Exotic Food Bak Bak (My first tikim 😍)

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Hello po mga ka steemians! Isang masayang araw po sa lahat. Nais ko po na e share sa inyo ang aking unang karanasan sa pagtikim ng sinasabi nilang "exotic food" na kung tawagin sa bisaya ay "Bak Bak". Isa po itong uri ng palaka na nakakain po. Kadalasan itong nakikita at lumalabas kapag umuulan. Na para bang mga bata na tuwang tuwa sa ulan hehe. Dati hindi talaga ako kumakain nito. Parang hindi matanggap ng sikmura ko po na kakain ng palaka kasi. Hanggang sa na ingganyo ako dahil sa kaibigan namin ng asawa ko na mahilig mang huli ng "bak bak" at ginawa pa nilang ulam. Na kung panoorin silang kumakain nito ay para bang sarap na sarap sila. Kaya noong isang gabi, tamang2 tama umulan sa aming lugar. At niyaya kami ng kaibigan namin na sumama sa paghuli ng mga "bak bak" para masubukan at matikman din ang sarap nito. Na ingganyo din kami ng asawa ko kasi mukhang marasap naman talaga. Sabi nila para daw itong adobong manok. Kaya sumama na kami. Masaya palang maghuli ng palaka ay este ng "bak bak". Kailangan mabilis ang kamay mo kasi mabilis at malakas silang tumalon hehehe. Medyo mahirap din hulihin kasi mailap tumalon at sumusoot sa damohan, stagnant water, sa may sapa rin at sa putikan. Kahit papano naman sa pag sipag naming manghuli naka huli rin kami. Pag uwi sa bahay inumpisahan na namin ang pag linis nito.
IMG_20220422_232226.JPG

Una, bubuhosan po ng mainit na tubig upang hindi na ito maka galaw. Hihiwain po yong sa tiyan at tatanggalin ang laman nito. Puputolin po ang mga daliri at paa. Mas mainam kapag tinanggal yong balat. Ang iba naman hindi na tinatanggal. Sinasama na sa pagluto. Naka depende lang po sa magluluto. Pero para sa akin mas mainam kapag wala ng balat hehe .
FB_IMG_16507940066157841.jpg

Ayon,eluluto na sila! Ang mga ingredients na kailangan po ay oil, soy sauce, bawang, sibuyas, luya, black pepper powder, sili at asin. Mas masarap daw kapag maanghang. Mas gaganahan kang kumain. Hihiwain po muna tsaka e gigisa yong bawang, sibuyas,luya at sili. Tapos yong bak bak na po.. Lagyan ng soy sauce at kaunting asin. Hayaan po muna itong hanggang sa manoot ang lasa at timpla nito. At kapag luto na at medyo wala ng sabaw pwede na itong e serve at kainin.

FB_IMG_16507942812593222.jpg

Mas masarap pag may kanin din. Para din kasi itong ulam. At tama nga sila, kasing sarap ito ng paborito ng mga Pilipino na adobong manok. Mag kasing tulad talaga sila. Para ka talagang kumakain ng adobong manok. Marami naman daw paraan sa pag luto nito. Pwede rin daw itong luto in with gata, pwede rin daw e prito with crispy fry. Naka depende lang sa kung ano ang gusto mong paraan. Kahit ano naman ay panigurado masarap parin ito. Nung una medyo nag alangan akong tumikim talaga hehe pati asawa ko. Pero sinubokan talaga namin as challenge na rin sa aming sarili hehe. And hindi naman po kami nag sisi kasi talagang masarap naman po pala. Pati yong bunso naming anak kumain rin hehe ayaw pa awat. Masaya at very unforgettable yong unang tikim namin talaga kasi hindi namin enexpect na makakain ng ganun eh. Imagine palaka parin yon. . Pero dahil isa ito sa mga exotic foods sa ating bansa, hinahangaan po namin ang aming sarili kami ng asawa ko kasi nagawa namin un at hindi naman kami nag sisi kasi marasap talaga kainin ang "adobong bak bak" hehe. Hanggang dito nalang po ako sa aking kwento ng aking first tikim ng bak bak. Sana po ay na gustohan nyo at nabusog din kayo sa aking kwento😊. Maraming salamat po sa pag bigay ng oras na basahin ang aking first try. My first blog😊. God Bless Us All.💖

Sort:  
 3 years ago 

Wa jud ko kasulay kaon ana doi ba..lami dw na..☺️☺️☺️🐸🐸

 3 years ago 

Lami kau doi oi....jejejej

 3 years ago 

Ang asawa ko nakain ng palaka. Yung nasa palayan. Inaadobo nila. Sa luzon naman yung sa kanila.

 3 years ago 

ang alam ko kumakain ng ganyan din mga pinsan ko..hehe nakatikim na ako nyan..di ko nga alam na frog na pala ang kinain ko kasi masaram naman

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.21
JST 0.035
BTC 91999.86
ETH 3131.58
USDT 1.00
SBD 3.08