The Diary Game Season 3 [06-19-2022] || Ang aming Simple Ngunit Makabukohang Father's Day Celebration 🥳🎉😇

in Steemit Philippines3 years ago

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Nitong araw nga na ito ay isa na namang masaya at Makabukohang pangyayari ang nangyari sa aking buhay sapagkat isa na namang napaka importantong okasyon ang nangyari sa amin na ang naging pangunahing abala ng lahat ay kaming lahat sa Youth Department, at ito ay ang aming Pagdiriwang ng Simple ngunit Makabukohang Father's Day Celebration.

20220619_231425.jpg

Bago ko nga ibahagi ang nangyaring selebrasyon, ibabahagi ko muna sa inyo ang ginawa naming preparation nila Ptra @emzcas at isa sa aming youth na si Jicel. Noong Sabado nga ay naging abala kaming tatlo para sa magaganap na Father's Day dahil nga sa ang Youth Department ang inatasan na mag decorate at sa preparation.

Umaga pa nga ng Sabado ay namili na kami ni Jicel ng mga gagamitin para sa decorations at pagkahapon ay nagpunta na rin kami sa Church kasama na namin noon si Ptra Jetma. Pagkadating din namin ay agad-agad din kami g nagsimula sa naging plano naming design. Labis talaga ang aming pasasalamat sa Dios dahil, kahit na tatlo lang kami ay nagawa parin namin ito ng maayos. Mga nasa oras na iyon na 6:50 ng gabi ng kami ay natapos at agad din namang umuwi sa aming mga bahay para makakain ng haponan at makapagpahinga.

photocollage_2022619235854587.jpg

Kinabukasan ay dumating na rin ang araw ng aming selebrasyon at ang buong mundo ang nagdiriwang nito. Mga nasa oras na 8:30 na iyon ng umaga kami nakarating sa aming Church at naghanda na sa aming gagawing selebrasyon. Naghintay din kami dahil hindi pa.dumarating ang aming Senior Pastor at iba pang mga Tatay namin sa Church, at mga nasa oras na 9:00 na iyon ng silang lahat ay dumating at nasimula na kami sa aming Sunday Service at Father's Day Celebration.

Sa amin ngang selebrasyon ay hindi inaasahan ng mga Youth namin na sila ang magbabahagi ng mga testimony patungkol sa kanilang mga Ama at habang silang lahat nga ay nagbabahagi ay hindi talaga maiiwasan merong maiiyak lalong lalo na ang mga youth namin na mga babae at pati na rin kaming lahat ay naiyak, pero ang lahay ng ito ay dala ng kanilang pasasalamat sa kanilang mga Ama.

Pagkatapos ng mga Testimony ay sinundan din ito agad-agad ng Praise and Worship na ang nagdala ngayon ay ang isa sa aming youth na si Cristine. Pagkatapos ng Praise and Worship ay ang pagbahagi ng Word of God at ang naka assign sa araw na ito ay ang asawa ng aming Senior Pastor na si Ptra. Jenefer. Naibahagi nga niya kung ano ang dapat na meron ang bawat mga Ama, mula sa pagkakaroon ng takot at pananampalataya taya sa Dios, pag train ng mga Ama sa kanilang mga anak na naka ayon sa Salita ng Dios at higit sa lahat ang ating buhay na Dios na siyang tanging Ama nating lahat.

photocollage_202262001647205.jpg

Ngayon pagkatapos ng makapagbahagi ng mga Salita ng Dios si Ptra Jenefer ay tinawag nito ang mga Ama namin sa Church habang si Jicel ay nag offer ng isang kanta para sa kanilang lahat at lumapit din ang mga anak nila at mga asawa upang magbigay ng mga mahigpit na yakap at mga halik. Talaga namang nakakatuwa at nakakaiyak na tignan silang lahat lalo na't kompleto sila.

Ilang saglit lang din ay hindi rin nagpahuli ang mga bata dahil meron din silang ginawang munting presentation para sa kanilang mga Ama at ang saya talaga nilang tignan habang ginagawa nila nila, laking pasasalamat sa kanilang teacher na si Ptra Jetma.

photocollage_202262002256696.jpg

Mga nasa oras na iyon na tanghalian natapos ang aming Sunday Service at Simpling Father's Day Celebration at oras na sa Picture taking. Tinawag namin bawat pamilya at kahit na hindi lahat ng pamilya nandito at hindi lahat ng Ama ng dito, nagpapasalamat pa rin kami sa Dios dahil naging matagumpay ang lahat.

photocollage_20226200261424.jpg

Bago nga matapos ang aming picture taking at makapag pananghalian na, kaming nga youth naman ay hindi nagpapahuli sa aming picture taking lalong lalo na ang mga youth naming mga babae. Isa naman nga itong napakasaya at memorable experience para sa aming lahat na sa Dios lamang namin ipagpasalamat.

photocollage_202262003021518.jpg

Pagkatapos nga ng aming mga picture taking ay nananghalian na kami dahil pagkahapon naman ay meron pa kaming ikalawang bahagi ng aming simpling Father's Day Celebration at ito ay mangyayari doon sa ilog na malapit lang sa aking munting sakahan at sa sakahan ng aking tiyohin.

Nakarating nga kami doon sa ilog ng mga nasa oras na 2:00 ng hapon at doon nga ay nag ihaw-ihaw kami ng isda ay manok at meron ding saging at mga kamote, at ang dessert namin na buko na nilagyan ng gatas at ito nga ay napakasarap, at pinagsalohan namin itong lahat, talagang napaka memorable na experience talaga ito. Doon nga din ay naligo kami sa ilog at nagsagawa ng mga Bible Quiz para sa mga youth, at kaming lahat ay nag enjoy talaga. Mga nasa oras na 5:00 na iyon ng kami ay natapos sa pagligo at nagpasya na rin na umuwi, salamat sa Dios sa lahat.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  
 3 years ago 

so touching knaang naay mga testimonies about their fathers.. sige jd mo fellowship pastor ba... Praise God!

 3 years ago 

Amen ate...maka hilak jud ka ug apil labi na sa ako nga wala nako papa...happy kaayo ko sa ila... Salamat jud sa Ginoo ate nga dili na jud strict dri sa amo...morag normal na jud...

 3 years ago 

Hi!

This post has been chosen to be recommended for booming support today. Continue creating high-quality content here at Steemit Philippines Community.
Remember to always follow the #Club5050 rules for more chances of curators' upvotes.

DetailsRemarks
#steemexclusiveYES✅
At least #club5050YES ✅
Plagiarism FreeYES✅
Bot FreeYES✅
At least 300 WordsYES✅
Verified Member/VisitorYES✅

Congratulations! And have a blessed day! :)

Luzon Moderator
@kneelyrac

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.25
JST 0.038
BTC 96907.08
ETH 3380.66
USDT 1.00
SBD 3.23