Ang Ating Pang Araw-Araw Na Update Sa Steemit Philippines Community | 04-06-2021

in Steemit Philippines4 years ago (edited)

Mabuhay at Magandang Araw sa ating lahat!!!

Una sa lahat, ako ay nagpapasalamat sa ating Diyos na buhay dahil sa walang hanggang pag-aalaga sa ating lahat at sa matagumpay na pagsisimula nang ating community. Kaya ako'y nagagalak sa bawat araw na lumipas dahil nakikita ko na papuloy ang pagdami nang mga membro at ang bilang nang mga aktibo sa mga ito. Kaya ngayon, isang panibagong edisyon na naman nang mga bumalik at mga bagong bagong Steemian ang ating ipakikilala na nagbahagi nang kanilang likha sa ating community.

APR6.jpg

Sa araw-araw na ako ay nagbabasa at nag co-comment sa bawat post nang mga membro, ako ay tuwang tuwa at na e-inspire sa mga kwentong kanilang ibinahagi. meron ding iba na nagbahagi nang mga magagandang mga tanawin sa Pilipinas at ang mga masasarap na mga pagkain nito kaya maraming maraming salamat sa suporta at pagtitiwala. Isa ito sa naging inspirasyon sa akin na magpatuloy sa pagtaguyod nang community na ito at hindi ko ito magagawa kung wala kayo at sa tulong nang Diyos. Ngayongaraw nga ay meron tayong tatlong membro na ipakilala at ang iba sa kanila ay nagbabalik at ang iba ay talagang bagong bago pa lang dito sa Steemit.

Ang mga sumusunod ay ang mga pinakabagong Membro na nagbahagi na nang kanilang mga likha.

1. @edwinmagz - Siya ay isa sa pinakabagong Steemian at nagbahagi nang kanyang Introduction post sa ating community.

image.png

2. @merrianmaeo - Isa siya sa nagbabalik na Steemian, bagamat walang larawan sa kanyang post, welcome naman siya sa community.

image.png

3. @jenennng - Ito naman siya ay isa din sa pinakabagong Steemian na nagbahagi nang kanyang introduction post sa ating community.

image.png

Sa araw na ito, lahat nang ating naipakilalang membro ay mga bago dahil kitang kita naman sa kanilang mga reputation na nasa 25 at 28 pa lamang. Kaya para sa mga bago, maari po kayong mag comment sa ibaba nang kahit na ano na hindi niyo naintindihan at laging nandito lang kami upang alalayan kayo. Sa lahat naman nang mga bago ay maraming salamat at sana ay magpatuloy kayo sa pagbahagi nang inyong mga likha. Aasahan namin na mgaing mas aktibo pa kayo dito sa ating community at nandito lang kami na tutulong at magbahagi nang kahit na anong nalalaman namin dito sa Steemit.

ILAN NA ANG MEMBERS AT ACTIVE MEMBERS?
Ngayon, nais kong ipaalam sa inyo ang pinaka bagong bilang nang membro at ang mga aktibo sa mga ito.

170152414_846918349220427_7226726345234077770_n.png

Maraming maraming salamat sa lahat nang sumporta sa ating community dahil sa baewat araw na lumipas, nakikita natin na malaki ang pagtaas nang mga membro natin at ang mga bilang nang mga aktibo sa mga ito. Kahapon ating naibahagi na nasa 115 na membro na lahat ang ating community at 50 sa mga ito ay aktibo. Ngayong araw naman na ito, aking buong pusong ipaalam sa inyo na umabot na tayo sa 127 Members at nasa 56 Members ang aktibo sa mga ito. Pagiging aktibo ay talagang napakahalaga sa ating community dahil dito natin malalaman kung naging matagumpay ba tayo sa pagbuo nang community na ito o hindi. Kaya iniingganyo ko ang lahat na mag post lahit isang post sa isang araw o kahit paminsan minsan lang sa isang linngo, malaking tulong na po yan. Sa uulitin, maraming maraming salamat sa inyong lahat.

2r8F9rTBenJQfQgENfxADE6EVYabczqmSF5KeWefV5WL9WGAw9kh7KR6LHxcPjV1yZsBBZJLHfs6JbVSzayhF5zxBQqY1D8C9db2cddQjnmJE2d2W56qdtSDzoXn7hZxr.png

Kung gusto niyo pong tumulong sa ating Community sa pamamagitan nang pagdelegate at pag curate pwede niyong gawin ang mga sumusunod.

1. Quick Link
Gumawa ako nang mas madaling paraan upang makapag delegate pumili lang nang sa link sa baba.

Delegate 50 SP | Delegate 100 SP | Delegate 150 SP | Delegate 200 SP | Delegate 250 SP | Delegate 300 SP | Delegate 350 SP | Delegate 400 SP | Delegate 500 SP | Delegate 750 SP | Delegate 1000 SP


2. Mag Delegate Nang Kahit Magkano
Upang makapag delegate gamitin ang link na.

Delegate To @steemitphcurator


3. Gamitin ang Steemworld.org
Pumunta sa https://steemworld.org/ link tapos login. Follow lang ang simple steps na to.

  • Punta sa Delegations Option

    20210407_102635.jpg

  • Sa Delegations, punta sa Delegate para maka delegate ka.

    20210407_102914.jpg

  • E type ang steemitphcurator at ang amount nang SP kung magkano gusto niyo e delegate.

    20210407_103243.jpg

Pagkatapos ay gamitin ang Active Key para ma successful ang pag delegate.


4. Curation Trail
Para po makapag autovote kayo kapag merong bagong post ang Community Account, e follow kami sa.

@steemitphcurator Curation Trail


Sana ay madaanan at masuportahan ito nang Steemit Team at Curators. Maraming salamat sa Steemit Team sa pagsuporta, lalong lalo na kina:

@steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator02, @steemcurator03, @steemcurator04, @steemcurator05, @steemcurator06, @steemcurator07, @steemcurator08, @booming01, @booming02, @booming03, @booming04, @booming05, @booming06


closing banner.jpg

Lahat Nang Banner Credits kay @deveerei. Maraming Salamat sa suporta

Maraming Salamat po sa lahat at para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!!

Sort:  
 4 years ago 

Paano po mag avail ng footer?

 4 years ago 

Bat d ako maka delegate?

 4 years ago 

Pwde mo pong gamitin ang https://steemworld.org/.. Nag dagdag po ako nang paraan nasa post ko.

 4 years ago 

Click ko nga 250 sa post mo error eh.

 4 years ago 

Maari mo pong e try uli, meron pong problema kunti.

 4 years ago 

Okay sir Dev

 4 years ago 

Magandang gabi po @steemitphcurator. Paano po ba ma verified ang account ko dito. Salamat po

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.24
JST 0.038
BTC 103665.42
ETH 3302.15
SBD 4.34