"CHRISTMAS GIVING: What Do You Want to Receive or Give This Christmas Season?" by @kyrie1234

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

20% of the payout of this post goes to @steemitphcurator!

Maayong adlaw mga ambungan ug abtik na mga steemians.

Isang napakalakas na hangin at ulan ang sumalubong sa atin lalong-lalo na sa naapektuhan sa bagyong odette. Ang tanging dasal ko lang ay whatever na mangyayari, sana ay gabayan at bigyan tayo ng lakas ng Panginoon. Sa amin bandang alas10 ng gabi daw maglalandfall ito at nasa signal #3 na kami. Peru ako ay naniniwala sa mga pangako ng Panginoon na hindi nya tayo iiwan ano mang kalamidad ang ating mararanasanasan.

Pero ang bagyo na ito ay hindi magiging balakid sa pagsaulog natin ng Bagong Taon. At walong tulog na lang at pasko na. At saktong-sakto ang pacontest na ginawa ng Steemit Philippines na kung saan aming ibahagi kung ano ang nais naming matanggap o planong ibigay ngayong darating na pasko.

Naging traditional na sa ating mga pinoy na namimigay tuwing pasko, 'ika nga, na ang pasko ay "Araw ng Pagbibigayan" pero mga kaibigan hindi lang sa pasko tayo magbibigayan kundi dapat araw-araw. Not necessary na pera o gamit ang ibibigay natin pero ang dasal, advises at tulong ay isang napakalaking bagay din.

At ngayong pasko na ito, ang munting hiling ko lang sa maykapal ay malusog na pangangatawan sa buong pamilya at sa ating lahat at hiling ko rin na madaling makabangon ang mga nasalanta sa bagyo.

28BED5A5-C6AA-42C5-8412-69D3F0ACB8D7.jpeg

At ito naman ang plano kong ibigay sa mga nagtatrabaho ng aming munting kubo. Last October 28, 2021 pinasimulan na namin ang aming planong bahay at may apat na trabahante kaming masisipag at mabilis ang kilos.

95B15C1F-2DAE-40D8-AD2D-827DB6DFDA82.jpeg

Ulan at masakit na init ng araw ang kanilang nararanasan matapos lang ang aming bahay. Kaya nais kong handogan at bigyan sila ng bigas at pangspaghetti para sa kanilang pamilya ngayong darating na pasko. Sila pala ay taga-Barili medyo malayo sa amin, nakilala sila ng kapatid ko at sabi nya ay magagaling at maaasahan ang mga ito. Dahil sa layo ng kanilang bahay, kinakailangan na every saturday lang sila uuwi, kaya tuwing gabi natutulog sila na wala ang kanilang pamilya sa kanilang tabi. Nakakalungkot lang isipin na kailangan nilang mawalay sa kanilang pamilya para lang magtrabaho at magkapera. Narinig ko na rin ang mga malulungkot na storya ng buhay nila kaya ko naisip ang handog na ibibigay ko sa kanila.

4E384A48-C4E6-4E98-AFE2-B1E7DBA934B5.jpeg

Nais ko ring bigyan ng munting handog ang mga taong tumangkilik sa aking maliit na icecream business. Sila ay naging mga suki ko at naging reseller ko na rin at nag-oorder twice a week. Sobrang laking tulong talaga nila sa aking negosyo kaya nais kong ibalik ang tulong at suporta na ipinakita nila sa akin.

Sabi nga ni Lord, "Give and it will come back to you a million times". Kaya, ugaliin nating ibahagi ang grasya na ipinagkaloob ng Diyos sa atin nang sa ganuy maraming tao ang may ngiti sa labi.

At hanggang dyan lang po. Akoy nagpapasalamat ni mam @abby0207 sa pag-imbita sa akin sa contest na to. At inaanyayahan ko rin sina @bisayakalog, @steemitcebu at @natz na lumahok sa nasabing contest.

Maraming salamat po at stay safe po tayo kasi parang nagsisimula na si Bagyong Odette dito sa Lapu-Lapu.

Nagmamahal,

@kyrie1234

813BB96C-9DD6-4C41-98E1-B6A21CC4A254.jpeg


74734236-8722-406F-900B-2A3A62698938.jpeg

Sort:  
 3 years ago 

Napakagandang pamilya.

 3 years ago 

salamat ng marami kaibigan

 3 years ago 

grabe ha, "babalik talaga a million times"... ma pressure ko ani ba,😁

 3 years ago 

o dai, panghatag na ako una haha

 3 years ago 

Judge: @juichi

Criteria for judgingRate 0-10
1. Relevance to the theme.9.8
2. Creativity.9.9
3. Technique.9.8
4. Overall impact.9.9
5. Story quality.9.8
Total Rating9.84

Merry Christmas maam, hapit naman diay ta magka silingan.🙂

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.20
JST 0.036
BTC 93990.77
ETH 3431.89
USDT 1.00
SBD 3.97