Burnsteem25|| July 27, 2022|| Diary Game Season 3|| "Simpleng Paraan sa Pagluluto ng Puto"

in Steemit Philippines2 years ago

IMG20220718143029_00.jpg

Magandang umaga sa ating lahat mga ka-steemians.

Tayong lahat ay mahilig sa mga kakanin o mga meryenda na gawang pinoy at nakasanayan na mula pa sa ating mga kanunuan. Iilan sa mga ito ay ang biko, suman, latik, bibingka at puto. Patok din itong gawing negosyo dahil marami talagang bibili nito, nakakasawa kasi ang palaging tinapay ang kinakain. Ngayong umaga ay ibabahagi ko sa inyo ang mga simpleng paraan ng pagluluto ng puto na TIKTIK. Ang TikTik ay isang uri ng giniling na mais. Giniling ito sa pinakamaliit na piraso na parang harina na ito. Ito rin kadalasang ipinapakain ng mga ina para sa kanilang mga anak. May mga iba pang paraan o klase ng pagluluto nito gaya ng puto.

May mga kakaunting sangkap sa pagluluto ng puto, hindi naman ito masyadong magastos dahil kakaunti lang naman ang mga sangkap at ito ay ang mga sumusunod;

Sangkap:

👉 Tiktik (giniling na mais)
👉 Gata ng niyog
👉 Asukal
👉 Baking
👉 Yeast
👉 Vanilla ( Kapag meron, pampabango sa mga niluluto)

Mga Gamit Sa Pagluluto:

👉 Baking pan
👉 Streamer

📝

At kong wala namang streamers na paglulutuan ay pwede ring gumawa ng simpleng streamer, kumuha lang ng maliliit na piraso ng kawayan at pagtagpi-tagpiin ito para may mapatungan ang baking pan.

Paraan Ng Pagluluto:

IMG20220718131438_00.jpg

Salain muna ang tiktik para makuha ang mga malalaking butil ng mais dito. Sunod ay ilagay ang asukal at haluin ng mabuti.

IMG20220718131445_00.jpg

Sunod, ihalo ang gata ng niyog at isunod ang baking powder at yeast. Ang baking powder ay makapagpalambot sa puto at ang yeast naman ay lumalaki ang niluluto.

IMG20220718131928_00.jpg

Haluin ito ng mabuti upang mabalanse ang lasa nito. Hayaan ito ng 5 minutes bago maglagay ng angkop na dami ng tiktik sa baking pan.

Ilagay agad sa streamer at hintayin itong maluto. Sa loob ng 45 minutes ay luto na itong ating putong tiktik.

IMG20220718142944_00.jpg

Ito ang ating finish product, putong tiktik. Sulit ito dahil masustansya at masarap pa. Pwede din itong pangnegosyo. Hindi ito masyadong magastos. Sa halagang 200 Pesos, ay makagawa ka na ng maraming puto. Ibinibenta din ang bawat slice ng puto sa halagang 5 pesos.

Para sa mga magplanong magnegosyo nito, narito ang talaan sa magiging income nyo sa halagang 200 pesos na puhunan.

ExpenseComputation
200 Pesos160 Sliced ng Puto

160x5= 800- 200= 600 Pesos Ang balik.

image.png


Bago ko tatapusin ang post ko para sa araw na ito ay nais kong ibahagi ang 25% mula sa payout ko sa post na ito sa @null.

Sort:  
 2 years ago 

Evaluation Date : July 27, 2022

#steemexclusive
at least #club5050
Plagiarsm Free ✅
Bot-free ✅
at least 300 words ✅
Delegator ✅
Verified Member ✅

Thank you for creating quality content in the Steemit Philippines Community.

Visayas Moderator,

@me2selah

 2 years ago 

Thank you for the rate ate.. ☺️

 2 years ago 

Wow mukhang masarap itong ginawa mo, giniling sa mais is tiktik pla ang tawah dyan sa inyu. Kalami ba ani oi! Thanks for sharing this 😋😋😋

 2 years ago 

Walang anuman ate.. ☺️

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Manually curated by @jasonmunapasee

r2cornell_curation_banner.png

 2 years ago 

Thank you..

 2 years ago 

murag lami lagi ni dah!!

 2 years ago 

Lami gyud ate.. ☺️☺️ patok pud pang negosyo. ☺️

 2 years ago 

Kani ai, usa pud ni sa ako gikamingawan.

 2 years ago 

Mao ni ang snack basta probinsya sir. ☺️

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 53807.82
ETH 2237.98
USDT 1.00
SBD 2.30