The Diary Game Season 3|| Ang Pakikipag Meeting o Courtesy Call namin sa Hepe ng mga Police ng aming Munisipyo☝️🙌😇
Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!
Maraming mga oportunidad ang nabuksan para sa aming lahat lalong lalo na at ito ang mga kasiyahan namin na magamit ng Dios para sa gawain at para sa Kanyang kaluwalhatian. Ngayon nga ay ibabahagi ko sa inyong lahat ngayon ang nangyaring meeting namin sa Hepe ng mga Police dito sa aming Munisipyo para sa isa nilang Programa na malaking impact para magamit kami sa gawain ng Dios.
Umaga pa nga ay nag message na ang isa sa aming kasamang Pastor na meron kaming meeting o courtesy call mula sa Hepe ng mga Kapulisan dito sa aming Munisipyo kung kaya ginawa ko na ang mga dapat kung gawin sa aming bahay dahil kinahaponan nga magaganap ang aming meeting.
Pagkatapos ng aking pananghalian ay naghanda na ako para sa gaganaping meeting dahil mga 2:30 ang ibinigay na oras para sa amin kung kaya mga 1:30 pa lang ay naligo na ako at nag asekaso ng kung ano ang dapat kong gawin. Nakarating naman ako sa Police Station mga nasa 2:30 na din dahil meron pa akong hinintay at sa pagdating ko nga ay nandoon na ang ilan sa aking mga kasamang Pastors.
Ilang minuto lang din ay nagsimula ng mag discuss ang Hepe pagkatapos na makapagpakilala ang bawat isa sa amin. Marami nga ang ibinahagi ng Hepe sa amin patungkol sa programa nila na galing pa sa National na tinatawag na "Kasimbayanan". Talaga marami kaming natutunan at magandang opurtunidad ito na magamit ng Dios at makapagbahagi ng mga Salita ng Dios sa lahat, salamat sa Dios sa lahat ng ito.
Natapos naman ang aming meeting mga nasa oras na 5:00 ng hapon na puno ng pasasalamat sa Dios at kasiyahan sa aming mga puso dahil sa gawaing parating sa aming lahat. Bago nga kami umalis ay kinuhaan na kami agad ng picture para magamit sa gagawing I.D namin para maging opisyal kaming lahat. Bilang panapos naman ay nag kuha kami ng mga group pictures at para ako makasali ay nag groupfie na din ako. Salamt din sa Dios dahil naka uwi kami sa aming mga bahay ng ligtas at puno ng pasasalamat sa Dios.
Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝
Mabuhay ang Steemit Philippines Community
@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter
Your post has been supported with a 30% upvote by @ashkhan from TEAM 2 of the Community Curation Program. We invite you to continue sharing quality content on the platform, and continue to enjoy support, and also a likely spot in our weekly top 7.
Woohoo! Magandang marinig yan! Kaya nga tayo ay binigyan ng pagkakataon para maipakita ang ating galing at mapaglingkuran ang Diyos. Salamat sa Diyos at nagkakaroon tayo ng mga ganitong oportunidad. Mabuhay tayong lahat!