The Diary Game Season 3 || Ang Masayang Adventure namin sa bundok ng Tagbalogo at Talabaan Falls 👉#burnsteem25

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Isa nga sa gusto kong gawin ay ang mag explore at magbisita sa mga tourist spots lalong lalo na sa panahon ng feeling ko stress na ako at kailangan ko ng makapag pahinga at makapag bond pa sa aking mga kaibigan at tinuturing ko na rin na mga nakakabatang kapatid, kung kaya ibabahagi ko sa inyong lahat ang nagdaang adventure namin sa bundok ng Tagbalogo at sa napuntahan namin na Talabaan Falls.

20220906_232418_0000.jpg

Mga ilang araw nga ay napag usapan na namin ng isa sa pinakamalapit kong kaibigan at tinuturing ko na ding kapatid na si Sir @dan.yap na bibisita kami muli sa Tagbalogo na kung saan naka punta na kami noon pero sandali lang at doon sa isa sa mga Falls na makikita doon pero ngayon pupunta kami sa bukid at sa isa pang falls na medyo malayo talaga ang pag travel.

Mga nasa oras 6:00 ng umaga nag byahe na kami ni sir Dan papunta sa Tagbalogo at nakarating kami mga 6:50 na iyon at pagdating namin agad din kaming nag agahan dahil meron na din silang inihandang pagkain para sa amin, ang bait talaga ng pamilya ng isa ko pang kaibigan na taga doon dahil inasikaso talaga kami. Ilang sandali lang ay natapos na kaming kumain at nagpahinga muna sandali bago kami nag simula sa aming adventure. Mga 7:30 nga ay nagsimula na kami sa aming adventure dahil medyi malayo talaga ang aming pupuntahan dahil mga nasa higit isang oras ang aming lalakarin bago kami makapunta doon.

Habang naglalakad nga kami ay talagang nakakapagod dahil hindi kami sanay pero sobrang saya talaga dahil masasabi naming adventure talaga, mula sa daan na napaka dulas at napakatarik pero nakaya namin ang lahat. Meron ding isang bukal na doon kami uminom ng tubig at ito talaga ang tunay na mineral, masasabing nature spring.

Umabot nga sa halos isang oras at apat napot limang minuto ang aming paglalakad, medyo matagal talaga pero sobrang saya ang aming journey para lang makarating at nagpapasalamat kami sa Dios dahil nakarating kami ng ligtas.

Ngayong nakarating na kami sa wakas, oras na din na makapagpananghalian kami pero kailangan pa na maka huli kami ng manok para lituin namin. Noong una akala namin di na kami makakahuli dahil hindi sanay sa tao ang mga manok pero ang galing ng aking kaibigan sa panghuhuli ng manok at sa wakas ay nakuli din sya,akala talaga namin wala kaming ulam kaya nabuhayan kami noong naka huli na sya. Kaya noong nahuli na ay agad-agad naming kinatay ay nilutong tinulang manok at ang sarap talaga ng sabaw lalo nat native chicken ito o tinatawag na manok na bisaya dito sa amin.

photocollage_202297073885.jpg

Nagpahinga mona kamo saglit dahil busog na busog talaga kami at noong mga nasa oras na 1:30 ay nag simula na dim kami sa aming ikalawang bahagi ng aming adventure at ito ay papunta sa isang falls na nandoon, at ito ay hindi pa gaanonh kilalang falls at ito ay ang Talabaan Falls. Sabi mga tatlong minuto ang travel papunta doon, medyo malayo din pero mas masaya naman dahil marami kaming nadaan na magandang tanawin doon mula sa mga kakahoyan doon at sa mga malalaking bato sa ilog. Hanggang sa narating na din namin ang pinakahihintay naming marating na Talabaan Falls at grabe ang ganda ng talon dahil ang laki at malakas ang daloy ng tubig at kami lang ang nandoon. Inenjoy talaga namin ang pagkakataon na nandoon kami kaya kumuha talaga kami ng maraming larawan at nag swimming hanggang sa pagsapit ng ika 3:00 ng hapon ay napagdesisyonan na naming bumalik doon sa kubo dahil medyo pa ang aming lalakarin papauwi at baka din gabihan kami.

Sa wakas ay nakauwi na din kami sa bahay ng isa kong kaibigan na nandoon, medyo nakakapagod talaga at medyo sumakit din ang aking mga paa pero okay lang dahil masaya naman ang aming adventure sa araw na ito mula umaga hanggang ngayong hapon at nakauwi kami ng masaya at ligtas, salamat talaga sa Dios.

Sa pag uwi nga namin ay nandoon din ang iba pa naminh kaibigan na hindi nakasama sa aming adventure dahil nga sa nag-aaral ang mga ito, nagpapasalamat din kami dahil pinuntahan talaga kami para makita at makapag bonding sa amin. Doon ay sabay2x kaminh naghapunan at nag-usap usap muna.

Sa kabuoan ay talagang ang saya ko sa araw na ito dahil sa nangyaring adventure namin kasama ng aking mga kaibigan na kapatid ko na rin at nagpapasalamat ako sa Dios dahil sa lahat ng panahon ay nandyan Siya at ang araw na ito ay kanyang ipinaranas sa amin.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  
 2 years ago 

Hello sa lahat ng mga cute jan hehehe

 2 years ago 

Saan ba ang cute dyan? 🤣🤣🤣

 2 years ago 

ka Enjoy sa adventure! nindot dira oh, may falls!

 2 years ago 

Oo ate, grabe ka kapoy pero grabe sad ka enjoy.. 😇

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.24
JST 0.038
BTC 95392.30
ETH 3285.89
USDT 1.00
SBD 3.39