The Diary Game Season 3 (09/29/21) | Our Kind of Monthsary Date

in Steemit Philippines3 years ago

Set 20% of postpayout to @steemitphcurator

Magandang araw mga kapamilya! Kumusta kayong lahat? Sanay nasa mabuting kalagayan ang lahat.

Noong nakaraang sabado ay ang aming monthsary ng aking partner. Hindi kami masyado nagcecelebrate pag monthsary o anniversary. Matagal na din na hindi kami nakapag gala simula nung nagkapandemya. Kaya naisipan namin na gumala kahit saglit lang, namimiss na nya daw kasi mag date kami. Hehe kaya lang may anak na kami, di na pwede na kami lang dalawa ng partner ko ang lumabas kaya kailangan dalhin namin si baby.

Pumunta kami sa Naga Board Walk and park alas 6 ng gabi na. Nung pagpunta namin ay hindi na sya kagaya nung dati na madaming tao nagtatambay. Maganda yung paligid, perfect para makapag relax. Sa park may mga puno na may mga lights tapos ang under nito ay upuan kung saan pwede din sya sa magdadate at sa mga gusto magpahinga.

IMG_20210925_180415.jpg

IMG_20210925_184720.jpg

Ang Naga City Boardwalk ay naging isang atraksyon ng turista para sa maraming mga lokal na nagmula sa ibang lugar sa Cebu. The ambience here was very refreshing and relaxing. At dahil 1st time na nakapunta dito ng aking mag ama ay nilibot namin ito at nagpipicture kahit madilim. 😅

IMG_20210925_220727.jpg

IMG_20210925_184211.jpg

IMG_20210925_184043.jpg

Habang naglalakad kami at tinitignan ang bawat view ng paligid ay tinitignan ko din kung saan kami pwede makakain dahil nagutom ako sa kakalibot dito. May nagtitinda sa sidewalks ng mga balot, pinoy, chicharon at iba pa pero gusto ko kumain ng kanin. May nakita akong mga grupo na nagtitinda dito ng barbecue, masarap sana kumain kaso madami kumakain that time. Bago pa makapasok sa may park ay may Chowking at Jollibee akong nakita. Pumunta kami sa Chowking pero hinarang kami ni manong guard dahil hindi pwede ang bata doon. Kakalungkot naman. 😢

Pauwi na lang sana kami pero may nakita kaming may mga nagtitinda ng laruan. Ang gaganda ng mga laruan. Habang tinitignan ko ang aking anak na nag eenjoy sa mga laruan ay naalala ko na man na nung bata ako wala akong pambili ng laruan at hanggang tingin lang talaga ako noon. Kaya sa huli binilhan ko si baby ng kanyang bagong laruan dahil masaya ako pag nakikita kong masaya sya.

IMG_20210925_185319.jpg

IMG_20210925_185845.jpg

IMG_20210925_185541.jpg

Pagkatapos ay umuwi na kami at sa bahay nalang kami kumain ng panghaponan. Sobrang nag enjoy kami sa aming gala, di bale ng walang enggrandeng celebrasyon at walang masarap na pagkain sa monthsary bastat kumpleto at nag enjoy lang kami na magkakasama ay masaya na ako.

Hanggang dito nalang po muna. Maraming Salamat!

Iniimbitahan ko ang aking mga kaibigan na sumali sa contest na ito @kyrie1234 @moonlight-shadow @sweetmaui01

Sort:  
 3 years ago 

Salamat@zoe21 sa yong imbitasyon

 3 years ago 

Walang anuman mam @sweetmaui01 😊

 3 years ago 

Hello Kaibigang @zoe21 😊

Mabuhay at Magandang araw!!! Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong diary post sa araw na ito. Ang iyong entry po ay kwalipikado para contest sa linggong ito, week 19.

Maaring bisitahin ang ating Community Account para sa karagdagang impormasyon at para sa mga rules at regulations sa ating contest.

Updated Rules and Regulations

Ang sweet nyo naman, ganyan talaga ang nagmamahalan inaalala ang monthsary o anniversary. Stay strong po sa inyong relasyon, at maganda ang napili ninyong puntahan, napaka romantic na lugar.😊

 3 years ago 

Maraming salamat sir sa iyong pagbisita ng aking diary post @jb123. God bless po!

 3 years ago 

Walang anuman po 😊 Godbless you too.

 3 years ago (edited)

Maganda dyan sa Naga Board Walk. Namasyal kami pamilya dyan noong mga nakaraang buwan. Tuwang tuwa mga bata.

Ingat po palagi!

 3 years ago 

Wow mabuti sir nakapagpasyal din kayo sa naga boardwalk. Ingat din po kayu

 3 years ago 

Happy Monthsary po sa inyo ng iyong partner! Thank you for sharing your day with us.

Ingat palagi. Lalo na si baby. Maganda dyan sa Naga Boardwalk. Nkapunta na rin kami dyan mag-anak.

 3 years ago 

Thank you maam @me2selah. God bless po sa inyu.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 56587.45
ETH 2991.05
USDT 1.00
SBD 2.15