The Diary Game Season 3 [05-31-2022] || Ang Aming Sunday's Divine Service Nitong Nagdaang Linggo 😇😊🥰 | 👉Joined #burnsteem25

in Steemit Philippines3 years ago

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Maraming mga pangyayari sa ating buhay sa bawat araw na nagdaan na maipasasalamat natin sa Dios lalong lalo na ang walang sawa niyang pagmamahal sa atin at pagbibigay ng biyaya at buhay sa araw-araw.

Para sa araw na ito, ibabahagi ko sa inyong lahat ang nagdaang Divine Service o Pagsamba namin sa Dios nitong nagdaang linggo.

20220531_145426.jpg

Tuwing araw na linggo nga ay excited ako lagi dahil araw ito ng aming Pagsamba sa Dios na kung saan kaming lahat ng mga Kapatiran ay nagkakaisa at nagtitipon para papurihan at pasalamatan ang Dios.

Mga nasa oras na 5:30 ng umaga ako gumising sa araw na iyon upang makapag luto ng maaga makapag-ayos na. Mga nasa oras na 7:00 ng umaga natapos na dij akong makapagluto ng agahan at agad ding naligo at nagbihis. Mga nasa oras na 7:30 na nang ako ay nakapag agahan na at ilang minuto lang din ay umalis na kami kasama ng isa sa aming youth na si Jicel at pinuntahan namin si Ptra. Jetma para magsabay na kami papunta sa aming Simbahan.

Mga nasa oras na 8:20 na iyon ng umaga ng kami ay nakarating sa aming Simbahan at pagdating namin ay nandoon na din ang iba pa naming mga kapatiran na nag-aayos at pagkatapos na makapag-ayos ay sinimulan na din namin ang aming programa dahil malapit na din namang mag 9:00 ng umaga.

Sa araw nga na ito ay ako ang naka assign na mag emcee, sinimulan namin ito ng mga pag-awit para sa Dios at ng opening prayer. Sinundan dij ito agad-agad ng mga pagpapatotoo o testimony ng ilang mga kapatiran namin. Mga nasa 4 o 5 lahat ang nagbahagi at napakagandang pakinggan ang mga testimony dahil nagpapatotoo ito kung gaano kabuti at kung ano ang nagawa ng Dios sa ating mga buhay.

Pagkatapos ng nga testimony ng ilan sa aming mga kapatiran ay ilang minuto din ay sinundan ito ng pagbasa ng Salita ng Dios o Scripture Reading na si Jicel ang naka assign at sinundan sin ito agad ng Praise and Worship at si Ptra @emzcas ang naka assign. Napaka ganda talaga sa pakiramdam na tayo ay makapagbigay papuri at pagsamba sa Dios dahil alam natin na ito ang kasayahan ng Dios na ang kanyang mga anak ay nakakaisa sa pasasalamat at pagsamba sa kanya.

IMG_20220529_101345_578~2.jpg

Mga nasa oras na 10:30 na ng umaga ng matapos ang Praise and Worship at sinundan ito agad ng pagbahagi ng mga Salita ng Dios na bagamat wala ngayon ang araw na ito ang aming Senior Pastor, meron naman siyang inatasan na magbahagi ng mga Salita ng Dios at ito ay ang kanyang pinakamamahal na ina at aking tiyahin na si Corazon o mas kilala sa tawag namin na Mamason.

Talagang napaka ganda ng ibinahagi na mga Salita ng Dios ng aming Speaker sa linggo ito dahil akmang akma sa aming lahay dahil ito ay nagpapa-alala sa amin na kailangang maging mapagpakumbaba tayo sa lahat ng panahon at magagawa natin ito sa tulong ng Dios. Marami man tayong mga nagagawang mali at minsan maraming mga discouragement na dumating sa atin, manatili lang mayong mapagpakumbaba at tayo ay itataas ng Dios. Ayon nga sa Salita ng Dios sa Mateo 23:12, "Ang nagmamataas ay ibababa, at ang nagpapakumbaba ay itataas.” Mga nasa oras na 11:20 na din ng matapos ang pagbahagi ng mga Salita ng aming Speaker sa araw na ito at mga nasa oras na 11:45 natapos na din ang aming Programa.

Sa Simbahan na din kami nagtanghalian dahil ang aking tiyahin ang laging nagdadala ng aming pagkain at kung ano man ang nakahain ay pinagsasalohan namin lahat. Pagsapit ng mga nasa oras na 2:00 ng hapon ay umuwi na rin kami sa aming mga bahay-bahay ng ligtas.

Pagsapit nga ng hapon ay nagutom ako bigla at dahil merong hinog na saging sa aming bahay, hinanda ko ito at pinirito kaya meron na akong masap na snack sa hapon na ito at busog na busog ako, salamat sa Dios.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

25% of the payout of this post goes to @null account

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  
 3 years ago 

lagi ko din na nilolook forward ang sunday dahil sa corporate worship

 3 years ago 
StatusRemark
Club status#club5050
#steemexclusive
Verified member
Not using bot
Word Count680 words
Plagiarism Free
Delegator

Luzon Mod,
@junebride

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.25
JST 0.038
BTC 96483.87
ETH 3356.14
USDT 1.00
SBD 3.20