Burnsteem25|| Club75|| Diary Game Season 3|| March 10, 2023|| "Ang Kaarawan Ng Aking Ama"

in Steemit Philippines2 years ago

IMG_20230310_174831.jpg

Edited By: Canva Application

Isang mapagpalang Gabi sa ating lahat. Bawat tao dito sa mundong ibabaw, Ikaw, Ako, Siya o tayong lahat ay nagdidiriwang ng espesyal na araw gaya ng Kaarawan. Ito ang araw at petsa ng ating kapanganakan at pagdating dito sa mundo at syempre, bawat kaarawan ay madargdagan na naman ng gulang.

Ang araw na ito ay espesyal na araw para sa aKing Ama dahil ipinagdiriwang niya ang kanyang kaarawan. Kaya abalang-abala talaga sa paghahanda ng simpleng pagkain para sa pamilya, kaibigan at mga kamag-anak. Kaninang umaga pa lang ay abalang-abala na kami sa paghahanda ng mga kailanganin namin sa Kaarawan lalo na ang mga sangkap sa pagluluto ng mga ulam.

received_226698503103856.jpeg

Kapag may handaan talaga ay hindi maiiwasang ilabaa ang mga pinaglutuan kagaya ng mga kaldero, kawali at mga gamit sa hapag kaninan gaya ng mga kutsara, tinidor, pinggan at marami pang iba. Abalang-abala naman ang pinsan ko sa paghuhugas ng kaldero na paglulutuan ng kanin para sa kaarawan. Minabuting matatapos ito habang hindi pa umabot ang tanghali para makakain na ang lahat at hindi malipasan ng gutom.

IMG20230309172744_00.jpg

Nagpasya rin kaming bumili ng 25 kilos ng bigas para hindi mabitin sa kanin na ihahanda sa hapagkainan. Mas maganda kasing laging handa at hindi magkulang para hindi maabala at mabitin din ang mga panauhing kumakain.

IMG20230310084146_00.jpg

Mas maganda rin kapag malinis ang kapaligiran kaya naisipan din naming linisin ng boung lugar. Nakakabighani at nakakarelax sa mata kapag malinis ang ating lugar. Napapanatili ng kaayusan ng lugar at maraming mga tao lalo na ang mga bisita ang magagandahan dito. Ito ang aming bakuran kong saan nilalagyan namin ng mga biyak na tiles para may dekorasyon ang aming bakuran. Maraming mga bata ang naglalaro dito lalo na kapag may okasyon dito sa aming bahay.

IMG20230309172757_00.jpg

Hindi nagtagal ay dumating na si Mama galing sa palengke, bumili kasi siya ng mga karagdagang mga sangkap sa pagluluto ng pagkain. Bumili din siya ng Lumpia, isa sa mga paborito kong ulam at maanghang na souce para mas masarap kainin ang lumpia. Binalatan din namin ang mga patatas at carrots para masimulan na naming maluto ang unang potahe para sa kaarawan. Nagsibak na rin ng kahoy ng aking ama para may magamit n panggatong sa pagluluto ng ulam.

IMG20230309172811_00.jpg

Dahil mahilig din sa buko ang mga panauhin ng aking ama ay naisipan din naming kumuha ng buko at inisa-isang kinuha ang laman nito at iniligay sa malinis na sisidlan. Plano kasi naming gumawa ng Labug, isang uri ng pagkain na sinasahugan ng mani, gatas, biscuit at buko. Para hindi madaling masira, ay inilagay namin ito sa loob ng refrigerator para lumamig. Masarap kasi itong kainin lalo na kapag malamig, maganda din itong pangmeryenda.

IMG20230310071235_00.jpg

Bandang alas 9 ng umaga kanina nng sinimulan na naming lutuin ng mga potahe na ihahanda sa kaarawan. Una naming binalatan ng mga bawang, sibuyas, lutya at ang sibuyas na dahonan o spring onions. Inihanda din nmin ang mga sangkap s pagluluto ng adobo at kalderita. Isa kasi ito sa mga paboritong kainin ng amin mga kamag-anak.

IMG20230310095837_00.jpg

Inihanda din namin ang malaking isda na ito. Nililinis namin ng mabuti at nilagyan ng mga sangkap pampasarap. Balak naming lutuin gamit ang uling o sinugba sa wikang bisaya. May nagrequest kasi ng sinugbang isda kaya bumili kami ng dalawang kilo sa halaggang 500 pesos. Habang niluluto pa ang ibang ulam ay abalang-abala naman ako sa paghahanap ng mga bao ng niyog. Inuuling kasi namin ito at saka ilagay ng malaking isda para maluto. Para mas masarap ang kain ay gumawa rin kami ng sawsawan gamit ng tuyo, suka, sili at sibuyas.

IMG20230310120905_01.jpg

IMG20230310120848_01.jpg

Pasado alas onse ng umaga natapos ang aming pagluluto at unti-unti na ring nagsidatingan ang mga bisita. Inihanda din namin ng mga nalutong pagkain at inilagay na namin sa mesa kasama na ng mga kubyertos. Habang inilagay pa namin
Ang mga ulam ay abalang-abala naman sila sa pag-uusap. Bago kami kumain ay nagdasal muna kami. Ito talaga ang kinaugalian namin.

IMG20230310095850_00.jpg

Ito ang mga ulam na inihanda namin kanina. Lumpia, kalderita, Isda, at adobo. Masaya kaming kumain at pagkatapos ay uminom kami ng softdrinks habang ang iba naman ay uminum ng mga hard drinks gaya ng beer.

download (1).png

Isang masayang araw ang nangyari kanina dahil sa espesyal na araw ito ng aking ama. Nagpapasalamat kami sa panibagong taon ang dumating sa aking Ama at mapanatili ng malusog na pangangatawan.
Bago ko tatapusin ang post kong ito ay nais kong imbitahan sina ate @jurich60, ate @amayphin at @jessmcwhite para sa isang talaarawan at ng 25% mula sa post kong ito ay ibabahagi ko sa @null.

Sort:  

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Manually curated by @jasonmunapasee

r2cornell_curation_banner.png

 2 years ago 

Thank you very much for the support.

 2 years ago 

Happy happy birthday sa papa mo Del. Ang saya saya ng Inyong pamilya. Panigurado masayang masaya din si Papa mo dahil lahat kayo andyan para celebrate ang kanyang kaarawan.

 2 years ago 

Salamat po sa pagbati ate. 😊😊

 2 years ago 

TEAM 5 CURATORS

This post has been upvoted through steemcurator08. We support quality posts anywhere and with any tags.
Curated by: @chant

 2 years ago 

Thank you very much..

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.20
JST 0.033
BTC 94798.39
ETH 3128.70
USDT 1.00
SBD 3.04