Steemit Referral Program|| October 10, 2022|| "Ang Steemit At Ang Steemit Philippines"

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

image.png

Edited By: Canva Application
Magandang Umaga sa ating lahat mga ka-steemians.
Marami na ang nagbabago sa ating panahon, maraming mga umusbong na mga magagandang bagay, gaya ng gadgets at marami pang iba. Lingid sa ating kaalaman na kapag nasa mundo tayo ng internet ay may mga mararaming mga magagandang oportyunidad na nakakatulong sa ating buhay lalo na sa ating mga talentong nakatago sa ating sarili. Maraming mga pwedeng mapagkakakitaan sa mundo ng internet, isa na dito ang Crypto Blogging. Sa loob ng halos dalawang taon na pagbablog ay nakita ko na maganda ito sa atin. Sa pamamgitan nito, maipapalabas natin ang ating mga saloobin, magagamit ng maayos ang ating mga talento at makakapagkomunikasyon at magkakaroon pa tayo ng maraming kaibigan sa ibat-ibang lugar o bansa. Isa sa mga sikat at patok na patok na crypto blogging ay ang *STEEMIT PLATFORM* kong saan pwede tayong gumawa ng blog gaya ng blog sa pagluluto ng ibat-ibang masasarap na pagkain, mga aktibidades sa buhay o pamayanan, kantahan, sayawan, guhit, talaarawan at marami pang iba. Sa loob ng platform na ito ay makikita ang mga ibat-ibang uri ng komunidad depende sa mga topics na gusto mong ibahagi sa iba. Gaya ng nabanggit ko sa unahan, ang platform na ito ay pwede sa lahat, bata man o mga matatanda, propesyunal man o hindi, may trabaho o tambay lang sa bahay.

image.png

Isa sa mga komunidad na meron tayo ay ang STEEMIT PHILIPPINES, inisyatiba ito ni @loloy2020 dahil siya ang nagtatag nitong nasabing komunidad. Dahil din sa tulong ng mga may malalaking mga steem power ay nakalikum tayo ng malaking steem power. Isa itong hakbang para makatulong sa mga myembro lalo na ang mga bago na mabigyan ng rewards ang kanilang magagandang post sa komunidad. Isa rin itong daan para maingganyo ang lahat na gumawa ng post dahil sa kanilang natangggap o nakitang rewards sa kanilang post. Hindi lang ang komunidad ang nagbibigay ng rewards sa ating lahat, pati na rin ang mga mababait at mapagbigay na mga kapwa myembro ng steemit philippines, at ito ang tinatawag na CURATIONS.

Sino-sinu ba ang pwedeng makasali dito sa Steemit?

Ang steemit at steemit philippines community ay pwede sa lahat:

  • Bata ( 16 pataas )
  • Matatanda
  • Mga Propesyunal
  • Mga tambay
  • Estudyante
    At marami pang iba, kapag marunong ka lang gumamit ng computer, cellphone o di kaya ay kapag marunong kang magbasa, sumulat at magpalabas ng talento ay pwedeng-pwede yan dito.

Paano ba kumita dito sa steemit? At ano ang mga gamit nito sa ating account?

Una, kapag tayo ay magsisipag at magtatyaga lang dito ay may makukuha talaga tayong magagandang resulta. Makakakuha o kikita tayo dito sa pamamagitan ng pagpost ng mga magagandang post at mag-engage sa ibang users ng steemit sa pamamagitan ng pagcomment sa kanilang post. Kapag masipag tayong magpost lalo na kapag araw-araw tayong magpost ay makakakuha talaga tayo ng rewards araw-araw at tataas pa ito kapag palagi tayong nakaredeem ng mga tokens mula sa ating posts.

