👉#club5050👈Ang munting kaarawan nang aking tita/by:@mrs.cuyag

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

25% post pay-out @null.

Hello again stemians!how are you all?hope you are all doing well!

Dahil birthday nang tita ko kaya pupuntahan namin siya.Minsan lang din namin siyang makakasama dahil sa distansya nang aming lugar kami ay nakatira dito sa lapu-lapu habang siya naman ay doon sa consolacion.

Ang tita ko pala ay nakakatandang kapatid nang aking ina at siya po ay may asawa kaya lang hindi sila biniyayaan nang sariling anak .Nag asawa kasi siya sa edad na 37 at ngayon ay nasa edad 60 years old na siya at isa na siyang senior cetizen.

Ugali nating pilipino kapag tayo ay pupunta sa isang b-day ay hindi talaga natin makakalimutan ang magbigay nang kaunting regalo o kaya cake.Dahil malapit lang sa Sm consolacion ang kanyang tinitirahan kaya doon na kami bumili nang isang meduim size cake na black forest(request po yan nang aking panganay na anak).

received_486698019977083.jpeg

Isang simpleng tanghalian ang kanyang inihanda para lang sa amin dahil wala naman siyang ibang bisita na inaasahan,pampamilya lang talaga.Noong malakas pa ang covid at nasa ecq tayo ang tita ko ang palaging nagbibigay sa amin nang half sack of rice kasi sa tuwing sila ay may biyaya natatanggap sa company nang kanyang husband.Sabi niya sa amin hindi nila mauubos kaagad ang isang sack of rice dahil sila lang dalawa,nakakatuwa din talaga kapag meron tayong kamag anak na dito din sa cebu naninirahan.Lumad taga mindanao talaga kami dahil sa hirap nang buhay namin doon sa mindanao kaya napag kasundu.an nang aking mga magulang na makipag sapalaran dito sa cebu.

received_651359139722469.jpeg

Papauwi na kami nang mag request nanaman itong aking panganay na anak na pupunta kami sa sm at mag laro doon at dahil malapit lang naman pinag bigyan nanamin.

IMG20220819144626.jpg

IMG20220819142233.jpg

IMG20220819142902.jpg

IMG20220819143955.jpg

Enjoy talaga sila dito(hahaha)simula kasi nong nagka pandemic hindi na sila nakakapunta dito at ito ang unang beses na sila ay muling naka apak dito.Sana tuloy-tuloy na ito at hindi na dadami pa ang covid cases dito sa ating bansa para tayo ay babalik sa dati nating buhay na walang pag-aalinlangan na pumunta sa ibat ibang lugar at makisalamuha sa ating mga kababayan.

Hanggang dito lang muna at maraming salamat sa pag bisita sa aking munting blog .

Nagpapasalamat,

@mrs.cuyag

#burnsteem25#club5050#thediarygame#betterlife#steemgrowth#steemexclusive#diarygameph

Sort:  
 2 years ago 

thank you for joining the #burnsteem25 and I can see that your kids had a great time! also, happy birthday to your aunt!

StatusRemark
Club status#club5050
#steemexclusive
Verified member
Not using bot
Word Count300+
Plagiarism Free
Delegator

Luzon Mod,
@junebride

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 60238.27
ETH 3215.90
USDT 1.00
SBD 2.46