Burnsteem25|| Club75|| Diary Game Season 3|| March 12, 2023||"Sunday Travel"
Edited By: Canva Application
Ang ibabahagi ko sa araw na ito ay ang pagpunta ko kahapon sa isang pastolan ng mga baka noong unang panahon at tinatawag namin itong "PASTOHAN". Makikita o matatagpuan ito sa Barangay Paniangan sa Lungsod ng Manticao, Misamis Oriental. Dito, makikita ang mga ibat-ibang uri ng mga nagagandahang halamang ligaw.
Ang Lugar ng Pastohan pinamamahyan ng iilang mga residente pero dahil may iba nang nagmamay-ari sa lugar ay lumipat na din sila ng lugar na matitirhan. Sa nagdaang mga panahon ay ang lugar na dati pastolan ng mga hayop gaya ng mga baka at kambing ay tukuyan nang naabandona. Ipinagbabawal din ng bagong may-ari ng lugar na pumutol ng mg kahoy dahil nakakatulong daw ito sa lugar upang mapanatili ang kagandahan at kaayusan ng naturang lugar. May mga ibat-ibang uri ng mga punong-kahoy ang makikita dito gaya ng Tugas, Mahogany, Germilina, Kaloot at Narra. Ang lahat na ito ay maganda panggamit sa mwebles at iba pang gamit sa bahay. Ang mga ito ay nakakatulong din upang hindi maging mainit ang lugar. Sa katunayan maraming mga tao buhat pa sa malalayong lugar na pumupunta dito para mag picnic at kumuha ng mga magagandang letrato sa lugar.
Simula noong Highschool pa ako ay mahilig na talaga akong kumuha ng mga letrato gamit ang aking cellphone sa katunayan isa ako sa mga sumasali sa isang photography contest ng aming Paaralan. Ang sunod kong ipapakita sa inyo ay itong napakagandang bulaklak na kong tawagin namin ay "CABAHERO". Nagtataglay ito ng magagandang kulay gaya ng pula, dilaw at may puti sa gitna ng bulaklak na ito. Ang mga dahon nito ay parang dahon ng malunggay at pwedeng pakain sa mga alaga nating mga baboy. Kahit saan lang ito tumutubo at para sa mga magsasaka naman, ang mga tuyong dahon ng Cabahero ay pwedeng gawing pataba para sa mga halaman at sa katunayan ito rin ang ginamit naming pataba sa aming hardin.
Sa pagpapatuloy ng aking paglilibut sa lugar ay dinaanan ko rin itong lugar kong saan balak naming maglagay ng hardin dito. Hardin namin ito mga 3 taon na ang nakaraan pero dahil abalang-abala kami sa mga bagay-bagay kaya hindi na namin napuntahan ng lugar na ito. Makikita sa larawan ang mga tanim naming malunggay, at kahit maraming taon na ang nakalipas ay tumubo pa rin ito. Sa susunod na araw ay lilinisin na namin ang lugar na ito para makapagsimula na kaming magtanim ng mga gulay. Magandang pagtamnan ang lugar na ito dahil matataba ang lupa dahil sa mga nabubulok na mga dahon.
May mga ibat-ibang uri ng halamang ligaw ang makikita dito gaya nitong tinatawag naming "FERN". Maganda itong pangdekorasyon sa loob at labas ng bahay. Maganda din itong gawing hanging plants. Isa pang ito sa mga ferns na makikita dito, na kadalasan ay ginagamit ito sa paggawa ng bouquet at ibang palamuti sa intablado. Tumutubo ito sa mga malalamig na lugar gaya sa ilalim ng malalaking punong-kahoy. May iba rin na tumutubo sa pangpang, mga malalaking bato at mga patay na mga punong-kahoy at puno ng niyog.
Habang nasa kalagitnaan ako sa aking paglalakad ay napansin ko itong tanim kong pomelo at namunga na ito. First fruit ang tawag Namin dito dahil ito pa ang kauna-unahang pamumunga niya kaya napakasaya ko talaga. Matamis ang prutas na ito at namula pa ito sa Bayan ng Davao dala ng aking pinsan. May limang pomelo ang tanim ko dito at ito pa ang namunga kaya dahil dito ay nilinis at inalisan ko ng mga damo ng paligid nito.
Ang ganda ng lugar kakatuwa ang laki ng suha.
Maganda nga dito ate at presko ang lugar. Salamat po sa pagbisita sa aking post. 😊😊