The Diary Game Season 3 (03-06-2022) || Ang Pag Celebrate namin ng Ika-13 Taong Kaarawan ng isa sa aming Church's Youth!

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Isang Mapagpala at Maligayang Buhay sa ating lahat!!!

Bawat isa sa atin ay mayroong mga magaganda at medyo masamang nangyayari sa ating mga buhay pero ang lahat nang ito ay ibinigay sa atin upang magig matatag tayo sa ating mga buhay.

Para sa araw na ito, ibabahagi ko sa inyong lahat ang nangyari sa aking buhay nitong nakaraang araw na kung saan nagdiwang ng ika 13 taong kaarawan ang isa sa aming young people sa aming Simbahan, isa na namang napakasayang araw at memories para sa aming lahat lalong lalo na sa mga kasamahan naming mga kabataan.

Bilang isa nga sa mga Youth Leader and Youth Pastor sa aming Church, isa nga sa aking adhikain ang maging magkaisa kaming lahat ng nga kabataan namin at nagpapasalamat talaga ako kay Sir @dan.yap at @emzcas na nandyan lage upang makapag tulong tulong kami para sa lahat, na kahit na kung minsan hindi talaga maiiwas na meron kaming mga pagkukulang, alam namin na ginagawa lamang namin ito para sa Dios.

IMG_20220306_150453_638.jpg

Bago nga naganap ang aming simpling selebrasyon ng isa sa aming youth ay nasagawa mona kami ng aming lingohang gawain para sa mga Youth, at ito ay ang Discipleship Fellowship na pinangohanan ni Pastora @emzcas, ako at ni Sir @dan.yap.

Mga nasa oras na 2:00 ng hapon na iyong nangyari at salamat sa Dios dahil marami talaga kaming natutunan mula sa mga Salita ng Dios na ibinahagi ni Ptra. @emzcas na nagbahagi about Christian Maturity at marami pang iba. Kitang kita naman na marami talagang natutunan ang mga young people mula sa mga salita ng Dios.

Mga nasa oras na 4:00 hapon ay natapos na din ang aming gawain kaya nag ready na rin kami para umalis papunta sa lugar ng aming pagdadaosan ng simpling birthday celebration, na kahit sobrang lakas ng ulan mag mula pa noong umaga hanggang hapon ay nagpatuloy pa rin kami, at nagpapasalamat kami sa Dios dahil naging maayos naman ang lahat.

IMG_20220306_180750_556~2.jpg

Mga 4:30 ng hapon nga ay nakakuha na kami ng mga Badja na magiging sasakyan ng ilan sa aming mga youth dahil kami ni Sir @dan.yap naman ay mag momotor kahit na medyo malakas ang ulan ay naging safe naman kaming dalawa. Medyo naging abala din kami dahil bumili pa kami ng cake at marami pang iba na aming inasikaso kaya medyo natagalan talaga kami. Bagamat medyo natagalan kami ay ang mahalaga naman ay naging safe kami at nakarating ng maayos, salamat sa Dios.

Habang nandoon na nga kami ay abala naman ang ilan sa aming mga kasamang youth sa pagkukuha ng mga pictures habang kami ay abala naman sa pag oorder ng aming mga pagkain. Mabuti na rin ito upang hindi sila mainip sa paghihintay. Kitang kita din naman sa kanila na masaya sila dahil isa na namang selebrasyon ang magaganap at yong iba na hindi nakasali sa birthday celebration ni Ptra @emzcas noong nakaraang January ay nakasali na ngayon.

Ilang oras nga, mga nasa oras na 6:30 na iyon ng gabe ay dumating na din sa wakas ang mga na order naming mga pagkain excited na ang lahat na makakain dahil medyo gabi na rin. Pinangohanan naman ni Ptra @emzcas ang pag pray para sa Celebrant namin at pati na rin sa mga foods na nasa hapar namin. Pagkatapos din ay nagsalo-salo na din kaming lahat.

Masayang masaya nga kaming lahat habang nagsasalo-salo at masayang masaya ding makita na muli na naman kaming nagsama-sama sa bonding at iba pang mga gawain para sa Dios.

Bagamat pagkatapos ng aming simpling selebrasyon ay medyo nagkaproblema dahil hindi talaga huminto ang ulan, ang ilan sa aming mga youth ay nahirapan maka uwi kaya naging dahilan upang hindi na talaga sila naka uwi sa kanila mabuti na lang at meron silang pweding matuloyan na bahay, nagpasalamat talaga kami sa Dios dahil kinabukasan ay nakauwi na din sila ng safe. Meron din kaming mga pagkukulang din naman pero salamat sa Dios dahil naging maayos na din naman ang lahat.

Marami pa kaming mga plano sa mga susunod na mga activity namin at isa na nito ay ang pag celebrate namin ng mga kaarawan ng mga kasama naming kabataan kahit na simple lang, at itong lahat ay magagawa laman namin sa tulong ng Dios.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

Sort:  
 3 years ago 

ganahn man sab tag basa ani hehe..

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.17
JST 0.028
BTC 68641.27
ETH 2457.35
USDT 1.00
SBD 2.33