The Diary Game: July 16-2022 ” Pampalamig sa Mainit na Panahon”||#burnsteem25

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

4A5C187E-B7BB-4F69-8699-B0F11F1FB90C.jpeg

Tag init na talaga dito sa Japan. Halos hindi na kami makatulog sa gabi sa subrang init ng panahon. Siguro nanibago lang kami dahil sa haba ng taglamig.

7330CB2A-9399-4A3C-939B-49EE7BB95A8A.jpeg

Odawara Fruit Parlor

Gayunnpaman, may maraming paraan upang maibsan ng kahit sandali ang init na aming dinaranas. Napag isipan ko na magpalamig sa isang sikat na fruit parlor dito sa aming lugar. Ang pangalan nito ay ”Odawara Fruit Parlor” .

9AD51AF6-2965-45A7-B48B-47433D9D1CEE.jpeg

Pagdating ko sa lugar ay mahaba na ang linya ng mga tao. Medyo may kamahalan ang kanilang menu dito dahil presko talaga ang mga prutas dito. Sabi ng iba lugar daw ito sa mga mayayaman at sikat na personalidad sa aming lugar.

1F9FADE5-3A5E-43B4-8FB4-8E566CAACF69.jpeg

Sa pagpasok ko pa lang sa restaurant ay na shock na ako sa presyo ng mga prutas doon. Biruin mo ang manga ay umaabot ng 1,380yen (43 steem) ang bawat isa samantala sa amin sa Pilipinas ay nasa 15 pesos lang(1steem). Siguro dahil sa export fee at iba pang bayaran para makaabot ito dito sa Japan. Mas lalo ako naging excited akong tikman ang kanilang menu dito.

9A65F5D2-27B2-4142-9ACF-95E3B5655A78.jpeg

May ibat ibang prutas dito, yung iba ay imported mula sa ibat ibang lugar at ang iba naman ay mga prutas dito sa Japan. Tulad ng hugis puso na cherry na ito, ang presyo ay umaabot ng 32,400 yen (1,079 steem) mahal daw ito kasi rare ang shape nito.

B7C822DB-BA5F-4CE3-B992-BC50888EF1B6.jpeg

4D2B0403-70D9-4B7A-AD63-BF3496475641.jpeg

May mga ibat ibang soviener item din na naka display dito. At ng kanilang ”ososomi” or ”demand” sa English ay ang apple cookies. May mga ibat ibang product din sila mula sa prutas.

Pag usapan naman natin ang pinaka exciting part!

6D7430FE-E0D9-4A62-8B4B-306D8D1A4E06.jpeg

Menu

AC313FC8-FB15-4476-8265-63F59C50AD66.jpeg

Porin A La Mode

Ito at nag order na ako ng ”porin a la mode” na may combination ng ibat ibang klase ng mga prutas tulad ng mangga,kiwi, strawberry, orange ma may cream at ”porin”. Ang lasa ng porin ay para siyang leche flan. Malalasahan mo talaga na presko ang mga prutas na sangkap nito. Sulit ang halos kalahating oras na aming pag hihintay. Napaka sarap ng combination sa mga ingridients lalo kapag halo-haluin mo ito. Perfect itong panghimagas lalo na sa klima dito na sobrang init. Ang menu na ito ay nagkakahalaga ng 780 yen (25 steem)

Umuwi ako nakangiti at nasabi sa sarili ko na atleast minsan sa buhay ko na subukan ko makapasok sa lugar ng mga sikat na personalidad.

Inyong ligkod,
@juichi

Sort:  
 2 years ago 

You look good sir.. 😎

 2 years ago 

Thank you dong.

 2 years ago 

Youre welcome sir.. 😊

 2 years ago 

I love the porin a la mode hehe...so cool 😎...looking good po enjoy ❤️

 2 years ago 

Love it too @jessmcwhite..🙂 masarap talaga siya.

 2 years ago 

Just call me jess po hehe

 2 years ago 

Stay safe bro @juichi God bless you!

 2 years ago 

Salamat bro.

 2 years ago 

waaah ang mahal talaga sa japan..hahahaha mao tong pag anha namo puro ra jd mi sa mga convenient stores hahahaha lami man japon...

 2 years ago 

Mao gyud maam.. need gyud ug tipid tips dri..

Hola, me encanto tu día, lleno de ricos alimentos, sobre todo el:

”porin a la mode” na may combination ng ibat ibang klase ng mga prutas tulad ng mangga,kiwi, strawberry, orange ma may cream at ”porin”.

Ayer miré en el supermercado unos kiwi, y pensé hacer algo, me diste una buena idea...

 2 years ago 

Muchas gracias amiga!

Hi respected sir can you share your discord contact with me?

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.18
JST 0.033
BTC 87757.32
ETH 3103.63
USDT 1.00
SBD 2.75