"Surpresa ng Pagmamahal"(from boy with love)
Pauwi na si girl ng probinsya, habang nasa bus naalala nya si Sign, nangilid ang luha nya hindi nya lubos maisip bakit ang bilis mawala ng pagmamahal ni Sign sa kanya. Piniling umidlip ni girl kesa mag emote, mahaba pa naman ang byahe nya.
Nagising sya sa tunog ng cellphone nya, si Sign pala. Sinagot nya ang phone at nag-usap sila. Gusto ni Sign na huwag syang umalis at ayusin nila ang problema. Pero gusto nyang maging tapat kay Sign kasi kahit sya hindi nya alam kung anu nga ba nag nararamdaman nya para dito. Kailangan nya mag-isip, sinabi nya kay Sign na okay lang sya at mas maiging malaya na ito.
Nakarating naman si girl ng maayos sa kanila at tuwang-tuwa ang kapatid nya sa kanyang pasalubong. Biglang may iniabot din ito sa kanya, isang maliit na box na may sulat at may kwentas din. Galing daw ito kay boy, matagal na daw itong binigay ni boy nung umuwi ito ng probinsya at sinadya silang bisitahin.
Nung buksan nya ang sulat nakita nya ang date nito, bigla nyang naalala parehong date ito nung binigyan sya ni Sign ng kwentas. Binigay daw ito ni boy bandang tanghali, gabi naman nung binigay ni Sign ang kwentas sa kanya, ibig sabihin nauna pa si boy magbigay ng kwentas. Isa lang siguro ang ibig sabihin nun, si boy ang hiniling nyang sign. May tuwa at excitement syang naramdaman.
Nakalagay sa sulat na miss na miss na daw sya nito at kailangan daw nilang mag-usap. Ingatan daw ni girl ang kwentas at isipin lang daw ni girl na si boy ang kwentas na yun na nakayakap sa leeg nya. Hugis puso ang kwentas, isang malaking puso at isang maliit sa loob nito at ang dulo nito ay isang susi. Ito daw ang simbolo na nakasusi na ang puso nya kay girl, sya daw ang malaking puso at si girl ang maliit na nasa loob.
Hindi nya maipaliwanag ang sayang naramdaman nya. Kinilig sya at para din syang maiiyak habang hawak-hawak ang kwentas. May address din itong sinulat at kontak number nito, ito na ang pagkakataon nya para makita si boy. Pero nagpasya syang huwag itong i-text kasi gusto nya itong surpresahin sa Maynila.
Biglang nagsalita ang nanay ni girl, galing daw ulit doon c boy pero sinabi nya ditong huwag ng umasa kasi nga may syota na c girl. Nalumo nanaman sya as always. Pero hindi nya masisi ang nanay nya kasi nakita pala nito kung gaanu sya naapektuhan nung magkahiwalay sila ni boy. Wala syang naikwento sa nanay nya pero sabi nito "kapag nanay ka alam mo ang nararamdaman ng anak mo". Natutuwa si girl kasi mabait ang nanay nya at naiintindihan sya nito palagi, niyakap niya ito at napaiyak sya.
image source
Tanghali na, nagyaya ang nanay nyang pumunta ng palengke para bumili ng uulamin nila.
Nakita nya ang pinsan ni boy, naikwento nito na nakauwi na din ng probinsya ang magulang ni boy. Si boy daw maganda pa din ang trabaho kasi naregular na ito, pero balita din daw nya may sinusyota itong bakla mula ng malamang may bago na si girl. Hindi daw ito sigurado pero yun daw ang alam nito. Hindi makapaniwala si girl at naalala nya yung sinabi nito sa kanya. Tinutuo yata ni boy na kapag hindi sila ang magkatuluyan magsusyota ito ng bakla. Kailangan nyang puntahan agad si boy, babalik sya ng Maynila kung kinakailangan. Iri-rescue kita sa baklang yan, I am here for you gaya ng laging mong kinakanta sa akin., bulong ng isip ni girl.
Magkita na nga kaya sina girl at boy? Ang sagot po ay OO pero abangan po yan sa susunod na kabanata.
Special thanks po kay @tagalogtrail at @hr1 sa pagsubaybay nila sa kwento ng pag-ibi ni girl.
At thanks din po sa @steemitfamilyph sa pagbabasa at sa suporta.
Heto po ang mga kabanata ng kwento nina boy and girl, sana po mainspired kayong patuloy na magmahal:)
Chapter 1: https://steemit.com/story/@lynbabe10/ako-ba-ang-nagkulang-o-ikaw-ang-di-lumaban
Chapter 2: https://steemit.com/story/@lynbabe10/how-do-you-heal-a-broken-heart
Chapter 3: https://steemit.com/story/@lynbabe10/pinaglalayo-nga-ba-sila-ng-tadhana
Chapter 4: https://steemit.com/story/@lynbabe10/bagong-pag-ibig-ba-o-panibagong-pagkabigo
Chapter 5: https://steemit.com/story/@lynbabe10/masakit-na-kabanata-ng-pag-big!
hahaha XD. Mamamalengke lang si girl kasama si nanay pero grabe kung makaporma hahaha XD. I like the story, it's very interesting, so is the humor. I'll read the other chapters next time :3 kapag wala na akong hinahabol na schedule.
Hajajaja natawa ako sa porma, anyway thanks, I'm glad nagustuhan mo:)
@resteemator is a new bot casting votes for its followers. Follow @resteemator and vote this comment to increase your chance to be voted in the future!