa hapag-kainan o wala kang sapat na PERA sa pagpapagamot sa isang kaanak? Meron tayong ibat ibang dahilan.

Makakabili ka nga ng malambot na KAMA pero hindi and payapang tulog.
Makakabili ka nga ng mamahaling RELO pero hindi mo mabibili ang oras at panahon na nawala.
Makakabili ka nga ng mga LIBRO pero hindi mabibili ang kaalaman.
Magkakaroon ka ng dalubhasang DOKTOR ngunit hindi ang magandang kalusugan.
Makakabili ka ng DUGO ngunit hindi ang buhay.
Makakabili sa nga ng panandaliang sex pero hindi ang tunay at wagas na pagmamahal.

Akala lang ng iba na ‘pag ang tao’y maraming PERA wala na itong problema ngunit ang totoo kung sino pa ang may labis na kayamanan siya pa ang may magulong kaisipan o may dinadalang mabigat na suliranin sa buhay. Kase naman sa dami ng PERA nila hindi nila alam kung saan ilalagay o kaya baka makidnap ang mga anak nila at pang ransom lang. Hehehehe

Take note!!!!!! pag marami kang PERA, marami ka ring kaibigan.... pag wala ka ng PERA hindi ka na nila kilala? hu u? do i know U? sa iba ganun, pero meron pa rin namang matatawag na true friends , sa lechon at sa tuyo magkasangga tayo.

THERE'S MORE TO LIFE THAN MONEY. Hindi na maibabalik ang oras na lumipas, gamitin sana ito ng may kabuluhan dahil hindi lang pera mo ang kailangan ng iyong pamilya. Mahirap marealize na sa bandang huli na hindi mabibili ng PERA ang lahat ng bagay at hindi talaga sya ang nagpapaligaya sa buhay ng isang tao.

Kaya Share nyo na yan..... hahahaha

Sort:  

Congratulations @alsianelle! You received a personal award!

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 1 year!

Click here to view your Board

Support SteemitBoard's project! Vote for its witness and get one more award!

Congratulations @alsianelle! You received a personal award!

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 2 years!

You can view your badges on your Steem Board and compare to others on the Steem Ranking

Vote for @Steemitboard as a witness to get one more award and increased upvotes!

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.25
JST 0.040
BTC 94970.03
ETH 3345.55
USDT 1.00
SBD 7.80