Burnsteem25|| March 28, 2023|| Diary Game Season 3|| "Ang Pagbisita Ko Sa Aming Ilog"
Ilan sa mga malubhang naapektohan dulot ng mga pag-ulan ay itong lugar na ito . Ang lupa kong saan nakatanim ang napakalaking puno ng kawayan ay gumuho at nasa tubigan na. Kahit mainit ang panahon ay patuloy pa ring gumuguho ang lupa at malapit na ito sa daanan ng mga tao, nangangamba na sila baka magpapatuloy pa ang pagguho at aabot na sa daanan nila.
Sinuri ng kagawaran itong lugar kong saan nangyari ang paguho, at sabi nila na ang lupa ay nahahaluan ng buhangin o sandy soil kong tawagin kaya madali lang itong guguho kapag natutubigan. Dahil sa problemang ito ay agad lumapit sa Barangay ang mga residente at isinalaysay ang problema tungkol sa lugar nila. Kahiy walang pagbaha at napakainit ng panahon ay patuloy pa rin ang pagbiyak ng mga lupa, at agad namang tinugunan ng temporaryong sulosyon.
Agad pumunta ang backhoe na pagmamay-ari ng barangay at naghukay sila ng ibang madadaanan ng tubig sa ilog. Temporaryo lang ito para hindi guguho ang lupa, malaki kasi ang kailangang pera para makagawa ng kongkreto at permamenteng sulosyon. Unti-unti nang natuyo ang dating daanan ng tubig at para hindi na makadaan uli ang tubig ay sinara nila ito gamit ang mga buhangin at bato. Sa ngayon, nag-iba ng rota ang tubig at hindi na direktang tatama sa pampang.
Ang dati na malalakas na agos ang makikita dito, ngayon ay wala na. Pinayuhan din ng lokal na Pamahalaan ang bawat residente dito na magtanim ng mga puno gaya ng Madre De Cacao, Mahogany, Tugas at marami pang iba . Nakakatulong kasi ito upang mapigilian ang paguho ng lupa kapag maulan at may baha. Agad naman sumang-ayon ang lahat na residente para mapanatili ang kagandahan at kaligtasan ng lugar.
At para maayos na makadaan ang mga tao papunta sa ilog ay gumawa din ng daanan ang barangay. Ang daanan na ito ay papunta sa ilog at para sa kanila, malaking tulong na ito para makadaan sila ng maayos papunta sa ilog para maligo o di kaya ay maglaba. Nilagyan ito ng buhangin at mga bato para hindi madulas at walang putik at inalis ang mga damo at maliliit na mga punong-kahoy kahoy at ginamitan ng makinarya para madaling matapos.
Napansin ko rin itong kong saan may hukay na ginagamitan ng biak na balde at napapalibutan ng mga malalaking bato. ATABAY ang tawag namin dito. Nililimasan lang ito hanggang sa maging malinis na ang tubig sa loob nito. Gumagawa din kami nito malapit sa aming bahay at doon kami kumukuha ng tubig para pangsaing, panglinis ng bahay, pangluto at pagpapakolo ng tubig.