The Diary Game Season 3 (05-02-2021) | Ang Ika-9 na Kaarawan ng aking Pamingkin na si Jeed Obed

in Steemit Philippines4 years ago

Isang Maganda At Mapagpalang Araw sa ating Lahat!!!

Ngayong araw ay araw na linggo at ngayong araw ay araw nang ating Panginoong Dios, kaya kami ay magsisimba. Ngayong araw din ay saktong sakto dahil nagkasabay sa araw nang kaarawan nang aking pamangkin na anak nang aming Pastor. Kaya para sa araw na ito, ibabahagi ko sa inyo ang mga kaganapan sa mula sa aming pagsimba sa Dios hanggang sa pagdiwang namin nang kaarawan nang aking pamangkin.

image.png

Ang araw kong ito ay nagsimula nang mga nasa oras na 4:00 nang umaga dahil maaga kaming magsisimula ngayon nang aming pag-simba dahil nga kaarawan nang aking pamangkin na anak nang aking Pastor. Pagkagising ko nga ay agad akong nagpasalamat sa Dios sa bagong araw na kanyang ibinigay. Pagkatapos ay agad din akong nagluto nang aming mga almosal sa araw na ito, mga nasa oras na 6:20 na din ako natapos sa pagluluto. Pagkatapos makapag luto ay naligo na rin ako at nagbihis, pagkatapos ay kumain na rin agad-agad. Mga nasa oras na 6:55 na ako natapos sa lahat nang aging gawain pati naka bihis, at ngayon ay naghintay na ako sa aming sasakyan papunta sa aming Simbahan.

image.png

Mga nasa oras 7:10 na nakarating ang aming sasakyan papunta sa aming Simbahan at mga nasa oras na 7:25 na kami nakarating. Sa pagdating namin ay wala gaanong mga tao pero agad na din kaming nagsimula habang hinihintay namin na makarating ang aming Pastor na nasa malayong lugar pa. Mga oras na 7:35 kami nagsimula at unti-unti na ring nakarating ang aming mga kapatiran at mga nasa oras na 8:30 nakarating narin ang aming Pastor kasama ang kanyang buong pamilya at lalong lalo na ang kanyang anak na nagdiwang nang kaarawan ngayon. Mga nasa 9:30 ay nagsimula ang aming mga pag-awit at papuri para sa Dios, hindi talaga ito mawawala sa aming mga pagsamba sa Dios. Mga nasa 10:00 nang umaga naman nagbahagi na nang mga salita nang Dios ang aming Pastor at ang kanyang ibinahagi ay talaga namang napakaganda dahil nagpapa-alala ito sa amin na maging totoo at manalig palagi sa Dios sa kabila nang mga nararanasang pandemya ngayon.

image.png

Mga nasa oras na 11:20 na natapos sa pagbahagi nang mga salita ang ming Pastor at medyo maaga nga kami natapos ngayong araw ngayon dahil magdidiwang pa kami nang kaarawan nang anak nang aming Pastor sa dagat. Pero bago natapos ang aming pagsamba sa araw na ito, tinawag muna namin ang lahat nang mga kasamahan namin na nagdiwang din nang kanilang mga kaarawan sa buong buwan nag Mayo at mga nasa higit sa sampu sila lahat ang nagpunta sa gitna at inalayan namin nang mga dasal ang bawat isa.

image.png

Nakarating naman kami sa dagat kung saan kami magdidiwang nang kaarawan nang aking pamangkin nang mga nasa oras na 11:50 na, pero kailangan pa naming magihaw nang mga isda pangdagdag sa mga inihandang pagkian sa araw na ito. Pinagtulongan namin ang pag-ihaw sa mga ito upang makapagsimula na kami nang pagkain dahil medyo tanghali na rin. Medyo hapon na nga natapos namin maihaw ang mga isda, mga nasa oras na 1:00 na siguro iyon nang hapon. Ngayon na natapos na sa wakas ang mga inihaw na mga isda, oras na upang maka kain ang lahat.

image.png

image.png

Bago naman kami magsimulang kumain lahat ay inalayaw muna namin nang dahal ang aking pamangkin sa pangunguna nang isa sa kasama naming Pastor na si Ptr. Carl. Doon ay nag declare kami nang magandang kinabukasan para sa kanya at maging mabuting anak sa akanyang magulang at sa lahat nang mga taong kanyang makasalamuha. Pagkatapos naming ma alayan nang dasal ang aking pamangkin ay oras na upang mag wish at mag-ihip nang kanyang mga cake. Isa nga sa mga cake na naroon ay galing sa akin bilang regalo ko sa kanya ngayong kaarawan niya.

image.png

image.png

Pagkatapos na pagkatapos din naming ma alayan nag dasal ang aking pamangkin ay oras na rin sa wakas na kiming lahat ay maka kain. Ang ilan nga sa mga naka handa sa kaarawan nang aking pamangkin ay Lechon baboy na inihanda nang kanyang mga Lolo at Lola, at maraming pang nakahandang pagkain. Sa kabila nang medyo marami kaming mga bisita ngayon, nagkasya naman ang lahat nang mga pagkain at meron pang natira, dahil meron pang iba na aming hinihintay.

image.png

Mga nasa oras na 2:30 na kami natapos sa aming pagkain at oras na upang magpahinga muna bago maligo sa dagat. Dahil nga sa sobrang init pa nang panahon, hindi pa kami naligo at hinintay pa namin na medyo hindi na mainit bago maligo. Mga nasa oras na 4:30 na iyon nang hapon nang napagpasyahan namin na maligo na dahil hindi na naman gaanong mainit. Kaya tinawag ko ang iba ko pang mga pinsan at kasama ang mga pamangkin ko na maligo na dahil hindi na gaaning mainit at hindi na rin gaanong malakas ang alon.

image.png

Talaga namang nakaka relax ang dagat habang kami ay naliligo at naglalangoy dito. Isa din sa napaka gandang tanawin sa araw na ito ay ang sunset o takip silim na kung saan ang araw ay makikitang mong mawawala at patungo sa gabi. Isang napaka gandang tanawin talaga, kaya bago kami umuwi sa aming mga bahay-bahay ay hinintay ko pa talaga na mag sunset upang makuhaan ito nang litrato at nagpapasalamat ako sa Dios para sa napakagandang tanawing ito. Mga nasa oras na 5:50 naman ay umuwi na kami sa aming mga bahay-bahay at sa pag-uwi ko nga ay talagang nakakapagod pero masaya.

Sa kabuoan ay talaga namang napaka ganda nang araw na ito dahil sa kabila nang mga napakaraming kaganapan sa mga araw na nagdaan nakapag relax na rin ako dahil araw nang kaarawan nang aking pamangkin ngayon kaya nasa dagat kami ngayon at talaga namang masayang masaya ang araw na ito.

At ito lamang ang aking maibabahaging #thediarygame para sa inyong lahat sa araw na ito at hanggang sa susunod na araw muli, paalam.

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. 😇🙏☝

Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator02, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.

Mabuhay ang Steemit Philippines Community
received_106774058057322.webp

Sort:  
 4 years ago 

Happy ndaybsa lahat ma May celebrant

 4 years ago 

Happy Birthday sa pamangkin mo, hang saya pag buong angkan ay magsamasama.

 4 years ago 

Happy birthday sa pamangkin mo kuya.. 😊😊

 4 years ago 

Masaya ang birthday, God bless everyone!

 4 years ago 

happy birthday sa isang pamangkin!

 4 years ago 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.24
JST 0.039
BTC 103186.34
ETH 3268.26
SBD 5.83