The Diary Game Season 3 (October 20, 2021) | Ang pagligo sa dagat sa ilalim ng mainit na araw

in Steemit Philippines3 years ago

Greetings sa lahat ng kapwa ko pinoy at sa lahat ng miyembro ng Steemit! Sana po ay nasa mabuting kalagayan, ligtas at masaya ang lahat.

20% goes to @steemitphcurator

CollageMaker_20211021_151721338.jpg

Ngayon po ay ibabahagi ko sa inyo ang naganap na pagligo namin sa dagat. Ang pamilya po ng aking girlfriend ang kasama ko, na isang biglaang imbitasyon lamang dahil sa biglaang pag-anyaya ng kanyang pamilya.

PSX_20211021_150837.jpg

Pasado alas-siyete(7) pagkatapos ko magkape at tumulong sa gawain ay biglaan lamang itong tumawag at nagtanong kung sasama ba ako sa pagligo nila ng kanyang pamilya sa dagat na matatagpuan sa Marigondon, Lapu-Lapu City, Cebu. Agad akong nagreply na sasama ako at matagal-tagal na rin akong hindi nakapunta sa dagat simula ng nagkapandemya at para na rin makapagrelax at mag-enjoy bilang premyo sa aking sarili.

Di maililihim na mataas na ang sikat ng araw nang makarating kami sa Marigondon Beach at eksaktong walang masyadong tao kaya agad kami nakahanap ng cottage na nasa 300.00 (5.90$) ang presyo at dahil medyo mahilig tayo tumahod ay bumaba ito sa 200.00 (3.93$). Pagkatapos ay agad naming nai-puwesto ang mga gamit at naghanda para sa mga lulutuin.

PSX_20211021_150706.jpg

Inihanda muna namin ang paglulutuan ng inihaw at sinimulan ng sindihan upang ang uling ay nagbabaga na at ready na para sa mga iihawin naming pagkain.

CollageMaker_20211021_151133221.jpg

CollageMaker_20211021_151243153.jpg

Sila naman ang naghanda ng mga ihawin.

Pano inihanda?

Una nilinis muna ang isda at baboy. Pagkatapos ay naghiwa sila ng mga lamasin para ilagay sa tiyan ng isda at sa sauce. Sunod ay binuhuran ang mga ito ng pampalasa gaya ng asin at bitsin. Binabad muna ito ng ilang minuto para mas malasa.

IMG_20211019_095027.jpg

IMG_20211019_094957.jpg

Ito na ang inihaw at may pa-usok effect pa yan haha.

IMG_20211019_095854.jpg

Habang kami ay busy sa pag-iihaw ang mga batang ito naman sa sobrang excited ay di na nagpapigil sa pagtampisaw sa dagat at naglalaro sa puting buhangin at malinaw na karagatan.

PSX_20211021_161228.jpg

Makalipas ang ilang oras ay luto na ang lahat ng inihaw namin. Inilabas na ang baon naming kanin at nagsalo-salo na kami sa pagkain at syempre bago kumain ay nagpasalamat muna kami sa Panginoon sa biyayang ito. Ang sarap ng salo-salong ito lalo na't ang sarap at ang presko ng hangin sa tabing dagat na dinagdagan ng Emperador light.

Pagkatapos kumain ay agad na kaming naligo sa dagat sa ilalim ng mainit na araw na di naman naging hadlang upang kami ay mag-enjoy at paulit-ulit na lumangoy hanggang sa kami ay napagod na at nagdesisyon na umuwi na upang makapagpahinga.

Hanggang dito na lamang po at aking iniimbitahan sina @sweetspicy, @jes88 at @jufranketchup na magbahagi din ng kanilang diary game.

Maraming salamat po at God Bless po sa ating lahat!

Mabuhay Steemit Philippines!

Kind regards,
@lealtafaith

Sort:  
 3 years ago 

Greetings to you @lealtafaith,
I am inviting you to join the #club5050 -Philippines, For more information please read the link below.

62FC498B-BAA5-4700-89E7-04595A82E6DA.jpeg

https://steemit.com/hive-169461/@juichi/how-to-get-a-membership-badge-of-club5050-philippines

Thank you..🙏

 3 years ago 

Thank you so much sir, I will check it out

 3 years ago 

Sana all maka padagat na..

 3 years ago 

haha basta weekdays maam kay mingaw mao nakalugar

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.20
JST 0.035
BTC 91855.57
ETH 3115.84
USDT 1.00
SBD 3.14