Diary Game season 3|September 22,2021 |" Natural na gamot sa sipon at ubo kalamansi na may snowbear candy " 10% pay out goes to steemphcurator as beneficiary by rose0128

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Hello !! Magandang araw po sa ating lahat. Ikinagagalak kong ibahagi sa inyo ngayon ang aking kunting kaalaman at naway makatulong ito.

IMG_20210922_183530.jpg

Paggising ko kaninang umaga ay nakaramdam ako ng pananakit sa aking ulo marahil na rin siguro sa sipon at ubo na kakasimula pa lang at makati narin ang aking lalamunan. Naabotan kasi ako ng ulan kahapon ng umaga noong ako'y papuntang trabaho. At mga bandang hapon mismong araw na yon nagsimula na akong bumabahing hanggang sa kaninang umaga pagkagising ay nagsimula ng tumulo ang aking sipon. Kaya bumili ako ng kalamansi at snowbear na candy para gawing juice. Simula bata pa ito ang pinapainum sa aming magkakapatid kapag kami ay sinisipon at inuubo.

20210922_192017.jpg

20210922_194138.jpg

Bumili ako ng benteng piraso ng kalamansi at anim na piraso ng candy. Pagka uwi ko sa bahay bago ako kumain ng haponan ay inuna ko munang inumin para maiwasan ang pang hihilab ng tiyan.

kmc_20210922_192800.jpg

Simple lang gawin una hugasan at pigain ang labindalawang piraso ng kalamansi at ang natirang piraso ay bukas ko na rin iinumin. Durugin ng mabuti ang tatlong pirasong candy at ihalo ito sa mangkok o di kaya sa tasa. Lagyan ng kunting tubig na mainit para mas madaling matunaw ang durog na candy. Paghaluin hanggang sa matunaw itong candy at kung maligamgam na ay pwede ng inumin mas masarap siya kapag mainit init pa. Okey lang din naman ang lasa may pinaghalong asim, tamis at mentol masarap sa pakiramdam at sa lalamunan nakakaginhawa ng maluwag. Umiinom ako ng dalawang beses sa isang araw. Medyo mabuti na rin ang aking pakiramdam sa ngayon hindi na masyadong barado ang aking ilong dahil sa sipon hindi na rin makati ang aking lalamunan . Bukod sa natural walang pang epekto at nakakadagdag pa ng vitamin c sa katawan. Basi sa aking karanasan nakakatulog ito para mabilis mawala ang sipon at ubo pwede rin sa mga bata.

Sana ay makatulong sa inyo itong aking ibinahaging kaalaman hanggang dito nalang salamat sa pagbasa at pagbisita.

Nagmamahal sa kapwa,
rose0128

Sort:  
 3 years ago (edited)

Hopefully, this alternative is also effective to others.

 3 years ago (edited)

Most of my relative sir juichi when they try this they experience relieve .😊

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 60238.27
ETH 3215.90
USDT 1.00
SBD 2.46