The diary game season 3|october 01,2021|"Ang aking paglalaba" 20% payout goes to steemitphcurator as beneficiary

in Steemit Philippines3 years ago

Hello po sa lahat ng mga manunulat dito sa steemit philippines ingat po tayo at long live . Ito ang aking unang entry sa linggong ito.

20210929_061153.jpg

Meyerkules ng gabi paghiga ko ay napansin ko medyo amoy araw na ang aming mga sapin sa higaan at unan pati na rin ang aming kumot. Mukhang tatlong linggo na nang huli ko itong nalabhan dahil na rin siguro bisi sa araw araw na pagtatrabaho at gabi na kung makauwi. Sinabi ko sa aking asawa na maaga akong gigising bukas para maglaba pareho kaming nag tatrabaho kaya walang nagkaka oras sa paglalaba. Kung saan linggo lang kami magkaka oras ay may trabaho rin minsan ito'y overtime na kung tawagin.

Huwebes 5:30 nang umaga tumunog ang aking alarm sinadya ko ito para matapos agad at hindi ako malate sa trabaho. Bumangon at binabad ko muna ang mga kumot para madaling matanggal ang dumi kapag kukusotin na. Mano mano ko itong lalabhan wala kaming waching machine hehehe. Habang nag hihintay mas mabuti ay kakain na muna ako para tuloy tuloy ang aking paglalaba.

Ito ang natirang ulam namin kagabi sabaw ng tinulang isda at pritong isda. Hindi na ako nangluto ng ulam pwede pa namang kainin at nagmamadali ako. Pinakulooan ko nalang ulit para mainit init itong inumin. Sa totoo lang hindi kompleto ang aking almusal kapag walang kape kahit na may sabaw pa.

Pagkatapos kumain sinimulan koa na agad ang paglalaba mga 6:30 na bago ako natapos sa pagkukusot. Binilisan ko na rin ang aking pag babanlaw baka mahuli ako sa trabaho.

20210929_070055.jpg

Pagkatapos magsampay dali dali na rin akong naligo at nagbihis para magtungo na sa aking trabaho.

FF meaning fast forward hehehe alas 10 ng umaga saktong breaktime nilibre kami nang aming among koreano pangalan niya ay Jushua Kim. Binigyan kami nang tig isang pirasong mais na may cheese. Talagang mabait at mapagbigay ito katunayan bago nagka pandemic meron siyang feeding program para sa mga bata at simula nang mag lockdown ay nahinto.

Hanggang dito nalang muna ang aking diary sa araw na ito pagpalain tayong lahat sa panginoon. Salamat sa pagbasa at pagbisita.
Inimbitahan ko si Mam @fabio2614
Mam @kyrie1234
Mam @abby0207
Na sumali sa patimpalak pasensya na sa tag wala akong ibang kilala at maraming salamat po.

By, @rose0128

Sort:  
 3 years ago 

Thanks for inviting, good luck!

 3 years ago 

Thank you mam 😊 godbless

 3 years ago 

its alryt dear, my privilege na ako imo gipili na imention...

 3 years ago 

Thank you mam😊

 3 years ago 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

 3 years ago (edited)

Thank you for choosing

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 62195.97
ETH 2415.56
USDT 1.00
SBD 2.64