The Diary Game Season 3 (03-28-2021) | Pagsamba Namin Sa Dios At Pag Install Nang PLDT Internet Connection Sa Amin. 😊

in Steemit Philippines4 years ago

Isang Mapagpalang Araw sa Ating Lahat!!!

Isang magandang araw na naman ang nakalipas sa akin at sa ating lahat, sana ay tayong lahat ay nasa magandang kalagayan ngayon sa kabila nang patuloy na pagkakaroon nang pandemya dito sa Pilipinas.


20210330_173618.jpg


Kahapon ay ibinahagi ko ang aking #actofkindness na kung saan kami ay nagsagawa na naman nang feeding mission para sa mga bata. Ngayon naman ay ang aking Diary game na kung saan ibabahagi ko ang aming pagsamba sa Dios at pag install nang PLDT internet connection sa aming bahay.

Ngayong araw ay mga nasa 4:30 nang umaga ako gumising upang maaga akong makapag handa nang aming pagkain at mas maaga akong makapag bihis papunta nang aming simbahan. Mga nasa 6:15 nang umaga na ako natapos sa pagluluto at agad ding kumain at nagbihis para makapaghanda na sa pag alis.


IMG_20210328_105855~2.jpg


Pagsapit nang mga 7:00 nang umaga ay naka alis na kami sa aming lugar papunta nang aming simbahan at mga nasa 7:20 ay nakarating na rin kami at agad din kaming nagsimula sa aming programa ngayong araw na ito. Kahit na hindi pa dumating ang aming Pastor dahil nasa byahe pa sila ay nagsimula na rin kami para habang naghihintay sa kanila ay nakapag simula na kami. Mga nasa 8:40 nang umaga ay nakarating na rin sila.


IMG_20210328_113834~2.jpg


Mga ilang saglit matapos kaming makapag pasalamat at nagbigay papuri para sa Dios sa pamamagitan nang mga awit at sayaw agad agad ding sinundan nang pagbahagi nang salita nang Dios na sa araw na ito ay inatasan nang aming Pastor ang kanyang asawa na siyang magbahagi. Ang ibinahagi niya sa araw na ito ay patungkol sa pagiging matatag sa kabila nang mga problema sa tulong nang Dios lalong lalo na ngayong merong pandemya, paminsan misan naiisip natin na sumuko subalit nandiyan ang Dios na tutulong sa atin.

Mga nasa 11:45 nang umaga din kami natapos sa aming pagsamba sa Dios sa araw na ito at mga nasa 12:10 ay nakauwi na rin ako sa aming bahay. Pero noong mga nasa 1:15 nang hapon ay merong biglang tumawag sa akin at sila daw ay galing sa PLDT ang internet provider na ina applyan ko mga ilang araw na ang nakalipas. Tumawag sila dahil mag install na daw sila aa araw na ito at mga oras na 3:00 nang hapon sila darating.


IMG_20210328_151646.jpg

IMG_20210328_152358~2.jpg

IMG_20210328_154125~2.jpg

Mga bago mag 3:00 nang hapon nga ay dumating sila at agad agad na nag install nang aming internet connection. Mga ilang minuto din silang nag install dahil nasa malayo pa ang box na kung saan doon ikakabit ang connection. Mga nasa 3:35 nang hapon sila natapos at sa wakas ay meron na kaming internet connection sa aming bahay. Malaking tulong ito upang mas marami akong magagawa sa aking mga online na mga pinagkaka kitaan at marami pang iba. Noon kasi naka depende lang ako sa Mobile Data Connection na kung saan ito ay napaka hina at tuwing madaling araw lang malakas. Kaya nagpapasalamat ako sa Dios dahil dito.

Sa kabuoan ay talagang napaka ganda nang araw ko ngayon dahil sa araw ito nang Dios at sa wakas ay meron na kaming internet connection sa aming bahay. Talagang nagpapasalamat ako nang buong puso sa Dios.

At ito lamang ang aking maibabahaging #thediarygame para sa inyong lahat sa araw na ito at hanggang sa susunod na araw muli, paalam.

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. 😇🙏☝

Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator02, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.

Mabuhay ang Steemit Philippines Community
received_106774058057322.webp

Sort:  
 4 years ago 

Nice! Mabilis na internet! Congrats Mel sa mga achievements mo! Sobrang proud ako na Senior mo. More sipag pa at ang mga kasama sa bahay bigyan mo ng simple tasks like take photos etc. Ganern!

 4 years ago 

Salamat @fycee sa pag encourage...

 4 years ago 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.27
JST 0.044
BTC 102057.42
ETH 3678.91
SBD 2.61