👉#burnsteem25 || The Diary Game Season 3 || Ang Aming 17th Church Anniversary Celebration na may temang "Exceeding Grace of a Great Harvest."
Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!
Isang napakaganda ang masaya nanamang kaganapan ang nangyari sa aking buhay dahil sa isa na namang karagdagang taon ng masagana at matiwasay na selebrasyon ng aming Church na ngayon ay nasa ika 17 na taon na.
Lubos na pasasalamat at saya talaga ang aking nararamdaman sa selebrasyon namin sa taong ito dahil aking maalala na noong nakaraang taon ay hindi ako nakadalu dahil nga sa na Ospital ako dahil sa aking sakit, pero papuri't pagsamba sa Dios lamang ang lahat dahil sa taong ito sa wakas ay nakadalo na rin ako na masaya at malakas.
Bago pa naganap ang aming Church Anniversary, kinagabihan pa lang ay abalang abala na kaming lahat sa paghahanda mula sa decorations namin hanggang sa iba pang kailangang gawin at pag practice para sa praise and worship.
Hanggang sa mga nasa oras na 9:00 umaga naganap na nga ang aming Church Anniversary at tema nga namin ay "Exceeding Grace of a Great Harvest." Sinimulan ito ng opening prayer at sinundan agad ng aming opening salvo na kung saan sumayaw ang bawat department ng aming Church mula sa Children, Youth Alive, Men's Ministry at Women's Ministry.
Pagkatapos ng opening prayer ay sinundan din ito ng opening remaks ng aming Senior Pastor na si Pastor @dodzz para sa pag welcome sa lahat ng dumalo sa aming selebrasyon. Pagkatapos na ma welcome ang lahat ay sinundan ito ng short Church History na pinangunahan ng isa sa mga pinaka unang membro ng aming Church na mula pa noong nagsimula ito ay nandyan na siya at doon naibahagi niya ang mga pangyayari noon na kahit maraming mga pagsubok ay nagpatuloy pa rin hanggang ngayon.
Mga nasa oras na 10:00 ng umaga ay sinundan din ito ng Praise and Worship sa pangunguna ng aming Praise and Worship leader na si Ptra. @emzcas kasama kaming apat na back up singer. Dito ay pinapasalamatan namin ang Dios sa lahat ng kanyang ginawa sa pamamagitan ng mga awit at mga sayaw, mga papuri't pagsamba at itong lahat ay para sa kaluwalhatian lamang ng Dios.
Ngayon naman pagkatapos ng Praise and Worship, nandito na sa isa sa pinakahihintay at sentro ng selebrasyong ito, ang pagbahagi ng mga Salita ng Dios at dahil special ang selebrasyon ito, meron kaming bisata na isa sa mga leader ng aming section at ito ay si Ptra. Lucita A. Gumahad. Ang nag introduce sa kanya ay ang isa sa aming youth leader na si madam En2x.
Sa pagbahagi ng aming Speaker ay ipinaliwanag niya ay kung ano ibig sabihin ng aming tema ngayon, na "Exceeding Grace of a Great Harvest". Talaga namang napaka ganda ng mga Salita ng Dios at akmang akma sa selebrasyon namin dahil sa naguumapaw na biyaya ng Dios, makakamit talaga natin ang kasaganahan.
Mga nasa oras na 11:50 na natapos ang pagbahagi ng aming Speaker at salamat talaga sa mga Salita ng Dios dahil na busog kami hindi sa physical kundi sa spiritual. Ngayon naman ay nagbahagi ng sayaw ang aming mga magaganda at masisipag mmna mga Ina, ang aming Women's Ministry Department.
Ngayon naman bago matapos ang aming Church Anniversary ay meron ding ginawang Child Dedication na kung saan merong dalawang bata ang e dedicate sa Panginoon. Isa nga sa mga batang ito ay kinuha akong maging isang ninong at nagpapasalamat ako dahil kinuha akong maging ninong dahil nakita nila na meron akong magandang maibahagi sa kanilang anak.
Ngayon naman nandito na tayo sa exciting part dahil ang isang selebrasyon ay hindi maging kompleto kung walang mga pagkain at dahil medyo natagalan at gutom na rin ang lahat, oras na ng aming pananghalian.
Talaga labis na galak at saya ang aming nararamdaman dahil naging matagumpay ang aming 17th Church Anniversary Celebration kahil na merong mga abirya sa preparation pa lang at sa financial pero talagang napaka buti ng Dios dahil alam namin na e provide niyang lahat ng aming mga pangangailangan.
Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝
Mabuhay ang Steemit Philippines Community
@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter
Glory to God salamat sa mga sacrifices and financial support Ptr Romel @loloy2020
Congratulations Mel sa success ng celebration ng anniversary ng inyong simabahan. Nagpaid off ang lahat ng preparations ninyo.
greetings @me2selah correct the club you belong to @loloy2020 #club75
Good day! Yes @loloy2020 belongs to club75. The chart just indicated atleast club5050 and a check mark. It means he is a club member but did not specify which one.