Steemit Philippines Photography Contest Week #4 (Moderator/Judge Entry) | Black and White Photography : Ang aming Pag-samba sa ating Buhay na Dios

in Steemit Philippines3 years ago

Isang mapayapa at mapagpalang araw sa ating lahat dito sa ating Steemit Philippines Community!!!

Nag-simula na nga ang panibagong linggo sa isa sa pinakahihintay na contest dito sa ating community, ang ating Photography contest na nasa ika-apat na linggo na ngayon at ang tema sa linggong ito ay "Black and White Photography".

Ngayon, bilang pagsuporta sa Photography contest natin ngayon, ibabahagi ko sa inyo ang aking entry bagamat hindi ito kasali sa pagpipilian dahil isa nga ako sa huhusga.

image.png

Bilang isang Kristiyano, isa nga sa pinakahihintay kong araw ay ang araw na kami ay magsamba at magpapasalamat sa Dios. Bagamat maraming mga pangyayari sa ating bansa ngayon lalong lalo na ang pandemya na patuloy pa rin nating nararanasan, hindi pa rin natin dapat kalimutan ang ating paniniwala at pananampalataya sa Dios.

Marahil sa ibang mga lugar ay walang mga face to face na pag-samba sa Dios pero meron din namang mga paraan na mapanatili natin ang ating pag-samba at pananampalataya sa Dios at ito ay sa pamamagitan nang online Church servie at marami pang ibang paraan. Nagpapasalamat lang din ako sa Dios dahil dito sa amin ay hindi gaanong strikto dahil nagagawa pa rin namin ang mga nakasanayan na naming ginagawa sa aming pag-samba pero kailangan pa rin namin panatilihin ang iba pang mga health protocol tulad nang social distancing at magsusuot nang facemask.

Ang inyong nakikita sa larawan ay noong nag altar call ang aming Pastor dahil nag challenge siya sa aming lahat na kung sino yong gustong ibahagi o e offer niya ang kanyang saril sa Dios tulad na lamang nang kanyang mga talents, resources at iba pa at marami nga ang nagpunta sa gitna at nag offer nang kanilang mga sarili. Alam natin na hindi madali na e offer natin ang ating sarili sa Dios lalong lalo na at mahina tayo pero sa tulong nang Dios ay magagawa natin itong lahat.

Isa lang naman ang gusto nang Dios sa bawat isa sa atin, at yon ay ang pananampalataya natin sa kanya at pag offer nang ating sarili sa kanya at kung uunahin natin siya bago ang lahat, tiyak na ibibigay nang Dios ang lahat nang ating pangangailangan hindi lang ngayon kundi sa umaabot na panahon.

Kung ano man ang ating kalagayan ngayon, magtiwala lang tayo sa Dios dahil ang Dios lang ang tunay na ating maaasahan sa lahat nang panahon at magbibigay sa lahat nang ating kinakailangan sa araw-araw.

Ayon nga sa kanta o palabas sa telebesyon, " Huwag Kang Mangamba, Hindi Ka Nag-iisa ". Hindi tayo nag-iisa dahil nandiyan ang Dios lagi nating kasama.

Hanggang dito lang po ko at salamat sa Dios sa lahat nang kanyang ginawa. Ininyayahan kong sumali sina @chishei2021, @olivia08, at @mae2020.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!!😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

loloy2020.gif
Gif Footer Credits to @baa.steemit


received_106774058057322.webp

Footer credits to @kennyroy

Sort:  
 3 years ago 

Salamat sa pag invite kaya gumawa na ako isa pa.

 3 years ago 

amen sir... mabuti at patuloy ang physical na church services.. ganun din sa amin...

 3 years ago 

Purihin si Lord sa labas man o sa loob ng bahay, napakagandang halimbawa po sir@loloy ,

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.20
JST 0.035
BTC 95037.22
ETH 3446.03
USDT 1.00
SBD 3.46