My Verification post: @julietpunay17/ Visayas/ September 06, 2021

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

IMG20210906105435.jpg
Hi steemians! I am Juliet Punay and my username is @julietpunay17 , I'm 18years old from Cebu City, Philippines. Ang pangalan po ng mga magulang ko ay sina Celinda Punay at Reynaldo Punay, yung mama ko ay isang housewife at ang papa ko ay huminto na sa pagtatrabaho dahil sa karamdaman. Kami po ay apat na magkakapatid at ako po yung bunso, at ang pangananay naman namin sa magkapatid ay si @reycel bago lang din siya sa steemit , at yung pangalawa ay si @mariarosa27, membro din ng steemit at meron pa kaming isang kapatid na ang pangalan ay si Juliessa. Sobrang nagpapasalamat ako sa aking kapatid na si @mariarosa27 for inviting me in this platform and I would love to share quality content in here.

"Ito po yung mama, papa at mga kapatid ko"

Screenshot_2021-09-06-00-57-55-40.jpg

Ako po ay isang batang ina na may isang anak na ang pangalan nya ay si Abrianna Marie, siya ay 1year and 8months ngayon. Naging batang ina dahil ako ay isang pasaway na bata. Nabuntis ako nung ako ay 15years old at nanganak ako nung ako ay 16years old. Sumama ako sa mga tropa ko na halos sila yung pinili ko kesa sa pamilya ko. Ang pinakamalaking panghihinayang ko na mapagtanto noon ay yung pagiging pasaway, kung pwede lang sana ibalik yung oras na yon at mababago ko ang lahat na nagawa kung masama noon, gagawin ko.

"Ito naman yung small Family namin"😍

IMG_20210906_005514.jpg

FB_IMG_1630860402143.jpg

Kahit ako ay isang batang ina gagawin ko parin yung lahat para sa anak ko. Hindi man ako mabuting anak sa mga magulang ko, pangako maging mabuti akung ina sa aking anak. Yung anak ko po yung dahilan kung bakit nabago yung buhay ko.

"At ito naman yung lakas ko"

received_532017841391075.webp

PAG-AARAL:

At dahil ako ay pasaway,hindi ako nakatapos ng aking pag-aaral. Hindi nagkukulang ang mga magulang ko sa pagbigay ng baon sa akin araw-araw at pagbili ng mga kakailanganin sa school. Ang buong akala nila ay pumasok ako sa paaralan pero ang totoo ay hindi. I always skipped classes and got home also sa uwian na para hindi halata na hindi ako pumasok. At yun po akala ko huli na ang lahat, akala ko wala na akung pag asang mag aral dahil yun nga nabuntis ako ng maaga pero hindi pa pala huli yung lahat. So ayon pagkatapos kung manganak, I sought to continue my studies through modules kahit ang hirap dahil meron akong inaalagan na bata pero bawal mapagod para sa future namin ng anak ko. At ngayon ay kakatapos ko lang sa grade 8 at sa paparating na klase ay mag grade 9 na ako. Naniniwala po akong Education has no age limit, as long as you have the willingness and courage, you can really pursue your dreams.

"Ito naman na picture ay kakagraduate ko lang ng elementary dito"😊

IMG20210906094923.jpg

Hobbies and Interest:

Aside from taking care of my baby, ako po ay mahilig sumayaw sa tiktok minsan kasama ko din yung baby ko, I love singing too pero hindi pang contest yung pang karaoke lang. Pero gagawin ko lang yun kapag tapos na ako sa mga gawain.

Catholic:
Ako po ay isang roman catholic pariho sa aking mga kapatid , at ngayon ay aktibo na ulit ako sa aming simbahan dahil dati ay hindi po ako sumama sa pamilya ko dahil mas inuuna ko yung mga tropa ko kesa sa pamilya ko. I am also attending a virtual bible sharing and a small prayer group every sunday via zoom.

Yung lang po at maraming salamat sa inyo.

Sort:  
 3 years ago 

Welcome to #steemitphilippines @julietpunay17,mag ka age lang pala tayo.
Btw,enjoy and see your post around!🤗

 3 years ago 

Thankyou po😊

 3 years ago 

Mabuhay! Ikinagagalak ko ang inyong pagsali at pag pa verify sa komunidad na ito sana maging aktibo kayo dito. Para sa karagdagang patnubay at impormasyon pakibasa ang mga mahalagang tagubilin naka pinned post dito sa ating komunidad.

Maraming Salamat.
Inyong lingkod,
@juichi
MOD, for Visayas.

 3 years ago (edited)

@juichi Maraming salamat po sa pag verify nyo saakin😊😊

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.20
JST 0.034
BTC 92452.51
ETH 3105.57
USDT 1.00
SBD 3.16