The Diary Game Season 3 (May 27, 2021) | Kaarawan At Bisita

in Steemit Philippines4 years ago

Hello Steemit Community!

How are you all? Ngayon gusto ko lang po ibahagi ang mga nangyari noong araw ng Huwebes Mayo 20 At Biyernes, Mayo 21. Pasensya na po, long overdue na po itong Diary ko, pero gusto ko lang din ibahagi sa inyo kasi special po ang araw na May 20. Kaarawan po ito ng aking mahal na asawa. Wala po kaming engrandeng celebration pero kami po ay lubos na nagpapasalamat sa isang taon na namang nadagdag sa kanyang buhay.

Ang ginawa ko po ay nagluto ako ng kutchinta at sya nagluto ng spaghetti. At alam nio po ba saan galing ang ingredients para sa spaghetti? Bigay po ng aming mabait na kapitbahay. Sabi po nia regalo po para sa aking mahal na asawa. Wala po talaga sana plano magluto ng spaghetti, pero maraming salamat sa aming kapitbahay.

IMG_20210520_181847.jpg
kutchinta at spaghetti.

Para po sa inyong kaalaman, ang kutchinta ay isa sa paborito ng asawa ko. Sa araw na iyon masaya po naming pinagsaluhan ang aming konting handa.

Di Inaasahang Bisita

Sa araw din pong iyon ay nagkaroon kami ng di iniasahang bisita. Meron po kaming kaibigan na babae na may hindi pagkakaintindihan ng kanyang asawa, kailangan po nia ng taong pwedeng mapagsabihan at handang makinig sa kanya. Bilang kaibigan, handa naman kami makinig. So ayun nagkaroon kami ng instant bisita sa kaarawan ng asawa ko.

Kinabukasan na rin sya umuwi, pero bago sya umuwi sa kanila ay lumabas muna kami at kumain at para makapag usap din na kami lang dalawa. Hindi madali ang kanyang mga pinagdaanan pero alam ko, darating ang panahon, magiging masaya din sya or sila kung ano man yung mga desisyon na gusto nilang gawin sa buhay. Ang magagawa ko lang ay makinig at magbigay ng payo. Nasa kanila pa rin ang desisyon.

received_840521619924045.jpeg
Pasensya na po sa eyebags. LOL.

IMG_20210521_153511.jpg
Ito po yung inorder ko. Burger and fries sa Shakey's.

Mga ilang oras din po kami nag-usap at umuwi na rin pagkatapos.

Maraming salamat po sa pagbasa hanggang sa huli.

Maraming salamat Steemit Philippines at kay @steemitphcurator!

Hanggang dito na lang po.

Love,

@me2selah

8th8uW8KLF3eHoH9cVXk2SSr6eVkAARdFgoTu5NcF2rAG1h2Z3GoKaJaSioH2mQwGHwoqWw3s2WuWqa8Kgcu5D3QFM2EFumZrxbwBLTRN5kzLCa5WoEAeyAPktLtxEtukoWis9mQaHJ8KznMte4Lm7eSCWe53hALepJDapqr5emMcAHTjzkjq8Gsxa.png
Footer by @kennyroy.
HNWT6DgoBc14riaEeLCzGYopkqYBKxpGKqfNWfgr368M9VAFdReH1oJGEDHqn3GwJsgpz6kLfMcvi9DZbgBVBCc2JPi9khCpzqsY1TawEBiBHEzRaNWcE71cJ5b.gif
GIF Footer by @baa.steemit.

#upfundme
#zzan
#contest
#steemitblog

Sort:  
 4 years ago 

Wow, ang sarap naman nyan ate.

 4 years ago 

Oo masarap tlaga Del hehe. Salamat sa pagbisita.

 4 years ago 

Walang anuman ate. 😁

 4 years ago 

Belated happy birthday kay brother sis ha. Ako paborito ko din yang kutchinta. Meron dito sa amin gumagawa may yema yong kutchinta nila pinaka toppings bago niyog.
Tama ka sis, pagdating sa mga problems ng friends natin hanggang payo lang tayo nasa kanila pa din ang huling decision. Masaya ako na may kaibigan syang katulad mo ready to listen and have a shoulder to cry on.

 4 years ago 

Salamat Sis. Oo sarap din yun...

Willing to listen lng tayo sis. Sila pa rin magdecide sa buhay nila.

 4 years ago (edited)

Sarap sis..na miss ko na mag Shakeys hahaha.. belated happy birthday kay hubby mo sis. ,nakakatuwa din ang may kaibigan na masasandalan.

 4 years ago 

Thank you sis! Oo sarap pero d maganda palagi hehe

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.26
JST 0.040
BTC 96672.33
ETH 3453.42
SBD 1.55