The Diary Game Season 3 (Sept. 17,2021) | Celebrating 2nd Birthday of our Little Warrior

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Magandang araw sa ating lahat!

Today September 17, 2021 ay nagdiriwang kami sa ika 2nd Birthday ng aking pamangkin na si Akio Leigh.

collage.jpg

Gusto ko lang muna eshare na last year, my nephew Akio was admitted to the hospital at nag stay ng 15 days sa ICU. Nagseseizure palagi, walang malay, nakatubo ang bibig at may hose sa ilong para sa pagkain,hindi nagreresponse. Umabot ng 2 weeks sa paiba ibang test na ginawa at ibat ibang medisina ang tinutusok sa kanya pero wala findings ang mga doctor. Everyone of our family was feeling hopeless that time pero hindi kami binigo ni Lord sa aming mga prayers at pagtitiwala sa kanya. Nagkamalay at nagbalik ang kanyang lakas sa paglipas ng dalawang linggo na pamamalagi namin sa hospital. God made a Miracle.

Screenshot_20210917_225102_com.android.chrome.jpg

At ngayon ay masaya naming pinagdiwang ang kanyang pangalawang buhay na binigay ng maykapal. Umaga pa lang ay nagdesinyo na kami sa aming wall ng Safari theme. Ang ballons ay inorder lang namin online pati kurtina at yung iba pang mga design ay DIY lang namin.

IMG_20210917_150504.jpg

received_3051449375125539.jpeg
(My daughter and the Celebrant Akio Leigh)

Gumawa naman ng DIY chocolate, biscuit at candy cake ang aking sister in law na mama ni Akio. Wala daw kasi sila budget ng pambili ng cake dahil halos kalahating milyon ang na loan sa bangko ng aking kuya pambayad lang ng hospital last year kaya hanggang ngayon ay malaki ang deduction sa sahod nya.
IMG_20210917_150520.jpg

Nung tanghali na ay umalis ako sa bahay para bumili ng paper plate. At syempre bilang tita gusto ko bilhan ng totoong cake ang aking pamangkin kaya dumaan ako sa red ribbon at bumili.

IMG_20210917_234157.jpg

IMG_20210917_143224.jpg

Pag uwi ko sa bahay, nagsimula na ang party. Kumakanta ang mga bata ng Happy Birthday at pagkatapos ay binigay na namin ang kanilang pagkain at loot bags na may chocolate at candies.

IMG_20210917_163454.jpg

IMG_20210917_150546.jpg

IMG_20210917_150535.jpg

IMG_20210917_150530.jpg

Pagkatapos ng mga bata ay nag start na din kami kumain ng panghaponan. At nag order lang din kami online package na pagkain na worth 3,000 php.

IMG_20210917_181036.jpg

Habang kumakain pa lang ako kay nakikita ko na masaya na naglalaro at tumitikim ng cake na aking binili si Akio. Paborito nya kasi yung chocolate tapos yung icing din.

IMG_20210917_164708.jpg

Nabusog at masaya kaming lahat sa araw na ito at sa another year na binigay ng panginoon na makapag celebrate ng birthday sa aking pamangkin.

Hanggang dito nalang po muna. Maraming Salamat sa inyung pagbabasa.

Godbless and Stay safe sa lahat!

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 56519.24
ETH 2991.31
USDT 1.00
SBD 2.16