The Diarygame at 10-17-2023 | Pagselebrar Sa Kaarawan Ng Aming Anak
Magandang umaga po sa lahat lalung-lalo na sa mga tao na nandito sa ating mahal na komunidad at sana'y nasa mabuti kayong kalagayan.
Ikinagalak ko pong ibinabahagi sa inyo ngayon ang aking artikulo sa araw ng labing-pito ng Oktobre 2023. Kung saan ang aming simpleng selebrasyon sa kaarawan ng aking bunsong anak na si Exodus. Nagselebrar siya ngayon ng ika-anim na taong kaarawan. At salamat sa Panginoon at binigyan naman siya ng panibagong taon sa kanyang buhay. Laki ang aming tuwa at pasasalamat sa Diyos ng aming buong pamilya na pinagkaloob siya bilang isang mabuting anak at mabuting kapatid. At higit sa lahat may takot at paniniwala sa ating mahal na Panginoon.
Kaya maaga kaming gumising mag-asawa para sumabay mang manyanito sa aming anak sabay awitan siya ng kantang pang kaarawan at tapos nagdarasal para sa kanyang kalusugan. At para magsimula na agad kaming tumulong sa pagluluto para sa hahandain na mga pagkain para sa kanyang kaarawan.
Dahil gusto rin kasi niya na doon kami sa dagat magselebrar ng kanyang kaarawan. Gusto rin ng kanyang mga kapatid na magselebrar sa kanyang kaarawan na kahit simple lang. Kaya dapat maaga kaming maghanda para sa mga pagkain na dadalhin namin sa dagat. Mga simpleng mga pagkain ang aming inihanda. Katulad na lang ng sinugbang bangus at baboy, nilagang saging na saba at kamote. At syempre ang hindi mawawala na ulam tuwing may kaarawan ang pansit. Pinagtulong-tulongan naming niluto ang mga pagkain ito. Para madaling matapos para madala at makapunta kaagad sa dagat. Sabik na kasi silang makaligo ulit sa dagat.
At doon sa dagat ay sobrang saya talaga niya at ng kanyang mga kapatid na naglaro sa dagat. Para bang mga ibon na malayang nakalabas sa kanilang hawla. Sabik na sabik na kasi silang maligo ulit sa dagat dulot kasi ng pandemya kaya matagal-tagal na rin silang hindi nakalabas ng bahay na hindi rin naman lang nila alintana ang init ng araw. Sinusulit talaga nila ang pagkakataon na makakaligo sa dagat.
Nakita ko talaga sa kanilang mga mukha ang saya na kalimita'y maramdaman ng mga bata. Takbo riyan, takbo roon! Talon diyan, talon doon! Akyat diyan, akyat doo! Ang saya-saya talagang tingnan. Hindi man nila masabi ang tuwa na kanilang naramdaman pero makikita ko talaga sa kanilang isa't-isa na mga mata. Naka-antig talaga ng damdamin na makita silang malayang nakalabas para makapaglaro at makakaligo sa dagat.
Walang humpay na kasiyahan kapag nakikita namin na masaya siya. Kung saan kaligayahan sa mukha ng aming anak sa kanyang kaarawan. Kahit medyo simple lang ang selebrasyon. Ito lang din kasi ang ma-aabot namin para sa kanyang kaarawan. At sana'y maligaya ka rin kahit simple lang na selebrasyon sa iyong kaarawan ang importante ay mahal ka naming lahat at ng iyong buong pamilya. Ipinagpasalamat namin itong lahat ng buo sa ating Maykapal. Maraming salamat po.
Bumabati,
Natz
Upvoted! Thank you for supporting witness @jswit.
Congratulations, your post has been upvoted by @scilwa, which is a curating account for @R2cornell's Discord Community. We can also be found on our hive community & peakd as well as on my Discord Server
Felicitaciones, su publication ha sido votado por @scilwa. También puedo ser encontrado en nuestra comunidad de colmena y Peakd así como en mi servidor de discordia
TEAM 5
Congratulations! Your post has been upvoted through steemcurator08. Good post here should be..Thank you.