The Diary Game : August 29-2022 - Unplanned Hangout at Hide and Seek Cafe and Dinner in a Filipino Restaurant
Pagkatapos ng 30 minutos ng pag drive ay nakarating kami sa Shirahama Beach. Isang public beach dito sa aming lugar kung saan dito kami madalas mag jogging at mag picnic lalo na kapag summer. Napa ka perfect ang lugar na ito kung gusto mong mag relax at magkaroon ng preskong hangin tiyak mawawala ang stress mo dito.
Napakalawak ng lugar at ang karamihan ay naglalaro ng kahit anu- anong sports para malibang tulad ng volleyball, badminton at iba pa. At ang iba naman ay dito na magpalipas ng gabi. Hindi ka dapat mag alala sa iyong siguridad kahit magdamag kayong naka stay dito dahil may mga pulis na nakabantay 24 oras.
Dahil sa init ng panahon, napag usapan namin na mag palamig muna sa Hide and Seek Cafe. Isang maliit na restaurant katabi lang sa Shirahama beach.
Ito ang aming mga order. Nag order ako ng cold coffee na may cream sa ibabaw (mahilig talaga ako sa coffee) yung mga kaibigan ko naman ay nag order ng mango juice at ice craze. Ang bawat drinks ay nagkakahalaga ng 500 yen o 16 steem bawat isa . Sa totoo lang napaka ordinary lang ng drinks nila pero ok na rin dahil wala kaming choice dahil ito lang ang restaurant ang malapit dito. Kaya sa susunod kung pupunta kami dito ulit mas mabuting magdala na kami ng sarili naming baon.
Kahit hindi ganun ka espesyal ang pagkain nila maganda din naman ang interior design ng Hide and Seek restaurant (bawi nalang tayo sa pictorial). Parang nasa garden ka na may mga duyan. Mas enjoy na iniinom mo ang iyong drinks at naupo ka sa duyan habang magmuni-muni ng kung anu-ano. Hindi ko na yata matandaan kung kailan ako huli nakasakay ng duyan, buti nalang may duyan ang lugar na ito.
Pagsapit ng gabi ay napag usapan ulit namin kung saan kami kakain. Sinabi ng kaibigan ko na pupunta kami sa Filipino Restaurant para mag hapunan. Tamang tama gutom na rin kami at na miss na namin ang mga ulam na pang Pinoy. Nakaka excite talaga, yung feeling na parang nasa Pilipinas ka lang. Lalo na at Filipino ang may ari ng restaurant.
Nung nasa loob na kami ng restaurant nag order kami ng sinigang na baboy, humba, pritong tilapia, at halo-halo naman para sa aming dessert. Napakasarap ng servings nila at ang dami. Ang bill namin lahat ay umaabot lang ng 7,000 yen o 225 steem. Hindi masyadong mahal dahil binigyan kami ng may ari ng discount. Buti na lang mabait siya.
Umuwi kaming busog at napakasaya habang nagkwentuhan kami sa wala sa plano naming hag-out.
Maraming salamat sa inyong pagsubaybay at pagbasa aking Diary. Hanggang sa susunod,
@juichi
Ang ganda ng araw mo bro, at ang yummy ng mga foods!😊
Evaluation date: Sept. 01, 2022
Thank you for creating quality content here at Steemit Philippines Community.
Maraming salamat.
Looks so yummy specially sa halo halo😋
Morag halu halo sa chowking maam.
Sir I enjoyed reading your diary post. Had a very nice day. Your beach photo is amazing.🥰
Thank you for dropping by. I'm glad you like reading my content.