👉#burnsteem25 || The Diary Game Season 3 || Ang Matagumpay na First Team Building namin para sa mga Youth! 🎉🥳🥳

in Steemit Philippines2 years ago

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Isa sa pinakamasayang panahon ng isang tao ay ang kanyang kabataan o youth years dahil dito mas na dedevelop ang ating mga sarili at nadediscover ang mga talento ng bawat isa. Kung kaya nagpapasalamat ako sa Dios dahil sa matagumpay namin na team building para sa aming mga youth na kung saan isang paraan iti upang mas madevelop ang pagkatao ng bawat isa.

20220904_204109_0000.jpg

Matagal na ngang pinsplano naming mga youth leaders na makapagsagawa ng team building dahil hindi pa ito nagawa noon pa man para sa aming mga youth kung kaya nagpapasalamat ako sa aking mga kapwa youth leaders na sina Ptra.@emzcas at Sir @dan.yap dahil sa pagtutulongan namin upang maisagawa ito ng maayos.

Bago panga nangyari ang aming gagawing team building, abala na kami sa paghahanda mula sa mga gamit namin para sa mga laro na gagawin namin at para sa mga pagkain para sa aming pananghalian at marami pang iba. Medyo mahirap nga ang aming paghahanda dahil kakatapos lang din ng aming Church Anniversary at medyo pagod na kami pero salamat sa Dios dahil binigyan Niya kami ng lakas upang magawa namin ang dapat naming gawin.

photocollage_202294221750760.jpg

Mga nasa oras nga na mga 8:00 ng umaga nandoon na kami sa Venue para makapag handa at maayos ang lahat, kailangan din namin na mas maaga para hindi makapasok ang agad ang mga youth sa venue dahil hindi nila dapat malaman kung ano ang meron sa loob. Mga 10:00 na nakarating at na kompleto ang lahat ng mga youth, medyo natagalan dahil nasa malayo pa sila at medyi destansya ang venue ng aming team building.

Ang una nga naming team building activity ay ang "Blindfold Challenge" na kung saan nag group sila ng tatlo sa pamamagitan ng paghahanap ng kapareho nilang hayop at magagawa lang nila ito kung gagayahin nila ang sounds ng mga hayop na iyon. Ngayong na kompleto na kada group oras na upang maka pasok sila sa venue sa pag follow nila sa instructions ng kanilang leader. Ang tanging paraan upang matapus nila ang activity na ito ay kung e follow nila ng maayos ang kung ano ang sasabihin ng kaning facilator dahil meron mga obstacles at iba't ibang mga mahihirao na kanilang dadaan. Habang nasa daan nga sila minsan kung hindi sila makikinig ng maayos, meron talagang mangyayari tulad na lamang ng matagalan sila o kaya ay mababangga kung saan-saan, pero kahit meron mga nangyari ay natapos parin nila ang kanilang unang activity ng maayos at kitang kita ang saya sa lahat ng mga nangyari.

Ngayon dahil medyi tanghali na din at gutom na ang lahat, oras na ng aming pananghalian at nagpapasalamat talaga kami sa aming mga WM at MM members kasama na ang aming Senior Pastor, Ptr. @dodzz dahil sa pagsuporta. Sila na mismo ang nag luto at naghanda ng aming pananghalian dahil hindi na din naman kaya na kami pa ang magluto. Para mas maging masaya nga ang aming pananghalian ay ginawa namin ito boodle fight o mas kilalala sa amin na bodol-bodol. Mas masaya nga ito dahil sabay sabay kaming lahat dito at mas nagka bonding ang lahat.

Pagkatapos naming makapagpananghalian ay nagpahinga muna kami konti dahil nga sa busog na busog kaming lahat. Ilang saglit lang mga nasa oras na 1:00 ay tinawag na namin ang lahat ng mga youth para sa ikalawang bahagi ng aming team building na kung saan daan ang lahat sa iba't ibang mga challenges at ito ay by group pa rin,ito ay tinatawag na "Amazing Race". Ang una nga ay ang pag gapang nila sa lupa na kailangan hindi nila hawakan ang lubid, at dito pa lang ay grabe ang saya ng mga pangyayari. Sinundan ito ng Sack Race at mas naging mas masaya dahil merong isang asa na sumali sa laro, grabe talaga ang tawa namin sa aso. Mga ilang laro din ang ginawa ng mga youth tulad ng sa Ballon na kailangan talaga ang unity, pass the egg at ang individual game na question and answer na kung mali ang sagit kailangang ilagay ang mukha sa harina at marami nga sa kanila ang mali at nalagay sa harina ang mukha.

photocollage_202294225428227.jpg

Mga 3:00 ng hapon natapos ang lahat ng mga laro para sa aming team building at kitang kita naman sa mga mukha ng mga youth na masaya sila at base nga sa mga sinabi nala na masayang masaya sila dahil sa wakas nakapagsagawa na kami ng team building. Ngayon oras na para makaligo ang lahat sa dagat at habang naliligo ang iba sa dagat ay abala naman kami sa oag kuha ng mga lawaran bilang remembrance ng aming first team building. Isang napakagandang pagkakataon talaga ito upang makapag bonding kaming lahat at mas makilala namin ang aming mga youth.

IMG_20220829_130916_882~2.jpg

Bilang panghuli nga ay pinagsalohan naming lahat ang cake na aming binili para sa event na ito at salamat sa Dios dahil naka kain naman kaming lahat nito. Pagkatapos nga ng lahat ay oras na din upang maka uwi ang lahat mga nasa oras na 5:30 na din iyon at talagang nagpapasalamat kami sa Dios dahil naging maayos at matagumpay ang aming first team building at plano naming magsagawa uli sa susunod na pagkakataon.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  
 2 years ago 

Kita kaayo sa mga photos na nag enjoy gyud ang mga Youth. Cheers to more team building activities like this in the future Mel!

 2 years ago 

Glory to God Pastor!

Your article has been supported with a 40% upvote by @irawandedy from Team 2 of the community curator program. We encourage you to keep producing quality content on Steem to enjoy more support from us and a likely spot in our weekly top 5.

20220902_095909_0000.png

 2 years ago 

Nice inyo church pastor kay very active kaau, daghan activities

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.20
JST 0.034
BTC 98129.50
ETH 3322.67
USDT 1.00
SBD 3.05