The Diary Game Season 3 : | December 15, 2021 | Sidelining as House Painter as Extra Income

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Kumusta po,

Medyo matagal-tagal na rin pong hindi nakapag sumite ng aking diary sa araw-araw. Medyo busy lang ng kaunti sa mga bagay-bagay. At ngayon po ay ibinabahagi ko po sa inyong lahat ang aking munting diary sa araw na 'to.

20211205_103152.jpg

Ibinabahagi ko po ngayon sa inyo ang aking naging trabaho sa araw na ito. Bukod sa isang Draftsman sa isang kompanya ng furniture. Sa hirap ng buhay dulot ng pandemya medyo apektado rin ang kompanya na aking pinapasukan sa krisis na ito. Nagkaroon na lang ako ng 3 araw na pasok sa aking tinatrabahuan.

20211205_121824.jpg

At dahil lumalaki na rin ang aking pamilya kaya't kailangan talagang magpursigi sa buhay. Para sa iyong naging pamilya at para may makakain sa araw-araw. Kaya't kailangan talagang may extra income para may pangtustos sa araw-araw.

20211205_122032.jpg

Kaya't suma sideline ako bilang pintor sa mga bahay. Medyo hindi naman naging malayo sa aking nakasanayan na trabaho ang pagiging isang Draftsman. At marunong din naman ako sa trabahong ito dahil simula't nagbebenata ako'y sumasama na ako sa aking ama na isa namang Foreman sa mga karpentero.

20211205_140948.jpg

At nasasanay na rin sa mga trabahong ito. At malaki rin naman talagang pakinabang pag may alam sa mga bagay-bagay. Boy scout kung baga, [weeeh] hahaha. Kaya malaki rin talagang tulong para sa akin ang may alam. At ito talaga ang reyalidad sa buhay, dapat may alam sa mga marangal na trabaho. Para kung sa mga oras ng sakuna ay may makakapitan tayo. Hindi lang sa mga nakasayan nating mga trabaho kung di rin sa iba pang marangal na mga trabaho na pwede rin namang mapagkitaan.

20211215_171408.jpg

Sa ganitong mga panahon ng pandemya ay kailangan talaga magpursigi para sa pamilya. Lalung-lalo na't para sa kapakanan ng mga mahal mo sa buhay. Ang iyong naging pamilya, ang iyong asawa't mga anak. Gagawin talaga natin ang lahat para maging masaya't, maligaya ang ating mga pamilya. Lalo na't ikaw ang padre de pamilya sa iyong tahanan. Kung saan nasa sa iyo kumukuha ng lakas ang iyong pamilya at nagsisilbing manubela ng tahanan.

20211215_171644.jpg

Hanggang dito na lang po ang aking diary ngayong araw na 'to. At sanay nagustuhan at napag pulutan ito ng aral. Maraming salamat po!

Inimbitahan ko po na magsumite rin ng kanilang mga diary sina @jenniferocco, @amayphin, @hae-ra.

At bilang suporta sa komunidad. Sine set ko ng 10% pursyento ang aking post para kay @steemitphcurator.

Gumagalang,

4i88GgaV8qiFU89taP2MgKXzwntUGAvkoQiKU7VxyD37q9E5bkiASDZyA4RXx2ZwCSv6huA7BvcbJTonRPDD5GtLw7jWX1SweKq7T8p7x5N4K5DE15G2p6fq2E.png

@natz04

4i88GgaV8qiFU89taP2MgKXzwntUGAvkoQiKU7VxyD37q9E5bkiASDZyA4RXx2ZwCSv6huA7BvcbJTonRPDD5GtLw7jWX1SweKq7T8p7x5N4K5DE15G2p6fq2E.png

FB_IMG_1517304114152.jpg

8DAuGnTQCLpunQuGfHnXTmxWbRQScCVGspXNWFwLjD7irHEs2K7Fj5j4Un1fsBZUnyafUDn6uHKUWLieAYEwsct3MseFsjgZoPc5DgWDCs6MebzMGkVmLVt7K7qktgkvzebQJD8KgosGXDFZbnEWnhdZP75FXdt2WcBHvsYWjRP.gif

Sort:  
 3 years ago 

kugihana oi... ing ana jud

 3 years ago 

Ningkamot jud ta ani maam para sa pamilya. Salamat maam! 🙏

 3 years ago 

mao sir

 3 years ago 

Good Job brod..

 3 years ago 

👍👍 salamat!

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 60782.57
ETH 2381.28
USDT 1.00
SBD 2.64