Diary game season 3|October 03,2021 |"Araw ng pagiging ganap ng kristiyano ni baby at pagdiriwang sa kaarawan ama ni baby"
Hello magandang araw po sa inyong lahat. Mabuhay tayong mga pilipino ibabagi ko ngayon ang aking diary.
Isang malaking blessings ang nangyayaring kaganapan ngayon. Ito'y linggo araw ng binyag ni baby Zach Releigh at sabay na pinagdiriwang ang kaarawan ng kanyang ama.
Isa ako sa napiling ninang ng aking kaibigan. Ninang o ninong ay pagiging ikalawang magulang at handa sa pagpuna anuman ang pangangailan ng bata kung hindi ito nagagawa ng magulang.
Pagdating namin sa San Roque Cordova Parish Church malapit lang kung saan kami nakatira tapos na ang siminar at nagsimula na ang mesa. Hindi na ako umapila dahil meron pa naman akung valid card para sa pre- seminar at sa 2022 pa ito mag expire. Nadatnan namin sila sa labas ng simbahan nagpapahangin mainit daw sa loob para naman makapagpahinga si Cristy ang Ina ng bata kinarga ko na muna si baby. Isa rin akong ina at naranasan ko rin na masisiyahan kapag merong pumalit sayo sa pagkarga.
Pagkatapos ng mesa pumasok na kami sa loob dahil magsisimula na ang binyag at ito na ang pinakahihintay na magaganap ang pagiging kristiyano ni baby.
Oras na para magsimula pinapunta na sa gilid ng upoan ang mga magulang ng bata para hindi na papasok ang pari.
Ang pagbuhos ng banal na tubig sa noo ni baby ito'y simbolo na malinis at nahugasan na ang ating mga kasalanan sa diyos.
Pagkatapos ng ceremony at syempre hindi mawawala ang picturial sa harap kasama ang mga magulang ninong at ninang.
Mag aalas 12 na ng tanghali bago natapos ang binyag lumisan sa simbahan at pagdating namin sa kanilang bahay kinuhanan ko agad ng litrato itong magandang desinyo. Tarpaulin na may nakasulat happy cristining baby ZACH, merong cakes, cute cupcakes, ballon at DIY souvers para sa mga ninang at ninong at nakaparada na rin ang happy 30th birthday.
Kainan na at mukhang nasa maayos ang lahat masasarap ang ulam. Maraming putahi ang pagpipilian kumuha ako ng pagkain ayon sa aking gusto at salamat lord nabusog kaming lahat.
Mapagpalang araw sa ating lahat nais ko lang pasalamatan ang diyos sa mga biyaya na ating natatanggap araw araw.
Maraming salamat po sa pagdalaw at pagbasa sa aking diary. 20% ng aking kita ay mapupunta kay steemiph.
Manunulat, rose0128
Thank you for sharing your diary with us. Welcome to the Christian world baby!
Thank you sa greetings sir juichi