The Diary Game Season 3 | Act Of Kindness (12-22-2020) | Ang Bagong Feeding Mission Ngayong Bago Ang Pasko 🥰🤗
Maligayang Pasko sa Ating Lahat!!!
Malapit na nga ang Pasko, ang dalangin ko ay maging masaya at mapayapa ang ating darating na Pasko at patuloy ang pagpapala nang Dios sa ating lahat.
Bago nga po ang Pasko, isa sa aming ginagawa ay ang pagsasagawa nang Feeding Mission at sa kabila nang pandemya ngayon ay patuloy pa rin namin itong gagawin.
Dahil nga sa meron na naman kaming Feeding Mission sa araw na ito, nasa mga 4:00 nang umaga uli akong gumising para makapag luto at makapag handa nang maaga. Pagka gising ko nga ay nagdasal muna ako para pasalamatan ang Dios sa bago na namang araw at buhay na binigay niya sa akin, pagkatapos naman ay bumangon na rin ako para makaluto na nang aming agahan. Natapos ako sa pagluluto nang mga nasa 6:00 nang umaga at agad agad ding kumain para sa mas maaga akong matapos. Pagkatapos kumain ay kasunod ko ring inasikaso ang aking mga alagang mga hayop at pagkatapos ay naligo na ako at nagbihis, mga nasa 7:50 na ako nang umaga natapos at sakto lang din kasi nasa 8:20 nang umaga nakarating ang aming sasakyan papunta nang aking venue na pagdausan nang Feeding Mission.
Nakarating nga kami sa venue nang mga nasa 9:00 na nang umaga, medyo malayo din ang ang venue mula sa amin mga nasa isang oras din ang byahe, depende sa sasakyan at panahon mabuti nalang at maganda ang panahon ngagon.
Pagkadating din namin ay agad kaming nag-asikaso sa aming mga lulutuin kasama ang aking mga kasama sa mission na ito. Ang lulutuin nga namin ngayong feeding mission na ito ay Spaghetti at fried chicken at syempre hindi mawawala ang kanin. Meron din kaming inihandang mga juice para sa mga bata. Dahil nga sa medyo marami ang aming luluruin ay, nag gropu-gropu kami sa pagluluto iba ang sa spaghetti, iba sa fried chicken at iba din ang naka assign sa kanin at juice. Habang meron ding naka assign na mga kasama namin sa pag-aasikaso sa mga bata kaya habang naglulutu ang iba, ang mga bata naman ay malilibang sa mga laro at pagbabahagi nang mga kwento. Dito talaga makikita ang pagtutulongan namin para mabilis na matapos ang mga gawain namin sa feeding mission. Habang naglalaro nga ang mga bata ay makikita namin na tuwang tuwa ang mga ito kaya habang kami naman ay nagluluto para na ring nasisiyahan kami sa aming mga gawain.
Noong malapit na nga kami sa pagluluto ay nagsimula na din sa pagbabahagi nang mga salita nang Dios para sa mga bata ang aming Pastor para maturuan din sila nang magagandang mga asal. Makikita din namin na taos puso silang nakikinig sa kabila nang kamurahan nang kanilang mga edad. Kaya noong inalayan na sila nang mga dasal nang aming Pastor ay kitang kita sa kanila nalang mga sarila na tinatanggap nila ang mga dasal na iyon at tinataas pa nila ang kanilang mga kamay.
Sa wakas ay natapos na rin kami sa aming pagluluto nang mga nasa oras na 11:50 nang umaga at agad na din kaming nag asikaso sa mga pagkain para sa mga bata. Kaya para maging organisado ang lahat, hindi nalang namin sila ipinalinya para ma iwasan ang kumpulan, ipina upo nalang namin sila at kami nalang ang magbibigay sa kanila nang pagkain nila. Mahigit sa 20 din ang mga bata na napakain namin, pero ang inaasahan talaga namin ay nasa 30 pataas pero okay lang naman kaysa sa walang batang makarating.
Habang nakikita namin ang mga bata na masayang kumakain ay napapasaya narin kami kasi isang matagumpay na naman na feeding mission ang aming nagawa kaya malaking pasasalamat namin sa Dios dahil sa ganitong gawain na inatasan at ibinigay niya sa amin.
Natapos nga kami sa aming Feeding Mission nang mga nasa 1:30 na nang hapon at agad agad na din kaming umuwi sa aming kasi nakikita na din namin na parang uulan kasi medyo madilim na rin ang kalangitan kaya nagmadali na kami, at naka uwi na nga kami sa mga oras 3:00 na nang hapon nag ligtas. Pagka uwi nga ay nagpahinga muna ako dahil sa pagod na aking nararamdaman pero kitang kita ang saya sa aking mukha dahil sa ginawa namin ngayon.
Sa kabuoan ay talagang napakasaya at napaka ganda nang araw ko ngayon dahil isa na namang matagumpay na feeding mission ang aming nagawa sa tulong mismo nang Dios at isa ding pagbabahagi namin nang regalo para sa mga bata ngayong panahon nang Pasko. Inaasahan namin na marami pa kaming magagawang ganitong gawain sa susunod na mga buwan sa kabila nang pandemyang ito.
At ito lamang ang aking maibabahaging #thediarygame para sa inyong lahat sa araw na ito at hanggang sa susunod na araw uli, paalam.
Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. 😇🙏☝
Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.
Every act of kindness is a noble thing. Keep it up and be a reason to let other people smile. So proud of you Mel! You are rocking Steemit!
#onepercent #philippines
Thank you very much fycee for the support.
Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.
You are such a good person @loloy2020. Keep it up!
Thank you very much ate sa support.
!tan
@goldcoin You Successfully Trended The Post, But @loloy2020 Is Not Yet Bind His/Her STEEM & HIVE Accounts To Receive The TAN Rewards.
You Utilized 3/3 Daily Summon Bot Calls.
TAN Current Market Price : 2.540 HIVE
This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.
Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.
Anroja
@loloy2020 Is Not Yet Bind His/Her STEEM & HIVE Accounts To Receive The TAN Rewards.
Therefore, Author Reward of 0.754 TAN Sent To @null & Burned. Curators Made 0.527 TAN.
Join CORE / VAULT Token Discord Channel or Trade TANGENT Token
TAN Current Market Price : 4.500 HIVE