Sa Wakas! Opisyal ng Nag-simula ang Pasko dito sa aming Lungsod | Pasigaan Manticao 2021: Usbaw Manticao!!!

in Steemit Philippines3 years ago

Mabuhay at Maligayang Pasko!!!

Nitong nakaraang linggo nga ay naibahagi ko sa aking honoray entry sa ating minor featured contest ang pagbisita ko sa isang lungsod na nagpapakita ng mga magagandang tanawin at Christmas lights, at ito ay sa Lugait Christmas Lights and Decors at talaga namang naging masaya ang aming pagbisita doon. Kaya para sa pagkakataong ito, akin namang ibabahagi sa inyong lahat ang opisyal na pagsisimula ng Pasko dito mismo sa aming lungsod, ang lungsod ng Manticao na kung saan sinimulan na din ang pinakahihintay ng lahat na, Pasigaan Manticao 2021: Usbaw Manticao!!!.

image.png

Mga dalawang na ng binuksan ang Pasigaan o lingting of Christmas decors dito sa aming lungsod at nakakalungkot lang dahil hindi kami nakadalo noong unang araw talaga na kung saan merong mga Fireworks dahil nga sa meron akong lakad na mas importante pa kaysa sa dito, pero lubos ang aking saya dahil knabukasan ay inanyayahanan ako ng aking mga kaibigan na magpunta kami para ma witness namin talaga kung ano-anu ang mga Christmas Lights and Decors nila.

Pagdating na pagkatading nga namin ay bumungad sa amin ang mga magagandang mga tanawin at itong nasa gate na kung saan ay nag welcome sa lahat na merong sinasabi na, Malipayong Pasko na ang ibig sabihin ay Maligayang Pasko. Napakarami na ng tao pagdating namin mabuti na lang at mababait ang mga tao dahil sa tuwing nagkukuha kami ng mga larawan ay umiiwas sila at naghihintay sila kung tapos na kami.

Marami ngang mga decoration ang nandoon at meron din iba't ibang klaseng mga parol o Christmas Lantern na malalaki pero ang talagang nagustohan ko sa lahat ay ang kanilang Christmas Tree na napuno ng mga magagandang mga Chritmas Lights at mataas din ito bagamat mas mataas yong mga nakaraang taon pero maganda naman itong tingnan. Paran itong malaking Christmas Tree na ito ang mas nakakapagbigay saya at ningning dito at marahil sa bawat Pasko dahil dito mas nakikita natin ang creativity ng mga bawat lungsod sa paggawa ng mga ito, at pati na rin sa mga lights and decorations.

image.png

Mga halos isang oras nga kaming naglibot sa buong plaza at nakita na namin ang lahat nga mga ligths and decorations nila. Ang masasabi ko na lang ay maganda naman ang mga nagawa nila pero dahil siguro sa pandemya, medyo hindi gaanong magarbo ang mga decorations nila ngayon hindi katulad noong mga nagdaang tao, pero na fefeel pa rin din namin ang diwa at spirit ng Pasko. Kung aking e kompara naman sa kabilang lungsod na nabisita ko, masasabi kong mas maganda doon dahil may effort talaga dahil nga sa ginawa nilang contest, dito naman sa aming lungsod ay normal lang. Pero masaya pa rin ako sa kinalabasan dahilm maganda at nakaka relax ang pagbisita sa mga ganito, damang dama ang diwa ng Pasko.

Hanggang dito lang po ako at maraming salamat sa pagbasa at pagbisita sa aking post at hanggang sa susunod muli.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

loloy2020.gif
Gif Footer Credits to @baa.steemit


received_106774058057322.webp

Footer credits to @kennyroy

Sort:  
 3 years ago 

d na jud mapugngan sir, pasko na jud hephep🙂

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.25
JST 0.038
BTC 96989.50
ETH 3378.64
USDT 1.00
SBD 3.23