The Diary Game Season 3 [ October 23 / 2021 ] Pagpapasalamat at Belated Birthday Treat sa Aking Kaarawan
Hello to all steemians, how are you all guys, Hoping that you're okey despite our pandemic situation now. Greetings from @reyarobo 🇵🇭
Kaninang umaga nag pasya ang aking misis na pupunta kami sa simbahan, Dahil wala akong pasok ngayong araw. Bago kami umalis sa bahay naka sout agad kami nang face mask and face shield para sa ating seguridad. Gusto kong mag alay nang dasal dahil sa kaarawan ko noong nakaraang linggo, para magpasalamat din sa bagong buhay. At ngayon lang po ako nagkataon na pumunta sa simbahan. Pagdating namin doon agad agad pumunta kami sa prayer area at doon kami nag sindi nang kandila at nag aalay nang dasal bilang pasasalamat.
Ito pala ang aking kasama ang wife ko, isa din siyang steemians @yen80 ang Kanyang steemit user name.
At pagkatapos namin nag alay nang dasal pumunta kami sa harapan nang simbahan at kumuha agad nang selfie kaming dalawa nang wife ko. Dahil matagal na rin kaming dalawa di naka pamasyal dahil kasalukuyang pandemic sitwasyon natin. Sinulit na rin namin mag picture picture. Para mayroon kaming remembrance sa aking kaarawan. At magka bonding bonding din kaming dalawa.
Pagkatapos namin nag picture taking, Sabi nang wife ko ite treat kita ngayon bilang regalo niya sa akin. Agad kaming nagtungo sa pinaka malapit na fast food chain, Dahil sa tanghali na din medyo gutum na rin kaming mag asawa. At sa jollibee kami pumanta dahil ito ang pinaka malapit na fast food.
Agad kaming pumasok sa loob at sumunod sa patakaran nang naturang establemento, same as usual kumuha nang temperatura at naglalagbook at nag sanitize sa kamay.
Pagkatapos ay agad na akong nag order nang aming makain. Samantalang naghihintay sa aking ino order nag selfie muna ako. Bago pumunta sa table kong saan nandoon si misis naka upo. At naghihintay sa aming order na ma iserve sa amin.
At ito pala ang aming inorder chicken with esphaggetti at beef steak and lumpia.
Pagkatapos namin kumain nag pasasalamat kami sa ating panginoon sa biyayang ipinagkaloob sa amin.
At hanggang dito nagtapos ang aking diary sa araw na ito. Salamat sa pag basa sa aking diary game. Mabuhay ang steemitphilippines and God bless all.