Burnsteem25 - October 12 of, 2022 - Diary Game Season 3 - "Prairie No More"
Hello Steemians,
Kumusta kayong lahat, sana ay okey lang ang ating buhay sa araw-araw. Salamat at nakapagsulat akong muli dito dahil na rin sa pag imbita sa akin ni @manticao
Noong inalok ng kaibigan ko ang property na ito wayback 2020, na kasagsagan ng Covid pandemic noon, na in love ako kaagad after ng aming property tripping. Dahil little prairie talaga ang dating.
Hang daming butterfly nag siliparan na
madaming kulay, ang dragonfly, ang mga grasshoppers tuwang tuwa nag silundangan. At mga ibon kay raming nagsiliparan at yong iba ay gumawa ng bahay nila sa malalaking puno.
No baha dahil hillside at wala pang nag bahay
Kaya kahit super layo sa Cebu City itong Carcar City gi convince ko si hubby na bilhin na ang lupa at doon na kami manirahan, para iwas na din monthly rentals. At na convince ko siya. Kahit hang layo ng sakayan mga almost 1 kilometer para maka sakay ng tricycle. Excercise na din para sa akin.
Pinabilisan ang construction ng bahay na isang palapag lang ngunit nilagyan ng roof deck, kinopya ko ang disenyon sa YouTube.
Mga isang buwan lang at kalahati tapos na ang little house in the prairie. Doon ako lalong humanga sa lugar na ito dahil kitang kita ang kalangitan at lalo na pag dating ng takip silim or golden hour kitang kita sa roof deck.
Kaya hang dami kong picture ng golden hour o sunset. Tapos makita mo mga kambing na pinapastol doon dahil sa kadami nilang makain.
Ito ay na enjoy namin noong 2020 ngunit ngayon iba na ang situation. Madami ng bumili ng lote at binahayan na nila. Inumpisahan ng Globe tower sa entrada ng aming lugar. Ngayon may nagpatayo ng bahay sa harap at likod mga 120 meters lang ang layo galing sa amin.
Sa gilid namin ito yong noon.
Sa kasalukuyan may magkasabay gumawa ng bahay at sa harap ng gate namin.
Ito yong noon, naabutan ko pang may carabao na tinatali sa ilalim ng mangga.
Pero noong Bagyong Odette natumba ang malaking puno ng mangga at ngayon may malaking bahay na ng isang German ang asawa.
Sa gabi napaka gandang tanawin dahil pinalibutan nila ng mga ilaw Mansion ang dating ng bahay nila.
May bago nanaman nagtayo ng bahay.
Noong katapusan ng September sa kanan gilid namin sa hillside may naglinis ng lupa at nalaman namin magpatayo ng bahay din.
Bale, ang nag tayo nga bahay sa paligid ay lima. Ako'y nalungkot dahil unti unti ng napuno ng bahay ang kapaligiran na dati kay gandang pagmasdan ang luntiang tanawin. Kaya prairie gone. Pawala ng pawala ang mga parang. Darating ang araw mapuno na ng bahay dito sa amin kami ay matabunan na dahil kami ang nasa dulo. Sisikip ang daanan, mahirapan ng dumaan ang aming sasakyan. Kaya nagplano kami para sa hinaharap malamang ibenta namin ito at bumili ng lupa malapit sa dagat dahil yan ang pangarap ko noon pa man, ipagkaloob.
20% ng post na ito ay para kay @steemitphcurator
Inanyayahan ko si @aideleijoie @adajamaima @jewel1989 magsulat muli dito sa Diary Game.
Salamat sa pagbasa,
@jurich60
Nakakalungkot nga naman na unti unti ng nawawala ang kalikasan dahil sa mga tao. Kay ganda pagmasda ng luntiang parang nakakakaagan sa pakiramdam at nagbibigay kasiyahan lalo kapag ikaw ay may pinagdadaanan sila ang nagsisilbing gamot dahil sila ang nagpapaalala sa atin na mahal tayo ng Panginoon at hindi tayo nagiisa.
Siguro ilang taon pa mula ngayong 2022 puno na ng bahay dyan sa lugar ninyo Ymmom.
Ipagkaloob makabili kayo ng lupa na malapit sa dalampasigan para makatulong din pang therapy ni Addy. Ihingi mo yan sa panginoon at ibibigay nya.
Oo nga manifesting a beach lot...
Done Mother dear! Done!!! Wish granted, hanap kana ng property!☺️😊😍🥰
Yeah we are looking for a beach lot.
Ilang taon pa at SEMENTADONG GUBAT na ang kapaligiran na yan. Nasasayangan ako sa mga ganitong tanawin kapag nagahasa na ng mga developer. Sana ipreserve ang mga puno sa paligid para manatili ang ganda
Oo nga eh, puro na ito bahay soon, thanks for dropping by Sis.
You are welcome. I missed writing and I also missed the countryside atmosphere. God bless.
ang ganda ng place sis, parang ang lamig dahil green na green... ang dami sigurong na attrack no kaya tumira din dyan.
Oo Sis kasi walang baha di gaya sa bayan at mababang lugar binabaha sila tuwing malakas ang ulan.
nakakalungkot Ate ano? pero ganun talaga, nagbabago ang paligid. lalo na ngayon dumadami na mga tao.
Truth Sis yan yong accept the unaccepted
Ang ganda naman ng mga lugar ang pinuntahan nyo ate. Napakalaki ng pagbabago dyan sa lugar ate.
Oo nice talaga ang area pero naku soon puno na ng bahay.
Hindi na mga kahoy ang makikita dyan ate..
Ten years from now, Makikita mo na Lang na puno na ang Lugar na Yan ..
Oo Sis as in, dami ng nag papatayo ng bahay.
Do not use the #burnsteem25 tag if you have not set 25% of your post payout to @null.
Oh sorry Sir, yes I will not do it again.