May mga ibat-ibang uri ng tokens ang steemit;

image.png

Una ay ang STEEM TOKENS, kong saan dito napupunta ang iba nating rewards mula sa ating post. Pwede itong e-trade sa pamamagitan ng mga crypto wallets na available ang ganitong uri ng tokens. Pwede rin itong pangpower-up para mas tataas pa ang ating steem power sa ating account.

image.png

Sunod ay ang tinatawag nating, STEEM DOLLARS kong saan pwede ring e-trade ito. Isa rin itong uri ng tokens na pwedeng e trade o convert sa Steem. Para mas madagdagan pa ang ating steem tokens ay pwede itong econvert. Sa ganitong paraan, mapapabilis ang pagtaas ng ating steem power sa ating account.

image.png

Ito ang nagsisilbing ugat sa ating mga account, ang tinatawag na STEEM POWER. Kapag wala ka nito ay hindi tayo makakapagpost, comment, curate o di kaya ay reblog. Ang steem power ay nagsisilbi ring savings para sa hinaharap at makakakuha tayo nito kapag nagpopowerup tayo sa pamamagitan at gamit ang ating Steem tokens. Pwede rin tayong magdelegate sa ibang users o komunidad gamit ang steem power at pwede ring kunin pabalik ang pinahiram na steem power kapag may SP na sila.

image.png

Pwede rin tayong magtabi ng mga tokens natin at ilalagay dito sa savings. Dito makikita ang itinabi nating STEEM AT STEEM DOLLARS.

image.png

Ang panghuli ay ang tinatawag na TRX o TRON tokens. Kapag nagpayout tayo ay maidadag ito sa ating account at pwede rin itong etrade. Madali lang itong paramihin dahil marami ang makukuha nating trx depende sa laki ng rewards natin.

Powering Ups:

image.png

Dito sa ating plataporma ng steemit ay mahalaga dito ang pagtutulungan ng bawat isa. Isa sa mga pwede nating gawin ay ang tulungan ang ating komunidad sa pagbahagi o pagcurate natin sa ibang post. Kaya inilunsad ng steemit ang tinatawag na POWER UP kung saan, ang mga steem tokens natin ay ginagawang steem power. Kapag lumalaki ang ating steem power ay may chansang magkakavalue ang ating mga upvotes sa iba. Nakakatulong pa tayo sa ating komunidad, makakatulong pa tayo sa ibang tao.

Club100, Club5050 at Club75:

Napakahalaga nito sa ating lahit dito sa steemit. Sa pamamagitan nito, may makukuha tayong suporta mula sa mga malalaking curators dito sa ating platform gaya ng malalaking rewards. Ang Club100 ay ang wala pang withdraw o powerdown activities na nagawa. Ang club75 naman ay 75% na power up at 25% sa withdrawal o powerdown at ang panghuli ay ang Club5050 kong saan 50% sa power up, 50% sa power down o withdraw. Ang hindi pagkakaroon nito ay may tsansang hindi makakakuha ng malaking rewards mula sa malalaking curators ng steemit. Ang steemit ay napakaganda kapag tayo ay nag-iipon dito.

Assessment:

Dahil aktibo ako dito sa steemit platform ay agad ko namang ipinost sa social media gaya ng facebook, dahil sa aking ginawa ay naging interisado ang isa sa aking kakilala sa social media. Lubos ang aking pag-assist sa kanya dahil nakita ko rin na willing siyang sumali. Kaya sa pamamagitan ng messenger ay inasist ko siya para makapagsimula na siyang makapagpost sa steemit philippines.

image.png

Kaya mga kaibigan, gamitin na ang inyong angking galing sa pagsulat, mga talento, at marami pang iba. Kapag sa larangan ng pag-iimpok ay masaabi ko talaga na napakaganda dito. Magagamit pa ng maayos ang ating mga angking talento, kikita at makapag-ipon pa tayo dito sa steemit. Ano pa ang hinihintay nyo....

SALI NA.....

Bago ko tatapusin ang entry ko para sa araw na ito ay nais kong imbitahan sina ate @jurich60, ate @amayphin at @jessmcwhite sa contest ng steemit philippines at ang 25% mula sa payout ng post kong ito ay ibabahagi ko sa @null bilang pagsuporta sa burnsteem25.
Sort:  
 2 years ago 

Maraming salamat sa pagsali @manticao.

 2 years ago 

Walang anuman po sir..

 2 years ago 

Ay nice ang post na ito. Reblog at share ko sa mga friends ko.

 2 years ago 

Salamat po ate :)

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.27
JST 0.040
BTC 96938.01
ETH 3456.54
SBD 1.55