Paano mapansin ng mga curators at magkaroon ng posibleng upvotes? (How to get noticed by the curators and gain possible upvotes?)

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

png_20220909_060246_0000.png

Ang mga hinahangaan nating sikat na content creator dito sa Steemit ay katulad din nating lahat na nagsimula sa pagiging baguhan. Dumaan din sila kung ano man ang proseso na pinagdaanan natin ngayon. Dapat tandaan na walang mahirap kung tayo ay mag pursige at patuloy na mangarap. Katulad ko hindi ko rin inaasahan ang mga bagay na nakamtan ko ngayon sa Steemit dahil isa lang akong ordinaryong tao. Ngunit nagsikap akong matuto at pinahalagahan ko kung ano man ang binigay sa akin ng platform na ito.

Hindi madali ang journey natin dito sa Steemit, minsan dumating talaga sa punto na ma discourage tayo at sabihin sa ating sarili kung saan tayo na nagkamali at bakit hindi tayo nakatanggap ng upvotes sa mga malalaking curators’. Kaya ginawa ko ang artikulong ito sa hangaring na makatulong sa ating lahat at gawing tama ang mga mali sa ating pagawa ng ating content.

1.Maging Aktibo- Ugaliin nating maging aktibo sa paggawa ng iba't ibang content na may kalidad at pagkaroon ng engagement sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng makabuluhang kumento at sumali sa mga contest mula sa ibat ibang kumunidad. Isa ito sa unang makakuha ng atensyon sa mga curators.

2. Sundin ang mga Community Rules- May ibat ibang rule ang bawat community na dapat sundin. Katulad ng pag set ng iba't ibang percentage ng inyong post income sa community account at pagkaroon ng delegasyon. Makakatulong ito sa pagpalaki ng Steem power sa isang community account kung saan ito ang gagamitin sa pag upvote ng ating mga post.

3. Sundin ang basic protocol ng Steemit sa paggawa ng posts- Hindi tayo basta basta na lang gagawa ng content at mag post. May mga alituntunin tayong dapat sundin.

  • Gamitin ang #steemexclusive at #burnsteem25 tag- Ang #steemexclusive tag ay ang pinaka importante sa lahat ng mga tags. Ibig sabihin nito na ang inyong posts ay exclusive lamang sa Steemit at hindi ninyo itong maaring i post sa ibang social media blogging site. Ang #burnsteem25 naman ay ang pag set ng 25% pay out ng inyong post sa @null account. Basahin ang buong detalye sa link na ito.
  • Maging orihinal at iwasan ang pagkopya sa ibang gawa, "plagiarism" ang tawag dito kapag kayo ay mahuli. Dapat nating tandaan na may mga tools ang mga curators upang ma detect ang ating mga posts. Marami na ang mga nahuli nito at ang mabigat na parusa ay tuloyan ma "mute" ang inyong Steemit account.

  • Gumamit lamang mula 8 hanggang 10 mga letrato. Ang ibang posts minsan ay subra na ang mga letrato. Dapat natin tandaan na hindi priority ng mga curators ang inyong mga letrato kundi ang kalidad ng inyong artikulo. Kaya dapat piliin lang ang inyong pinaka magandang letrato para hindi masayang ang oras ng mga curators.

4. Gawing presentable ang inyong posts sa pamamagitan ng paggamit ng wastong markdowns-Ang markdown ang syang nag papaganda sa ating mga post ngunit hidi rin ito dapat sumobra. Ang advice ng mga curators ay dapat may caption ang bawat letrato sa inyong content. Para sa karagdagang kaalaman basahin ang post ni @kneelyrac tungkol sa basic markdowns ng Steemit sa link na ito.

5. Palakihin ang inyong steem power sa pamamagitan ng pag power up-Hindi natin dapat e drain ang ating account dahil nakakasama ito sa Steemit ecosystem. Kaya may #club5050, #club75, #club100 tayong dapat pagpilian sa ating account status. Karamihan sa atin ay alam na kung ano ang ibig sabihin nito. Ang pag power up sa ating account ay reflection natin at dito makikita ng mga curators kung karapatdapat ba tayo sa kanilang supporta. Huwag din natin kalimutan na hindi tayo dapat mag self vote. Dapat gamitin natin ang ating steem power sa pamamagitan ng pag upvote sa ibang posts.

