Akala Ko
Maraming mga pangako sa mundo na nababago.
Minsan hindi mo na alam kung sino ang paniwalaan mo, @loloy ba, @danyap o sa mga pulitiko.
Hirap magtiwala kasi mahirap masaktan sa bagay na hindi naman totoo.
Sa buhay maraming akala na pinaniwalaan ko katulad ng mga ito;
Akala ko noon sa relasyon ng mag JOWA ay parang ALAXAN, na ang pangako ay AARAY PERO DI BIBIGAY. Bakit sa paglipas ng panahon ng ating pagsasama ay para kang bula na nawala kasi nahihirapan kana.
Akala ko kasi tayo ay parang gatas, kasi SWAK tayo para sa isa't- isa sabay kapit sa pangakong walang iwanan kahit saan paroroonan ng ating pagmamahalan. At ngayon, nasaan ka? Naiwan ako sa ere hawak ang mga AKALA.
Akala ko kasi NESCAFFE ka, na nakatadhanang sakin BUMABANGON. Akoy nagkamali ng hinala at sa huli mukha ko ay parang tanga na nakatunganga sa mga pangakong nagiging bula.
Kaya naman, kaway kaway sa mga nasasaktan dyan. Akala niyo ang relasyon ay parang TAKT N' TEXT na HAPPY LANG WALANG ENDING. Well, nagkamali kayo, ay! Tayo pala. Ang salitang KAYO, maaaring masaya kung totoong SIYA ang makasama.
Mahal mo siya? Ang tanong mahal ka ba niya?
Hay, ang daming hugot sa buhay. Yan tuloy napagod ako. Nakakapagod mag-isip sa mga linyang ito, umabot lang sa 300 na mga salita upang maging kwalipikado sa platform nato.
Maraming hindi segurado, pero sa iisang ito, hindi ka malilito na AKALA mo, wala na pero nandyan pa. Ang mga bulaklak ay malalanta at ang sunrise ay may sunset ngunit salitang BIBLIYA ay hindi nabubura.
Ako'y pinayuhan niya, hindi dapat mamuhay sa mga AKALA MO kasi AKO ang TOTOO.
Kaya tama na, tama na ang pagtitiwala sa mga bagay na mawawala.
Ngayon, ako'y nasiyan sapagkat salita niya akoy pinaliliwanagan sa mga pangakong may katutuhan. Pangako NIYA ay hindi katulad ng pangako ng jowa mo na hindi maaaring maisapuso.
God Bless Po
Shalom to all steemians especially to @booming
Hogut ahh😍
shaloom po!