My Introductory Post To Steemit Philippines Community
Mabuhay! Magandang araw po sa lahat. Ito po ang aking pag pakilala sa sarili sa kumunidad ng Steemit Philippines. Ako po ay nagagalak sa inyong pag tanggap sa akin bilang isang myembro sa kumunidad na ito.
Ako po ay si Eduard Alba, @juichi po ang aking pangalan sa steemit. Nakatira po ako sa Mactan Island Cebu. Isa po akong Ofw, at sa kasaluyan ay nandito sa Japan nagtatrabaho.
May dalawa po akong anak na mga lalaki. Nagsimula po ako sa steemit noong January 2018. Natutuwa ako na ang Steemit ngayon ay unti-unti ng bumalik at mas lalong pang pinaganda.
Hindi madali ang aking buhay bilang isang OFW. Pero mas pinili kong lumayo sa aking pamilya at tiisin ang pangulila sa aking mnga anak. Ginawa ko ang lahat ng ito upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang aking mga anak at suportahan ang kanilang edukasyon. Dahil ayaw kong maranasan nila ang hirap na dinanas ko noon.
Nagpapasalamat po ako nga lubasan sa Steemit dahil ito ang aking naging libangan at naging saksi sa pang araw araw kung pamumuhay. Sa ngayon hindi pa rin ako maka uwi sa ating bansa dahil sa covid at kasalukuyang pina proseso ang aking visa at naghihintay pa rin ako na dumating ang panahon na maka uwi at makasama ulit ang aking mahal na pamilya.
Bilang isang aktibong myembro nag "delegate" po ako para sa ating Steemit Philippines community para mas lalo itong lumakas at makatulong sa ating mga kasamahang Pilipino.
Nagpapasalamat po ako sa @steemcurator01,@booming sa kanilang supporta.
Maraming salamat,
@juichi
Mabuhay at Maligayang Pagdating sa ating Steemit Philippines Community. Salamat sa iyong pagpapakilala.
Maraming salamat.