//The Diary Game Season 3//Father's Day Celebration// #Club 100 +25% beneficiary @null//
25% beneficiary goes to @null
Isang magandang araw po sa lahat ng steemians,kumusta na po kayong lahat nawa ay nasa mabuting kalagayan po kayo lahat,ngayon lang po naka pag blog ulit medyo na busy po. Kahapon po araw na linggo june 19, 2022 araw po ng pagsamba sa ating buhay Dios,at the same time ay fathers day. Pagkatapos po nag simba namin ay pinapunta po kami mga tatay sa harap para po magpicture pero sa kadahilan na pupunta po ang anak at asawa mo sa gitna to great a happy fathers day ay nag iyakan po ang iba at pati narin po ang anak at asawa ko pati narin po ako ay naluha na rin.
Pagkatapos ay nagpunta po kami sa lugar nila ptr dodz at ptr romel upang mag celebrate ng fathers day. Bago kami ng asawa ko ay inutusan kami ni ptr dodz na bumili ng isda para ihawin at mga ingridients kasi gagawa sila ng buko juice,kaya nauna sila doon at pumunta muna kami sa bayan ng asawa ko.Pagkatapos namin bumili ay sumunod na din kami doon. Pagdating namin doon ay nag simula na silang mag luto ng saging at ginataang manok at nag ihaw din sila ng manok.
At ang mga bata ay masaya po silang naliligo sa may ilog pati na rin yung ibang mga youth namin ay naliligo din sa may ilog,hindi nman malalim yung tubig kaya pinabayaan lang din namin ang mga anak namin na maliligo sa ilog,pagkatapos nang maluto na yung mga pagkain na niluto nila ay tinawag na po namin yung mga bata at mga youth na kakain na,kaya mabilis po silang umahon sa ilog.
Pagkatapos po kumain at nagpahinga din saglit at yung mga bata ay bumalik din sa pagliligo sa ilog samantalang kami ay nandoon lang sa gilid ng kukwentuhan,matagal din kami doon nasa mga 3 hours mahigit or sobra kasi hapon na kami umalis doon lagpas alas 5pm na ng hapon kami umalis,at nauna na kami kasi yung iba naming churchmate ay hinatid pa ni ptr sa kanilang bahay, at may pupuntahan pa daw sila kaya na una na po kaming umuwi. Hanggang dito nalng po muna ako.God bless po sa lahat ..
TO GOD BE ALL THE GLORY.
Happy Father's Day! Memorable kaayo ang mga panghitabo...bisag simple lang pero happy kaayo..
Mao lagi ptr .salamat sa Ginoo..