The Diary Game Season 3 (02-22-2022) || Ang Pagdiriwang namin ng Ika-60 na Taong Gulang ng Ina ni Sir @dan.yap

in Steemit Philippines3 years ago

Mabuhay at Maligayang Araw sa ating lahat!!!!

Sa bawat araw na nagdaan, patuloy din na ang Dios nagpapakita ng kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng walang sawang pagbibigay sa atin ng buhay at sa lahat ng ating mga pangangailangan sa araw-araw, kung kayat huwag nating kalimotang magpasalamat sa Kanya sa araw-araw na nagdaan.

Sa araw naman na ito ay ibabahagi ko sa inyong lahat ang nagdaang pagdiriwang namin ng Ika-60 na taong gulang ng Ina ng aking kaibigan at ang Youth President ng aming Church na si @dan.yap.

20220223_233656.jpg

Nitong araw na martes nga ay nagdiwang ng ika-60 kaarawan ang ina ng isa sa matalik kong kaibigan at ang Youth President ng aming Church na si Sir @dan.yap. Si @dan.yap ay kaka-invite ko lang dito sa Steemit at sa kasalukoyan ay unti-unti na niyang naintindihan ang mga kalakaran dito.

Bago nga nangyari ang pagdiriwang namin ng kaarawan ng ina ni @dan.yap ay kinontak na niya ako at sinabihan na imbetado ako sa pagdiriwang sa isang kilalang Restaurant dito sa aming lugar na may pangalan na Yahong, at talaga ngang pinaghandaan nila itong magkakapatid dahil dito talaga isinagawa ang pagdiriwang.

Kinabukasan nga ay naganap na rin ang pinakahihintay na kaarawan at mga nasa oras na 11:00 ng umaga ang sinabing oras na magpunta doon sa Restaurant at nakarating naman ako mga nasa 11:20 na pero sakto lang din dahil kakarating pa lang din naman nilang lahat at meron ding iba na hinihintay. Noong medyo na kompleto na ang lahat ay nag order na rin ng mga pagkain sila @dan.yap kasama ang kanyang mga nakakatandang kapatid. Siguro nasa mga higit sa 20 katao kaming lahat kaya medyo marami-rami din ang kanilang ini-order, pero dahil napaghandaan na nila ito, kaya wala ng problema at meron na din naman silang mga trabaho magkakapatid kaya pagdating sa financial ay wala na talagang problema at dahil din meron silang pagkakaisa, naging maayos na ang lahat, talagang napakabuti ng Dios sa kanilang pamilya at dahil din ito sa kanilang pananampalatay sa Dios.

Pagkatapos na ma order ang mga pagkain ay medyo matagal pa din ang hihintayin bago maluto at maihanda ang mga pagkain kaya habang naghihintay ay kinuha na din namin ito na pagkakataon upang makapag kuha ng mga litrato lalong lalo na sa nagdiriwang ng kaarawan. Habang kumuha ng mga larawan ay kitang kita naman sa mukha ng ina ni @dan.yap na masayang masaya ito sa isinagawang selebrasyon ng kanyang kaarawan at naging mas espesyal pa ito dahil opesyal ng kasama sa na mga Senior Citizen ang kanilang ina, at alam naman natin na maraming mga benepesyo ang mga Senior Citizen na at ang pagkakataon ng edad 60 ay talagang biyaya na nang Dios dahil hindi lahat ng tao ay naka-abot sa mga edad na ganyan.

Pagsapit ng mga nasa oras na 12:25 ay natapos na rin ang aming paghihitay dahil naluto na rin ang mga ini order na mga pagkain at oras na upang kunin ang mga ito at medyo marami nga ang mga ito. Bago kami kumain ay nagbahagi muna ng munting mensahi si Pastora @emzcas at nag-alay ng mga dasal sa nagdiriwang ng kaarawan at pagkatapos nito ay ako naman ang naka assign na magbigay ng panalangin para sa mga pagkain na nakahanda. Nagpapasalamat kami sa Dios sa lahat ng mga financial na nagamit dito at lalong na sa pagbibigay isa pang taon sa ina ni @dan.yap at sa mga marani oang taon na parating. Naging abala na nga kaming lahat sa pagkain at masasabi din naman namin masarap ang mga pagkain pero sa huli ay meron pa ring maraming natirang pagkain dahil nga sa medyo marami ang na order, pero mas mabuti na ang somubra kaysa sa makulang. Nagpapasalamat ako talaga sa Dios dahil busog na busog ako sa araw na ito at salamat din dahil na imbetahan ako dito.

Natapos kaming kumain ng mga nasa oras na 2:00 na iyon ng hapon pero dahil marami pang natira, nag stay muna kami doon ng mga ilang oras at habang nandoon pa kami ay nag-uusap usap muna kami tungkol sa Steemit dahil marami pa din silang mga tanong. Mas maganda yong laging magtatanong para malaman ko na interesado talaga na matuto at nang maituro ko ang dapat nilang malamat. Mga ilang oras lang din ay umuwi na din kami sa aming mga bahay-bahay ng maayos at masaya, salamat sa Dios.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

loloy2020.gif
Gif Footer Credits to @baa.steemit


received_106774058057322.webp

Footer credits to @kennyroy

Sort:  
 3 years ago 

Congratulations! This post has been upvoted through steemcurator08.

Curated By - @saracampero
Curation Team - Life and Humanity

 3 years ago 

Wow so sweet naman po. Maligayang kaarawan po sa kanya

 3 years ago 

Still in learning how to do this kind of format. Hehehhhh nice kaayo pagka plastar Pastor Mel.

 3 years ago 

Dali ra na Ptra...

 3 years ago 

Ay iba talaga HAHA welcome po pastor

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.17
JST 0.028
BTC 68641.27
ETH 2457.35
USDT 1.00
SBD 2.33