Sana ay makatulong ang post na ito sa ating lahat lalo na sa mga bago. Hindi man kayo mapansin sa mga curators’ ngayon, hindi kayo dapat mawalan ng pag-asa kundi patatagin ang inyong sarili, maging aktibo at mag basa ng ibat ibang post para mag karoon ng idea kung ano ang dapat gawin. Hindi tayo dapat tumigil sa pag diskubre sa ating sarili at gamitin ang ating mga potensyal bilang isang manunulat.

Dapat nating tandaan na ang "tanim na mataas ay syang nakatangap ng sinag ng araw."

Cover image arranged via Canva

Inyong lingkod,
@juichi

Sort:  
 2 years ago 

You've got a free upvote from witness fuli.
Peace & Love!

 2 years ago 

Well said sir. The details are so clear. Thabk you for sharing this to us

 2 years ago 

Maraming salamat din maam, sana ay makatulong ito lalo na sa mga bago nating myembro.

 2 years ago 

Yes, this is exactly right sir..

That's me also before, I'd get 0.0 vote in every of my article. But as long as I have the will to continue in steemit. I'd still create, create and create more quality content in steemit although I have less vote. Because I know sooner or later it will be notice.

And this is the most important. Create as quality content as you can, then obey the rules. And sooner you will be notice also. And of course, patience and perseverance is the only key to success in steemit.

Pasensya ug kamao molahutay sa steemit. Kana ragud...

Salamat sa pag create sa kani nga article sir. Para naa say guide ang mga bag o pa diri. Ma motivate pud sila...

Regards,

Natz

 2 years ago (edited)

You got it sir Natz. I guess all of us have been experiencing that level. What matters is that we don't give up and we are willing to learn and obey the Steemit rules. Above all, the quality of our content is our only capital on this platform.

Thank you always for supporting our community and for being an inspiration to others.

Hopefully, we can initiate a meet-up to gather more Steemians in our place, sir.

 2 years ago 

Your welcome sir. That's really a good idea sir, hopefully soon if you are already here in the Philippines...

 2 years ago 

That is one of my biggest plans as soon as I get back sir. By the way, I will be home next month ” hapit na gyud”. How I wish we could bring back our old Steem Cebu Community.

 2 years ago 

Glad to hear sir. You'll be home on christmas day. Siguradong merry jud kaayo ang pasko sa tibuok pamilya.

Maojud sir nindut kaayo sa una katong naa pay meet-up. Pareha kani nga photo credits from Junebride..

received_1123925551853049.jpeg

 2 years ago 

I was setting in the front sir...🙂 Maka mingaw gyud to ato mga meet up sauna. Naa diay ka ato sir no?

 2 years ago 

Murag kaning nag polo shirt ug dark green. Murag ikaw man guro ni sir.

Oh sir walay laing opaw diha sir hangtud karon 😁

 2 years ago 

grabe jd kadaghan sa steemians before mga students kasagaran..where are you in the photo below sir? i can see jassen here and the rest of those very active steemians before.. i am also in the second to the left side wearing white shirt with blue sleeves..hehe

 2 years ago 

Kanang opaw maam 😁

 2 years ago 

hehe ikaw d ay na sir

 2 years ago 
Date verified: September 09, 2022
StatusRemark
Verified user
At least #club5050 status
Plagiarism free
#steemexclusive
Not using bot
At least 300 words
Supports #burnsteem25

Thank you for creating quality content here at Steemit Philippines Community.

 2 years ago 

Thank you @fabio2614.

 2 years ago 

Napaka laking tulong po nito sir sa katulad kong bago lang nagsisimula dito.salamat po sa pag share .

 2 years ago 

Thank you @juichi for this post. Very useful at malaking tulong para sa lahat.

 2 years ago 

Magandang tips Sir! Gawin ko rin ang mga ito.

 2 years ago 

Maraming salamat po sa post na ito, maraming kaalaman at malaking tulong sa para sa mga baguhan katulad ko I consider baguhan ako kahit last year pa ako dito hihihi. Dalawang post lang ako last year at nawala na at ngayon bumalik ulit.

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.20
JST 0.034
BTC 98504.77
ETH 3362.26
USDT 1.00
SBD 3.06