Burnsteem25|| December 4, 2022|| The Diary Game Season 3|| "Beach Travel"
Lubos akong namangha sa nakita kong malaking tipak na bato at sa pakiwari ko ay naporma ito dahil sa tubig na humahambalos sa bato. Ayun sa mga nakakatanda na nakatira dito sa lugar, dati itong daanan ng mga tao. Ang lugar na ito ay sementado at aspaltong daan ng mga tao noong nakaraang panahon. Nagsisilbi itong shortcut sa kanila noon at kumokonekta ito sa dalampasiganng Barangay Calangahan na ngayon ay naging dalampasigan na rin. Ang malaking tipak ng bato ay nakasandal ito sa maliit na bato habang humahambalos ng alon dito.
Dito sa lugar na ito kapag may lowtide ay maraming pumupunta dito para manguha ng mga makakain sa hapagkainan. Kadalasang makikita sa mga bato dito ay mga tulya, hipon, alimasag at minsan ay mga isda kong swertehin. May mga naglalakad din dito lalo na kong tuwing hapon at minsan ay kumukuha ng mga letrato lalo na sa paglubog ng araw. Kadalasang makikita dito sa dalampasigan ay mga malalaki at malalapad na mga bato dahil inilagay kasi ito at sinadya din dahil sa paggawa ng daan noong nakaraang panahon.
Ang malaking bato na ito ay aspaltong daan noong unang panahon at malaking kahoy ang makikita daw dito noong una, pero ngayon ay puro katubigan na ng makikita. Dito rin nagsisipagligo ang mga taong gustong maligo sa dagat at nagsisilbi itong entablado sa kanila. May mga butas-butas sa ibabaw na parte nito kasama na ang mga talaba pero unti-unti nang kinuha ng mga tao dahil makakakain naman ito.
May floating cottage din dito dahil malapit lang din naman sa bagong beach resort dito sa Barangay Punta Silum. Pero dahil sa nakakaranas ng malalakas na alon ay pinagpaliban muna ng pagbukas ng naturang resort kaya ang ibang tao na gustong maligo ay humanap ng paraan kong saang lugar sila maliligo. Ayun din sa iba, ang tawag dito ay bandera, dahil may nakatayong flag dito at para sa akin, isa itong historical na lugar at puno ng estorya mula pa noong unan panahon.
Amazing ang formation ng bato, nakaka mangha talaga
Ang ganada ng lugar ,sarap namn magliwaliw dyan..