Ang Pagpapakilala Ng Steemit Philippines 🇵🇭 CommunitysteemCreated with Sketch.

in Steemit Philippines4 years ago (edited)

Magandang Araw At Mabuhay Tayong Lahat!!!

20210323_235156~2.jpg

Sa nakalipas na mga taon, marami nang mga nangyari dito sa Steemit lalong lalo na sa mga Filipino. Dahil sa mga pangyayaring ito bahagyang tumamlay at lumamig ang Filipino sa Platapormang ito. Kaya ngayon, nagawa ang bagong Community na ito para sa mga Filipino upang muling mabuhay at maging aktibo ang lahat nang mga Filipino, ito ay ang Steemit Philippines.

Ano ang Steemit Philippines?

Ang Steemit Philippines ay ang pinakabagong Steemit Community na ginawa para sa lahat nang mga Filipino sa buong mundo. Ang lahat nang mga Filipino ay imbitadong mag post nang kanilang mga likha upang makita at masuportahan nang lahat. Mayroong mga layunin kung bakit nagawa ang Community na ito at ang mga ito ay ang mga sumusunod.

1. Upang muling mabuhay at maging aktibo ang mga Steemian na Filipino sa Steemit Platform.
2. Upang magkaisa ang mga Steemian na Filipino sa iisang Community.
3. Masuportahan ang mga likha na ibinahagi sa Community.
4.Upang merong magandang pweding salihan ang mga bagong Filipino na sumali sa Steemit Platform.
5. Mabigyan nang mga oportunidad ang lahat na kumita kahit na sa maliit na paraan.

Anu-ano ang mga Rules and Regulations nang Steemit Philippines?

Ang isang Community ay hindi magiging matagumpay kung walang Rules and Regulations na kailangang sundin.

20210324_100026.jpg

Ang mga sumusunod ay ang mga Rules and Regulations nang Steemit Philippines

1. Mag post nang kahit na anu subalit iniingganyong mag post na related sa Filipino Cultures, Traditions, Foods at marami pang iba.
2. Kailangang nasa 300 o higit pa ang mga salita sa bawat posts.
3. Iniingganyong mag post nang sariling mga kuhang litrato na hindi bababa sa 3 na litrato. Kung gagamit nang ibang litrato kailangan ilagay nang maayos ang source nito.
4. Bawal ang Plagiarism o pagkuha o pag kopya nang mga gawa nang iba.
5. Isang post lamang sa isang araw sa bawat isang Steemit Account.
6. Bawal ang mga masamang salita o sinisiraan ang ibang mga tao, tradition, culture, religion, kaanyoan at maraming iba pang klasing paninira.
7. Kailangang gamitin ang exclusive tag na #steemitphilippines sa unang limang tags.

Paano Masuportahan ang mga Filipino kapag mag post sa Steemit Philippines Community?

20210324_131844.jpg

Isa sa naging dahilan kung bakit bahagyang tumamlay at lumamig ang mga Filipino sa Steemit ay sa kadahilanang wala gaanong suporta lalong lalo na sa mga whale o sa Steemit Team mismo. Kaya upang matugunan ito, gumagawa kami nang isang Account na kung saan ito ay mag cucurate sa mga post na ibinahagi sa community lalong lalo na kung ito ay naka ayon sa mga Rules and Regulations nang Community. Ang ginawa naming bagong account ay ang:


@steemitphcurator


Subalit sa ngayon ay wala pa itong Steem Power (SP) na magagamit para masuportahan ang mga Filipino na mag post nang kanilang mga likha dahil nga sa bagong bago pa lang ito. Upang matugonan ito, gumawa kami nang programa na kung saan iniimbita ang lahat na mag bahagi nang kahit magkanong Steem Power (SP) nila sa @steemitphcurator account at ang lahat na mag dedelegate sa @steemitphcurator ay magkakaroon nang share sa monthly income base sa halaga nang na delegate na Steem Power (SP).

Paano ang pag Delegate nang Steem Power (SP) sa @steemitphcurator?

Upang makatulong sa Community at makatanggap nang monthly share, ang lahat ay imbetadong mag delegate nang kahit na magkanong Steem Power (SP), gamitin lang ang Link sa ibaba.


Click ang Link na ito upang makapag delegate nang Steem Power (SP) sa @steemitphcurator

Halimbawa nang pag delegate:

20210324_133440.jpg

Para sa karagdagang kaalaman tungkol dito, gagawa ako nang panibagong post upang maipaliwanag nang mabuti ang programing ito para sa mga mag delegate nang Steem Power (SP) sa @steemitphcurator upang makatulong sa mga Filipino na mag babahagi nang kanilang likha sa Steemit Philippines Community.

Hanggang dito na lamang po ang pagpapakilala nang Steemit Philippines at abangan ang aking susunod na post para sa mga bagong updates.

Ang Curator nang Steemit Philippines Community

@steemitphcurator

Sort:  
 4 years ago 

Maganda itong community na nilikha mo, maganda ang iyong layunin para sa mga Filipino, nais mong pasiglahin muli ang mga Filipinong steemians. Good job #steemitphcurator... I salute you and I will support your community...

 4 years ago 

Maraming salamat sa supporta.

 4 years ago (edited)

Magandang simula ito! We will support you. God be with us all!

 4 years ago 

Yes ate kailangan na natin gumalaw. Salamat sa supporta.

 4 years ago 

Count me in sa susuporta nito. Let's lift each other. :)

 4 years ago 

Yes we should. Salamat sa supporta. Mabuhay ang Steemit Philippines 🇵🇭.

 4 years ago 

Let's do it, mga dilis sa karagatan, sisid na!

 4 years ago 

Hahahah..lumangoy na tayo para malaki ang mararating.

 4 years ago 

Mabuhay ang Steemit Philippines 🇵🇭.

 4 years ago 

Yes, mabuhay!!! Salamat sa supporta.

Welcome to the world of Steem!

If you want to get started right away, the following community could be of interest to you:


https://steemit.com/trending/hive-119463

You are also invited to take part in my daily delegation draws.
There are 100 and more SteemPower to be won every day.
100 SP can make the start much easier for newcomers in particular.
Here is the link to the current raffle:


https://steemit.com/hive-119463/@kryptodenno/dddd-57-dennos-daily-delegation-draw-incl-winner-of-49

I wish you a great time on our blockchain!

Steem on!

Yours @kryptodenno

 4 years ago 

Pagpalain sama ang community na ito.Sana magtulongan tayo magsimimula sa maliit na bagay.

 4 years ago 

I will surely support this Filipino Community and let the world know that we are united as one. To the moon @steemitphilippines! To God Be The Glory!

 4 years ago 

Salamat nang marami @joshuelmari sa suporta. God bless you. 😇

 4 years ago 

Go go go lang tayo mga Pinoy Steemians. To our success! Mag delegate din ako...

 4 years ago 

Maraming salamat sa suporta ate @jurich60. God Bless you.

 4 years ago (edited)

New here but I support Filipino Community and proud to be one of Pinoy Steemians. Laban lng. We can do it 💪 💯

 4 years ago 

Maraming Salamat po sa suporta. Kaya po natin ito. God Bless 😇

 4 years ago 

I support you kuya romel.. sabi nga ng iba. "Tangkilikin ang sariling atin" go, go,go..

 4 years ago 

Maraming Salamat po sa suporta. Kaya po natin ito. God Bless 😇

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.20
JST 0.034
BTC 98129.50
ETH 3322.67
USDT 1.00
SBD 3.05