Burnsteem25, The Diary Game Season 3, 11/27/22, Papaya Ice Cream

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

Kumusta Ka Steemians,

Ngayong araw na ito, stay at home lang kami ni hubby, napagod sa biyahe namin kahapon pumunta kasi kami ng Lapu-lapu City. Simulang madaanan na ang CCLEX doon kami lagi dumadaan. Pero kahapon doon kami dumaan sa Mandaue City dahil gusto lang makita ng anak ko yong lawak ng nasunog na mga kabahayan. Okey kami dahil curious din kaming makita ang lugar. Ng dumaan kami sa 1st bridge na nagdugtong ng Mandaue City at Lapu-lapu City, naku kawawa pala yong sa ibaba pala ng bridge na tabing dagat wipe out ang kabahayan. Kitang kita nasa taas kami ng bridge. Naawa ako sa mga nasunugan kasi relate ako sa nangyari sa kanila na ubos lahat ng gamit at buong bahay. Naka experience na kasi kami nyang sunog ubos lahat yong damit mo na lang sa katawan ang naiwan. Hays aywan lang kung saan nag umpisa ang sunog kaya.

Kaya mga 8:30 na ng umaga ng ako'y gumising. Super init na sa labas. Una kong pinuntahan ang anak ko sa kabilang bahay dahil simula kagabi walang internet connection ang PLDT pocket wifi, ang anak ko taga ayos. Ginising ko siya. Pag alis ko napalingon ako sa garden sa likod ng bahay ng anak ko dahil hinog na ang papaya. Buti may dala akong tungkod yong pinangsungkit ko. Hinog na hinog na buti na lang di naman naano pag ka hulog sa lupa.

inbound7475932290654806860.jpg

At meron pa pala sa may fence.

inbound5030071183388892392.jpg

inbound5720247186787250905.jpg

Tuwang tuwa ako dahil madami akong naharvest kaya naka isip ako agad na gumawa ng Papaya Ice Cream.

Hiniwa ko sila agad at kinuskos.

inbound3285891334929278556.jpg

inbound858198205514084843.jpg

inbound1086933201124074400.jpg

Timing may stock pa akong nestle cream dalawa binuksan ko

inbound6800690196890048506.jpg

Gi melt ko ang butter

inbound4146515080395227026.jpg

Madami din akong stock ng equal gold yong 0.8g lang isang sachet di gaanong matamis

inbound133154504537492952.jpg

Anim na sachet lang ginamit ko kasi super tamis na ng papaya.

inbound876710379361389557.jpg

Pag melt ng butter hinalo ko ang nestle cream at equal gold. Ng malapot na pinalamig ko sandali saka nilagay ang papaya at hinalo ng hinalo. Nilagay ko sa plastic na baso at nilagay sa freezer. Hayon pag ka tapos ng tatlong oras kahit di pa naging yelo ang papaya ice cream tinikman ko na agad ahh. Hang sarap! Bandang mga alas dose ng hapon kuha nanaman ako. Wow, ice cream na siya.

inbound4379873941406300250.jpg

inbound9000528997634790690.jpg

Kasarap! Hahaha yong malamig na malamig na talaga. Actually konti lang kinain ko at ni hubby kasi ang papaya at super tamis no no siya sa low carb diet. Kaya lang nag cheat day kami. Yong iba binigyan ko yong kapitbahay ko. Yong tumutulong sa akin pag mag problema ako sa cellphone ko gaya ng pag pag install ko ng google drive kasi super puno na ang gallery ko nag hahang na ang cellphone.

Sana'y nagustuhan ninyo ang papaya ice cream ko. Ang 25% pala ng payout sa post na ito ay para kay @null.

Iniimbitahan ko di sina @aideleijoie @jewel1989 @adajamaima na lumahok din sa diarygame.

Maraming salamat sa pag basa,

@jurich60

Sort:  

You must use force to get votes from us. at least you joined club5050

 2 years ago 

Mommy ang sarap, eto namimiss ko na gawa mo. Dati may Marie pang kasama pero now bawal na dahil carbs ang Marie. Grabe mukhang ang tamis ng papaya. Pero actually ang papaya is a no no sa low carb diet. Haha. Sige lang okay naman magdirty low carb paminsan minsan. Sympre satisfy your cravings din naman para happy ang life.

 2 years ago 

Oo nga eh, thanks for dropping by...

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.20
JST 0.034
BTC 91713.09
ETH 3128.30
USDT 1.00
SBD 3.18