The Diary Game Season 3 (03-21-2021) | Pagpupri At Pagsamba Namin Sa Dios 🙏🙏🙏

in Christian Life 😇4 years ago

Isang Mapagpalang Araw sa Ating Lahat!!!

Mahigit dalawang linggo na ang nakalipas na hindi ako nakabahagi nang aking Diary Game dahil sa hindi ako gaanong nakakalabas dahil da pandemya at medyo mahigpit na naman kami dito. Isa din sa dahilan ay medyo naging abala ako sa pag sali nang Steemit Crypto Acedmy. Medyo kailangan kasi nang oras upang mapag aralan ang lahat nang mga tinuturo nang mga Professor, pero napaka saya nang Academy.

Ngayon naman ay ibabahagi ko sa inyo ang aming papuri at pagsamba sa Dios ngayong arawa na ito.


20210321_223817.jpg

Araw nang linggo nga ngayong araw na ito at ito ang araw na kung saan kami ay magkikita kita na naman nang aking mga kapatiran at kasamahan sa aming Simbahan. Sa araw na ito ay nasa oras na 4:00 nang umaga ako gumising upang makapag handa na nang maaga. Pagkatapos ko ngang magising ay agad akong nagpasalamat sa Dios dahil sa lahat nang kanyang ginawa at hindi pag iwan sa akin. Pagkatapos kong magpasalamat sa Dios ay nag umpisa na rin ako sa pagluluto. Ngayong araw ay isang piniritong isda at hotdog lang ang aking lulutuin kaya ang dali ko lang natapos, mga nasa 5:15 na iyon nang umaga. Makalipas naman ang ilang saglit ay kumain na rin ako, naligo at nagbihis upang maaga akong matapos at maka alis na rin.


IMG_20210321_092810.jpg---IMG_20210321_093036.jpg

Mga nasa 7:25 na ako nakarating sa aming Simbahan dahil hinintay ko pa ang aming sasakyan dahil medyo natagalan ito. Pagka dating din naman namin ay medyo marami na ang mga tao kaya nag umpisa na kami sa aming programa sa araw na ito. Syempre ang una talaga naming ginagawa ay ang pagbigay nang awitin para sa Dios, ito ang aming paraan nang pagbigay papuri at pagsamba sa Dios.

IMG_20210321_093157.jpg

Kasama nga sa aming pag bigay papuri at pagsamba ay ang mga sayaw para sa Dios. Kapag kami ay nagkakaisa ay hindi talaga namin mapigilan ang ibigay ang lahat para sa Dios dahil alam namin na itong lahat ay sa Dios. Hanggang sa natapos ang aming pagbigay papuri at pagsamba sa nang mga nasa 9:35 nang umaga.


IMG_20210321_103858~2.jpg

Sa mga oras na ito ay oras na upang kami ay makarinig nang mga Salita nang Dios na ibabahagi nang aming Pastor mga nasa oras 9:55 na iyon nang umaga. Ang ibinahagi niya sa araw na ito ay patungkol sa ating pagtitiwala sa Dios. Alam naman natin na maraming mga pangyayari sa ting buhay ngagon lalo na at meron pang pandemya. Pero sa kabila nang mga pangyayari sa ating buhay ay nararapat at lubos na mapagkakatiwalaan natin ang Dios. Kahit nagtitiwala tayo sa ibang mga tao, hindi natin masisiguro na panghabang buhay iyon. Pero sa Dios, makaka siguro tayong mapagkakatiwalaan siya pang habang buhay at maraming salamat sa Dios.

Mga nasa oras na 11:40 na natapos sa pagbahagi nang salita nang Dios ang aming Pastor at mga 11:55 ay natapos na rin ang aming programa sa araw na ito at umuwi na rin kami sa aming mga bahay bahay.

Sa kabuoan ay sobrang naging masaya ang araw na ito dahil sa kabila nang mga pangyayari ay nagpatuloy pa rin kami sa pag bigay papuri at pagsamba sa Dios dahil alam naming mapagkakatiwalaan ang Dios sa habang panahon.

At ito lamang ang aking maibabahaging #thediarygame para sa inyong lahat sa araw na ito at hanggang sa susunod na araw muli, paalam.

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. 😇🙏☝

Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator02, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.

Ang Iyong Kaibigan
@loloy2020

Sort:  

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.20
JST 0.038
BTC 95102.79
ETH 3574.19
USDT 1.00
SBD 3.81