Burnsteem25|| Club75|| March 14, 2023|| Diary Game Season 3|| "Ang Aking Paghahardin"

in Steemit Philippines2 years ago

IMG20230314094106.jpg

Isa sa mga magagandang gawin kapag nakatira tayo sa probinsya ay ang pagkakaroon ng sariling hardin. Ganito ang ginawa kaninang umaga nang pumunta ako sa aking simpleng hardin para magtanim ng tanglad o lemon grass. Napakahalaga ang tanglad lalo na sa mga nilulutong pagkain. Sa pakiwari ko sa aming lugar ay magandang pagtaniman ng tanglad dahil matataba ang lupa dito sa munti kong hardin. May mga simpleng hakbang kong paano itatanim ang mga tanglad o lemon grass at isa ito sa mga ibabahagi ko para sa aking talaarawan.

IMG20230314094425.jpg

Dapat sa pagtatanim ng tanglad ay kinakailangang maghukay ng 6 inches pailalim para hindi agad mabuwal ang mga tanim kapag malalambotan ang lupa dahil sa tubig dala ng ulan. Mas maganda kong lalagyan ito ng organikong pataba gaya ng mg tuyong mga dahon at iba pang mga bagay na madaling malalanta. Nakakatulong ito para madaling tumubo na malulusog at magaganda ang mga halaman na itatanim.

IMG20230314094130.jpg

Ito ang mga tuyong dahon na ihahalo ko sa mga lupa na gagamitin ko sa pagtatabon ng lupa sa aking mga halaman. Pero dapat pagpira-pirasohin muna bago ihalo sa lupa. Kapag nagsasagawa kasi ako ng hardin ay nililinis at inaalis ko muna ang mga damo gamit ang itak para malinis tingnan ng lugar at ng mga damo na inalis y iniipon ko sa iisang lugar para madaling kunin at iimbak sa tinatawag naming compost pit.

IMG20230314094446.jpg

Pagkatapos maghukay ay agad ilagay ng mga tanglad. Bawat hukay ay dapat nasa dalawang puno lang ng tanglad ang ilalagay at dapat nasa saktong lalim ang hukay nito para hindi madaling matumba kapag nabasa ng tubig. Sa pagtatanim ng nito ay dapat may kasamang ugat at dapat aalisin ang mga patay na mga dahon nito. Dapat putulin din ang mga matataas na mga dahon nito para hindi sagabal sa pagtatanim. Isang linggo ay tutubo na ang mga dahon nito kaya masasabi ko na madali lang paramihin.

IMG20230314094356.jpg

Nais ko ring ibahagi ang mga tanim kong malunggay na ngayon ay tumubo na. Buto ng malunggay ang itinanim ko dito. Sa pagtatanim ng mga buto ng malunggay ay dapat piliin muna ang mga buto na malalaki at ilagay sa tubig. Kapag ng mga buto ay lulutang, ibig sabihin ay hindi magandang itanim at kapag hindi lumutang ang mga buto ay maganda itong itanim. Ang tanging gagawin ko lang nito ay panatiliing nabubungkal ang lupa na pinagtamnan para madaling tumubo, malulusog at madaling lumago.

IMG20230314092630.jpg

Napansin ko rin itong bulaklak ng mga tanim kong talong at masayang-masaya ako sa aking nakita. Kapag namumulaklak ay hudyat na ito na malapit nang mamunga ang mga tanim ko. Ang tanging gagawin lang ay palaging suriin ang mga dahon at puno nito kong ito ba ay mayroong oud na nakatago. Kapag may oud ang mga talong ay dapat putulin agad ito para hindi dumami dahil nakakasira din ito sa mga bunga.

IMG20230314092638.jpg

Ito rin ang mga tanim kong okra. Sabi ng Papa ko ay maganda rin daw magtanim ng okra dito kaya naisipan ko ring magtanim ng iilang mga halaman na okra. Ang paraan ng pag-aalaga nito ay dapat palaging suriin din ang mga dahon kong may namamahay bang mga oud. Dapat palaging binubungkal ang mga lupa sa paligid nito para madaling lalago at tutubo ng malulusog.

IMG20230314094041.jpg

Ito naman ang mga tanim kong luya. Dito sa aming lugar, ang luya ay isa sa mga sangkap ng pagluluto na kinakailangan sa ibang klase ng ulam. Dahil sa mga napakamahal ng kilo ang luya dito ay naisipan kong magtanim nalang ng mga luya para mababawasan na ang gastos sa pagbili ng mga sangkap sa pagluluto.

download (2).png

Ang pagkakaroon ng sariling hardin ay nakakatulong upang magkaroon tayo ng mga malulusog at layo sa mga synthetic na mga bagay. Nakakasigurado din tayo na ligtas kainin ang mga pagkain lalo na ang mga gulay.
Nais kong imbitahan sina ate @jurich60, ate @amayphin at @jessmcwhite sa isang talaarawan at ang 25% mula sa payout ko ay ibabahagi ko sa @null.
Sort:  

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Curated by Blessed-girl

r2cornell_curation_banner.png

Enhorabuena, su "post" ha sido "up-voted" por @dsc-r2cornell, que es la "cuenta curating" de la Comunidad de la Discordia de @R2cornell.

Visit our Discord - Visita nuestro Discord

 2 years ago 

Thank you very much..

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.20
JST 0.033
BTC 94693.28
ETH 3119.47
USDT 1.00
SBD 3.05