The Diary Game Season 3 || Ang aming District Mission Convention sa Assembly of God Pala-o Iligan City 😇.

in Steemit Philippines2 years ago

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Maraming magagandang pangyayari sa aking buhay na aking maipagsasalamat sa Dios dahil sa walang sawang pagmamahal Niya sa akin kung kaya para sa post kong ito, ibabahagi ko sa inyong lahat ang nangyaring District Mission Convention na talagang nagbigay ng karagdagang kaalaman at pananalig sa Dios.

20220729_213204_0000.jpg

Ang District Mission Convention nga namin ay matagal na itong naka plano dahil taon-taon din itong ginagawa, at para sa taong ito gaganapin ito sa Pala-o Iligan City at tinatansyang merong higit sa 200 ang lalahok dito.

IMG_20220723_081846_361~2.jpg

Ang nasabing gawain nga ay dalawang araw at bago ang unang araw nga ay nandoon na kami ni Ptra @emzcas at isa sa aming youth na si Jicel sa bahay ng aming Senior Pastor na c Ptr Dodz para doon kami matulog at nang maaga kaming maka punta doon sa Venue ng nasabing gawain. Nakarating nga kami doon kinabukasan ng mga nasa oras na 8:30 ng umaga at sakto dahil kakasimula palang nila. Nagsimula na nga ang Praise and Worship at sinundan din ito agad-agad ng pagbahagi ng Speaker para sa araw na ito.

Buong araw nga hanggang gabe ay siya ang aming Speaker at talaga namang napakaganda ng mga naibahagi niya at talagang nagbigay ng karagdagang kaalaman at pagasa sa amin lalong lalo na sa mga gawain ng Dios.

Noong nag break mga nasa oras na 5:00 ng hapon at naghihintay ng pang gabi na Service, nagpunta muna kami sa isang Tourist Spot na malapit doon, isang maliit na plaza o rotonda na talagang maganda dahil mga magaganda at malalaking kahoy na nandoon na kahit papano ay nag enjoy naman kaming lahat habang naghihintay at bumalik na din naman kami mga ilang oras lang pagkatapos na makapag pahinga doon.

IMG_20220722_165747_574~3.jpg

Pagsapit ng gabe at mga nass oras na 5:30 na iyon ng kami ay nagbalik sa venue at nagsimula na din ang aming haponan para pagsapit ng mga 6:00 ng gabe ay makapagsimula na kami. Pagdating ng 6:30 nga ay nagsimula na kami at sinimulan ito ng Praise and Worship at sinundan din ng pagbahagi ng aming Speaker patungkol talaga sa Mission dahil ito naman talaga ang mahala para sa aming lahat.

Mga ilang oras din na nakapagbahagi ang aming Speaker at mga nasa oras na 8:00 ng gabe ay natapos na din siya at Salamat sa Dios sa lahat ng magagandang Salita ng Dios na naibahagi niya. Ngayon hindi din namin pinalampas ang pagkakataon na makapagpa picture sa kanya bilang remembrance. Salamat talaga sa Dios sa matagumpay na gawain Niya na malaking tulong talaga sa aming lahat.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  
 2 years ago 

Praise God! napaka active nyu talga pastor sa church and sa ministry ninyu! God bless!

StatusRemark
Club status#club75
#steemexclusive
Verified member
Not using bot
Word Count300+
Plagiarism Free
Delegator

Luzon Mod,
@junebride

Congratulations, your post has been upvoted by The Team Industrial Seven.
We support posts using the @Steemcurator06 account.
Keep typing #thediarygame and using the thediarygame tag
Have a nice day.

CATEGORIESREMARKS
Plagiarism0% (100% steemexclusive)
BidbotsNO
Club Status75✔
Percentage Vote40%

Curated by @nadeesew

 2 years ago 

Ang gandang mabuhay kapag ganitong lifestyle meron ka. Napakapanatag ng mga parents nito, nasa mabuting kamay ang mga kabataan nila. Thank you Lord.

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.21
JST 0.036
BTC 97319.92
ETH 3332.05
USDT 1.00
SBD 3.33