Ang hugot ko

in #hugotcontesthugot7 years ago (edited)

Ilang beses akong nagdalawang isip bago tuluyang isumite ang likhang ito. Baka kasi ito na ang huling maging beses na magkakaroon ako ng kaibigan at pamilya sa Steemit( HAHAHA). Pero nais ko pa din ipakita ang suporta sa patimpalak na ito ng aking kaibigang si @lhyn.

Hanggang ngayon nahihiwagaan pa din ako kung gaano kaepektibo ang paggamit ng mga alala ng mga taong naging parte ng buhay naten (sa madaling sabi ay EX) sa pagpapalabas ng pagiging malikhain ng bawat isa.

Nagsimula ito kaninang umaga, habang nagluluto ako, bigla talaga siyang pumasok sa isip ko.
IMG_7055.jpg
Ito nga pala yung ulam namin kanina, ewan ko kung alam mo na niya na naging paborito ko to, ampalaya. Mapait man sa panlasa ng tanan, puno naman ng sustansya na kailangan ng bawat isa. Parang yung naramdaman ko nung araw na nagdesisyon siyang iwan ako. Mapait at masakit sa una pero sa huli naintindihan ko din ang kabutihan dulot niya ( ahem..ahemm)

Ayoko na sana isipin kasi nga tapos na, matagal na. Wala na saken ang lahat at alam kong ganun din naman saknya.Kaya matapos kong magluto pinilit kong ibaling ang atensyon ko sa ibang bagay. Lumabas ako, naisip kong mas makakabuti doon kasi, sariwa ang hangin at maraming tao, mas posible na hindi ko na maisip.

Sa paglalakad ko , kinailangan ko dumaan sa tamang tawiran. At doon ako ay napatigil.

IMG_7671.jpg

Tumigil ako at ang lahat na taong nais tumawid dahil nakailaw ang pulang ilaw na nangangahulugang kailangang tumigil o huminto at hayaan ang mga sasakyan na makadaan. Ang di sumunod sa bantayan na ito ay maaring masaktan o masagasaan. Napaisip ako, ganitong ganito kasi yung naitanong ko sa sarili ko noong mga araw na kami ay nagkakalabuan na . Tama bnag ituloy pa o dapat bang tumigil na ? Sa paniniwala ko na kaya pa naten isalba kung ano man yung natitira , ayun, parang nasagasaan na din ng mga sasakyan ang puso ko.. sugatan nung iniwan mo

Medjo kakaiba talaga ang dating ng mga bagay bagay kapag may pinagdadaanan.Kahit ang mga simpleng bagay ay nagagawa mong kuhanan ng hugot. Nakakaaliw , oo pero madalas may kirot. Pinagpatuloy ko ang paglalakad at ito ang aking natunghayan. Isang kainan na bukas bente kwatro oras, pitong araw sa bawat linggo.

IMG_7670.jpg

Sigurado ako na para ito sa mga taong natuwa at sumaya sa kanilang pagbisita at nais bumalik ng paulit ulit. Naisip ko na ganun din pala yung puso ko nang kami pa. Palaging bukas para sa kanyang pagbalik , kaya hinayaan ko na siya ay bumalik ng paulit ulit kahit masakit.

Nagatuloy ako sa paglalakad, umaasang makakakita ng ibang pagbabalingan ng atensyon. Ngunit sa paglingon ko, tila naiisip ko pa rin.

IMG_7676.jpg

Dito madalas ang punta pagkatapos makuha ang sweldo ng karamihan. Madalas para magpadala, ang iba naman para magpapalit ng pera na maaaring galing sa ibang bansa. Ssang beses sinubukan ko tong bisitahin. **Hindi para magpadala sa pamilya kundi para magpapalit ... ng puso. Baka sakaling makalimutan ko kung gano ko siya kamahal at matutunan ko maging masaya kahit tapos na ** ( BOOM!)

Huli na ng mapansin ko na medyo malala na pala ang paghugot ko kaya naisip ko ng umuwi na lamang at magpahinga. Baka pagkagising ko matapos na. Pero bago yun, nautusan pala ako bumili ng Ceelin para sa kasama namin sa bahay kaya't ako ay dumaan sa...

IMG_7674.jpg

Habang inaabot sa akin yung binili ko, gusto ko sana tanungin kung meron ba silang isa pang klase ng gamot pantanggal sakit. Sakit kapag iniwan ka o niloko ng yung minamahal.(haha..last na!)

Pero, bago matapos ang araw ko, pinili ko na kumain bago magpahinga. Dahil nangungulila ako sa pinas, naisip kong kumain ng isa sa mga paborito ko mula pagkabata.

IMG_7678.jpg
Sana nga kasi , parang si Jollibee na lang yung kami... walang lungkot, walang sakit at para yung laging bida lang yung saya..

( Ang mga larawan po na ito ay aking personal na kuha gamit ang aking teleponong Iphone )
Alam ko po na ito na dapat ang huling beses na gagawa ako ng ganito. Gayunpaman ako ay naaliw at sumaya. Sana kayo din. =) Salamat sa pagbabasa kaibigan ! Hanggang sa muli, paalam!

Kung nais niyong tignan ang mga detalye ng patimpalak na ito, ay maaari lamang bisitahin ang sumusunod:https://steemit.com/hugotcontest/@lhyn/hugot-contest-10-sbds-up-for-grab


Cast your vote and support @surpassinggoogle , my witness and inspiration to continue learning and growing.

To vote visit,
https://steemit.com/~witnesses
Type "steemgigs" as a witness in the search box then vote as shown below:

re127f3gcm.jpg

IMG_7303.jpg

Sort:  

Naaliw ako at dahil jan yes ka sa akin lol! Tindi makahugot a kay jollibee ln pala ang bagsak hehe. Cguro kasama mo un nasa unang pic kasi pati sya may hawak na jollibee. Ikain na lang ang hugot at sakit at least mabubusog ka pa lol! Ang daming hugot dito.

haha, lalo na akog nahiya idol @leeart. haha pasensya na last naman na talaga.. haha ..kaya nga tama ka idol, ikain na naten to =)

Hala bat ka naman nahiya? Ok naman yan e galing mo nga magsulat e. Nagagawan mu hg kwento bawat pix.

chamba lang yan idol.=) haha

..ahahahahah nice entry sis..
hndi ako kumakain ng ampalaya eh.. hindi pa kc ako handang magpalaya..ahahaha ang korni ko😂😂😂

salamat sis @ahna8911. dbale, isshare ko na lang sayo yung binili ko sa jollibee para pati sau puso mo eh maging bida na din ang saya hahaha..=)

hahaha! #nantzjbalayo malalim ba mga hugot? ganyan kasi kalalim yung naging sugat nung iniwan ako eh .. WAAAAAAh!!! hugot ka na din =)

Entered! Good Luck! ^_^

haha salamat ! =)

Grabeh hugot mo deth! Hahaha.

sali ka ate.. para mas masaya..malamo mo ikaw na ang next hugotera ng steemit =)

Hahahaha. Humuhugot lang ako kung wala ng mahugot na pera. Hahaha

Ang hugot po 😂

hi @gwenbyyy , haha,, malalim ba??ganyan ata talaga kapag nasaktan, iniwan ant pinilit bumangon muli ..Wahahaha..sali ka na makihugot ka samin =)

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.20
JST 0.034
BTC 89557.69
ETH 3064.76
USDT 1.00
SBD 2.96